37

2.3K 74 1
                                    

MAAGANG NAGISING SI SHAYLA DAHIL NAGUGUTOM SIYA. Sapo ang kumot sa dibdib upang takpan ang katawan, ay dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at hinanap kung saan napunta ang suot niyang pantulog kagabi. Nang makita niya iyon ay agad niya itong sinuot at tiningnan ang oras sa alam clock. It was only 4:15am. Gusto pa man niyang matulog dahil 2:00am na nang makapagpahinga sila ni Gerard, ay hindi na niya nagawa. Tumungo na lamang siya sa CR upang umihi, pagkatapos ay magsipilyo. Tinali na niya ang kanyang mahabang buhok, at naligo. Inadjust niya sa warm ang temperature ng heater dahil lamigin siya. Matapos maligo, ay nagbihis na siya ng regular niyang t-shirt at shorts na suot, at tumungo na sa kusina. Humanap siya ng maaring makain. Nakita niya sa refrigerator ang left over na mga sandwich. Napaisip siya kung sino sa mga anak niya ang hindi kumain ng baon niyo. Kinuha na lamang niya ang sandwich at ininit ito sa microwave saka kinain ang mga ito. At dahil sa hindi na siya maaring uminom ng kape ay uminom na lang siya ng chocolate powder drink ng mga bata.

Habang kumakain ay muli niyang binuksan ang telebisyon, at nagulantang na makita niya ang sarili sa telebisyon. Kuha ito kagabi sa pagkikita nila ni Alfred Diokno. Sinasabi sa news na dumating siya kagabi sa ospital upang bisitahin ang mga naaksidente sa insidente, at nagpakumbabang lumapit ang si Vice Mayor Diokno kahit pa kalaban sa politika ang asawa nito na si Gerard Ponce. Nagkamay pa nga raw ang and dalawa ngunit dumating si Gerard Ponce at pinaalis ang mga newsreporters, porket ito ay nasa kapangyarihan dahil ang ama nito ay ang Presidente ng Pilipinas at isa sila sa mayayamang angkan sa bansa. Napag-alaman sa kampo ni Vice Mayor Diokno binugbog ito ni Gerard Ponce sa loob ng ward.

Tinitig na titig siya sa hitsura nila sa kamera ni Vice Mayor Diokno. Kitang kita niya doon na halata naman may intensyon si Vice Mayor Diokno na magpalapad ng papel.

At hindi totoo ang balita na binubugbog ni honey si Alfred Diokno! Naiinis niyang naisip, nang biglang may pumutol ng kanyang reverie.

"You shouldn't watch the news." Si Gerard iyon na pinatay ang television. Sinundan pala siya nito sa kusina. Nakabihis na ito ng t-shirt at shorts at medyo gulo-gulo ang buhok nito.

Bakit ganun, puyat at magulo na ang buhok nitong otokong ito, pero cute pa din! Kainis! Naisip niya.

"Hon, narinig mo ba ang sinabi ko?" mahinahong tanung ni Gerard na nasa harap na niya ngayon at pinipindot ang kanyang ilong.

"H-ha?" naitanong niya.

"Ang sabi ko, huwag mong inii- stress ang sarili mo sa mga news. Try to manage it by not watching the news." Anito saka pumunta sa coffee maker at nag-brew ng kape.

"Naku, ako na, hon!" Nagmamadali siyang tumayo sa dining table at ikukuha ng mug ang asawa.

"Hon, umupo ka na lang diyan at kumain." Pigil ni Gerard sa kanya. Kumuha ito ng mug at saka naglagay ng kape dito. Lumakad ito papunta sa kanya at naupo sa kanyang tabi. "Bakit ang aga mong nagising?" tanong nito sa kanya habang nilalaro ang dulo ng buhok niya.

"Nagutom ako, hon," aniya. "Gusto mo?" sabi niya.

"Hindi na, hon. Kain ka na lang." Anito.

"Sige na, pangatlo ko ng sandwich ito eh," muli niyang alok, habang naii-stress pa rin sa napanood. "Paano nga pala yung nasa news?" nag-aalala niyang kagat sa sandwich.

Napansin niyang pinagmamasdan siya ni Gerard at napangiti ito. Bahagya siyang namula dahil alam nitong naaliw ito sa pagkain niya ng sandwich. "Takaw ko 'no?" nahihiya niyang tanong.

Umiling ang asawa niya. "Sus, hon! Nako-conscious ka pa ba sa'ken? Naalala mo ba yung time na nagbubuntis ka kina Bree at Gwen, tapos nag-drive thru tayo sa Jollibee? Ang dami mong inorder. Akala ko para sa ating dalawa na yon, tapos sa'yo pa lang pala! Akala ko pa nga takaw tingin ka lang, pero naubos mo lahat yun, hon!" Pagsalaysay pa ni Gerard.

Nahiya siya nang maalala niya iyon. "So anung point mo, ha?" naiinis niyang tanong. "Na matakaw ako? Ganun?" inirapan niya ang asawang nakangiti, exposing those dimples again that she adores.

Agad siyang inakbayan ng asawa na natatawa. "Hindi, yun, hon! Feeling ko lang, kambal ulit ang pinagbubuntis mo!" Masaya nitong sabi saka humalik sa pisngi niya.

"Nakuuuu, pleeeeassse!" Naloka siya sa hinirit ng asawa. "Pag nagkataon, anim na kaagad ang anak natin! Grabe! 21st century na! Hindi na uso ngayon ang maraming anak!" Komento niya, nang mapansin niyang parang kumunot ang noo ng asawa. "Tsk! Bakit na naman?"

"Eh paano kung sabihin ko sa'yo na gusto ko ng maraming anak?" may himig pagtatampong tanong nito.

"Juzko, hon, mahirap manganak." Sagot na lang niya. "Pero, wait lang! Paano na yung tungkol sa balita kanina? Hindi naman totoong binugbog mo si Alfred Diokno." Alala niyang tanong.

"Huwag mo na isipin yon. Ako na ang magmamanage nun." Anito at iniba ang usapan. "Kapag manganganak ka na, eh di mag-painless birth method tayo?" anito na humahalik sa leeg niya, at inilagay pa sa ilalim ng t-shirt niya ang kamay nito upang haplosin ang dibdib niya. Palibhasa ay hindi kasi sila nagkaroon ng kontak kagabi dahil bawal pa nga sabi ng doctor, kaya sa ibang paraan na lamang nila pinleasure ang isa't isa. Pero alam naman niyang nabitin ang asawa.

"Hon!" Pinalo niya ang kamay nito. "Nasa kusina naman tayo! Baka may makakita sa atin! Nakakahiya!" Sita pa niya.

"Eh di akyat na tayo sa kuwarto." Aya nito at kumindat pa sa kanya.

Napatawa siya. "Honey kong pa-cute," babala niya at napatingin siya sa oras, dahil gusto sana niyang pagbigyan ang asawa pero napatingin siya sa orasan at nakitang quarter to 5:00 AM na. "Hindi na hon," pag-iwas niya sa panghaharot ng asawa, at tumayo na sa kinauupuan. "Diba first day ko ngayon sa opisina bilang EA mo? So dapat maghanda na ako ng maaga para sa mga baon ng mga bata, tapos magbibilin pa ako sa mga yaya mamaya kung ano ang gagawin nila habang nasa office tayo." Aniya na nagmamadali. "Ikaw naman, umidlip ka muna, tapos gigisingin na lang kita para makapag-handa ka na rin. Go na!" Sabi pa niya sa nagkakamot ng ulo na asawa.

Sumunod naman ito at umakyat na ng hagdan patungo sa kuwarto. Sinundan pa niya ng tingin ang asawang mabagal na naglakad at patungo kanilang kuwarto.


Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon