56

3K 95 4
                                    

BUMALING SI SHAYLA SA ASAWANG SI GERARD. "I just remembered... diba hinalikan ka ni Katniss sa lips?" pabulong niyang tanong sa asawa.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Gerard na parang batang defensive dahil alam nitong he would be scolded.

"Hon, akala ko ba tapos na tayo mag-usap tungkol diyan?" napakamot ng ulo si Gerard. "Ni ayaw mo nga ako halikan ng ilang araw!" Mahina nitong reklamo na tila nahihiyang marinig ng pinsan nito ang parusa niya sa asawa.

"Hindi pa tapos," irap niya kay Gerard. "Ginugulo mo kasi ako noon kaya hindi kita na-grill sa ginawa niya!" Mahina niyang sabi, nang mapalinga siya sa may pintuan. Isa isa na rin kasing nagsisidatingan ang ibang mga classmate nila sa workshop na ito na mga galing din sa iba't ibang bansa at kompanya.

"Eh siya naman ang gumawa non, bakit ako ang papahirapan mo?" Gerard tried to reason out in a low soft voice, almost endearing to her ears.

"Dahil ikaw ang receiver!" Mabilis niyang sagot, trying to stand her ground. "At saka gusto mo ko makipag-away, ha?" tanong niya habang abalang inusod patabi kay Gerard ang kanyang upuan.

It was her security blanket to be close to her husband especially that the crowd was growing.

"Sagot, honey kong mashadong pogi kaya habulin ng mga babae!" Utos pa niya sa asawang alam naman niyang hindi pinapatulan ang pagsusungit niya. "Dapat yata nag-asawa na lang ako ng chaka para hindi ko dinadanas itong pagdurusang ito sa mga babae mo!" Dagdag komento pa niya.

"Nagsisisi ka ba?" may himig pagtatampong tanong naman ni Gerard, habang nakatitig sa kanya.

Napatingin siya kay Gerard at sinipat kung ito nga ba ay seryosong nagtatampo.

Hala! Mukhang nagtatampo na nga! Palihim siyang napakagat labi.Gusto lang magpabebe nitong si honey kong pa-kyut. Naisip niya.

Muli niyang tiningnan ang asawa. Nag-cross arms na ito at umiwas ng tingin. Yung parang hindi siya nakikita nito.

Napabuntong hininga siya. Ito na naman kasi siya. Pag ang asawa niya ang nagtatampo, bumibigay kaagad siya. Pero naisip niya, pagbibigyan na lang niya si Gerard dahil ni minsan ay hindi ito nagsawang ipadama at ipaalam sa kanya kung gaano siya nito kamahal at hindi niya kailanman magagawang hindi suklian ito.

"Ilan na ba anak naten ha?" mahinahong niyang tanong sa asawang hindi siya pinapansin at inabala na lamang ang sarili sa pagbabasa ng manual nito. "Apat." Sinagot na lang niya ang sariling tanong dahil hindi naman sumagot si Gerard. "Dalawang set ng kambal pa!" She emphasized with her fingers. "Tapos ito," kinuha niya ang kamay ni Gerard at nilagay sa may tiyan niya. "Kung nagsisisi ako, sa tingin mo, sa dalawang set ng kambal pa lang, umayaw na ako?"

Hindi sumagot si Gerard, pero bakas sa mga mata nito na nagustuhan nito ang sagot niya, kaya bumalik na naman ito sa pagdikit ng silya nito sa kanya.

"So, okay na tayo ha? Puwede na ulit ako mag-emote?" tanong niya kay Gerard na kahit hindi nakangiti ang bibig ay nakangiti naman ang mga mata.

"Okay," he acknowledged, braving himself to her onslaught, and she knew it. Alam niyang pinagbibigyan siyang mag-rant ng asawa.

"Naiinis lang ako kasi ang sabi mo noon hindi na natin makakasama si Katniss, pero nandito pa rin siya ngayon!" Aniya kahit tila ba parang hindi naman apektado ang asawa. Basta ang ginagawa lang nito ay ngitian siya na parang in love na in love sa kanya at nakikipagholding hands.

"Alam mo hon," anito. "Siguro kung magkaklase tayo nung high school o college, hindi ka kaagad naka-graduate." Pabulong na sabi nito sa kanya. "At siguro nasira na ang pag-aaral ko..." he suddenly cut her.

"Nakikinig ka ba sa'ken?" naiinis niyang tanong.

"Yes, hon." Agad na sagot ni Gerard habang nakatitig sa kanya.

"Kung anu ano kasi ang sinasabi mo." Komento niya. "Hindi mo na naman ako sinersyoso na para bang lahat ng issues ko, maliit na bagay lang sa'yo..." inis niyang sambit sabay irap.

"Honey kong goddess, nakikinig naman ako sa'yo, pero minsan kasi pag tinitigan kita, I cant help but wonder how on earth did I find you, and how lucky I am that you're mine. D'you know what I mean?" pa-slang pa nitong sabi.

Hindi siya kaagad nakapagsalita sa sinabi ni Gerard, kaya nagtuloy sa pagpaliwanag ang asawa. "Katulad ngayon, feeling ko student ako ulit parang nung high school o college. Naisip ko lang, ano kaya kung girl friend na kita nung high school pa lang tayo? Ano kaya kung nung college? Siguro hindi ako nakapag-concentrate ng pag-aaral..."

"So bad influence ako? Ganon?" she crossed her arms.

Natawa si Gerard sa kanya. "Not really bad influence. Baka hindi lang tayo kaagad nakatapos ng pag-aaral kasi feeling ko... feeling ko lang naman... buntis ka na high school pa lang."

"Susmaryosep! Buti na lang hindi pa tayo nagkakakilala non! Imagine, ilan ang anak naten ngayon kung high school pa lang nagsisimula na tayo gumawa ng baby! Juzko!" Pabiro niyang hiniritan ang asawa. "Baka yung boobs ko ngayon, honey, parang sa cow na... tapos ikaw payatot na payatot na kasi ang hilig nating dalawa..." she couldn't help but tease him.

"Yeah, I definitely agree." Sumakay naman si Gerard at sabay naman silang natawa.

"Ay! Baliw couple! Kanina nag-aaway, ngayon nagtatawanan?" hirit ni Rori sa kanilang dalawa dahil katabi lamang iya ito. Napapagitnaan kasi silang dalawang babae ng mga asawa nila.

"Ito kasi eh!" Turo niya kay Gerard. "Naiinis kasi ako sa kanya dahil sa mga babae niya. Hindi pa nakuntento, kasama pa natin ngayon dito." Pang-aasar niya sa asawa.


"Hon, kasama naman niya si Utt ngayon diba?" may pakiusap sa boses nito na parang nanlulumo magpaliwanag sa kanya. "Hindi mo ba napansin parang close na yung dalawa?" malisyoso pang tanong ni Gerard sa kanya.

"Kaya close kasi mag-amo." Dahilan niya. "Parang tayong dalawa. Mag-amo din tayo. Kaya hindi mo pa rin maalis sa akin na ma-paranoid dahil may close proximity na naman siya sa'yo. Baka salisihan na naman niya ako. Nakuuuuu talaga!"

"Uhm, are you two having some sort of a lovers' quarrel again?" singit ni Rori na nasa tabi niya.

"Hindi best friend, slight lang." Mabilis niyang sagot sa kaibigan.

"Tama ka naman diyan, hon. Ikaw ang amo at ako ang alipin mo." Bulong naman ni Gerard sa tenga niya.

"Hindi mo ko makakuha sa pambobola, honey kong pa-cute!" Agad naman niyang sinagot at tinitigan si Gerard. Gerard smiled at her. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya at nakipagtitigan din sa kanya.

"Hay naku, tigilan niyo na ang paglalandian niyo. Nakakasakit kayo ng damdamin." Umayos na si Rori at bumaling sa manual nito upang magbasa.

Inilayo niya ang kanyang mukha dito at napatingin kay Rori.

"Anong ibig mong sabihin, bakla?" mahina niyang tanong.

Itinaas ni Rori ang manual nito sa may bandang mukha na para bang nagbabasa at inginuso and direksyon nina Katniss.

Nakita niyang malungkot na nakatingin si Katniss kay Gerard na ngayon ay abala sa pagcheck ng mga isinulat niyang sagot sa case study questions niya. Si Utt man ay napatingin din sa direksyon ng tinitingnan ni Katniss pero agad itong umiwas ng tingin. Bumulong ito kay Katniss at napatingin ito sa kanya saka agarang nagbaba ng tingin at humarap na lamang sa direksyon ng White board.



Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon