3

9.8K 134 16
                                    

Gerard kept his promise. He didn't go to office today. He even woke up early para magawa na niya ang kanyang morning routine, bago pa magising ang kanyang magi-ina. Matapos niyang mag-ehersisyo ay dumaan siya sa quarters ng mga body guards para ipahanda ang coaster.

Kapag coaster ang pinahanda niyang sasakyan, alam na ng mga kasambahay at body guards ni Gerard na may affair ang pamilya kaya naman kino-coordinate na rin ng head ng security na si Ed ang assigned na mga body guards sa convoy.

Ipinaghanda na rin niya ang mga yaya ng 5:00am para sa baon ng mga anak. Kapag aalis kasi ang mga bata, sinisigurado ni Shayla na may baon na pagkain ang mga ito, lalo na't gutumin ang mga bata sa biyahe. Preparation for the kids' food takes time din kasi dahil, as much as possibe, fresh na pagkain ang inihahanda ni Shayla para sa mga ito. Hindi pinapakain ni Shayla ang mga bata ng junk at processed food. Kung gusto ng mga bata ng parang mga chips, ang pinapakain nito ay mga home made sweet banana chips, salted and fried potato chips, malunggay chips, at mga sandwiches na gawa sa home-made mayonnaise, fresh vegetables at fruits. Palibhasa ay na-diagnose si Mommy Sarah na may first stage cancer sa breasts kaya naman iniingatan ni Shayla na ma-prevent sa mga anak.

Imbis na gisingin pa niya si Shayla para mag-prepare ng mga pangangailangan ng mga bata ay siya na ang gumawa nun para hindi na kailanganin ni Shayla na gumising ng mas maaga.

He also sent text message to his secretary to get them tickets for tonight to bring the kids to Hong Kong, dahil it was just a few hours away from the Philippines. It was a spur of the moment decision for him dahil wala siyang ibang maisip na pambawi sa kanyang mag-iina dahil hindi siya nakasipot sa movie date nila kagabi.

Sigurado siyang magre-reak na naman si Shayla dahil magastos ang pumunta ng Hong Kong, kahit malapit pa ito sa Pilipinas, lalo pa't mas gusto ni Shayla yun' tinatawag nilang 'Piso fare' which meant that a passenger must book months before his or her target date para daw mas praktikal.

Alam naman niya kung saan nanggagaling yun' pagiging matipid ni Shayla. She has been through a lot nung kadalagahan nito kaya natuto itong magtipid at mag-ipon ng ipon for the future. Sabi nito ayaw nitong mangyari sa mga anak niya yun' sinapit nito noong dalaga pa ito, na minsan ay napapaasa ito sa tulong ng mga kaibigan na tinuturing nitong mga kapatid na sina Rori, Tanya, Jackie, Rainbow at Pinkie.

Napangiti siya habang nai-imagine kung paano na naman siya iirapan ng asawa at magwal-walk out sa kanya. Ganuon naman parati sa kanya si Shayla. Mas gusto pa nitong magtago at umiyak sa isang sulok kesa makipag-away sa kanya. Siya naman ay nangungulit at habol ng habol. Ilang beses na ba siyang sinasaraduhan at nila-lockan ng pintuan ng asawa, pero wala lang itong magawa kasi he made sure na may sarili siyang susi sa lahat ng puwedeng pagmukmukan ng asawa, kaya naman hindi natatapos ang araw ay nagbabati na rin sila.

Kaya naman he still pushed through with his plans. Pinahanda na rin niya ang mga gamit ng mga bata para naman pagbalik nila sa bahay matapos ang program sa school ay magpapahinga lang sila for a few hours at babiyahe na papuntang airport

Matapos makapaghanda ng mga yaya ay nagsipuntahan na ang mga ito sa kanilang quarters para rin makapaghanda lalo pa't kasama sila sa pagpunta sa Hong Kong mamayang hapon at wala na rin oras ang mga ito mamaya upang maghanda. Gayun din ang mga body guards na awtomatikong kasama sa pagpunta sa Hong Kong.

Pumasok na siya sa kuwarto nila ng kanyang asawang naka-fetus position sa kama. Nakatalukbong ito ng kumot dahil ginawin si Shayla. Siya naman ay mainitin kaya naman kuntodo talaga ang air con sa kuwarto nila. Mabilis niyang hininaan ang air con because he forgot to lower the thermostat to 4 before he left the room. Then he went to take a bath. After taking a shower, pumunta siya sa under the blanket to embrace his wife.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon