6

8K 130 14
                                    

Shayla felt guilty na hindi siya nakapag-pokus sa pagpanood kina Bree at Gwen dahil mashado na siyang na-conscious sa presence ng kanyang nemesis na si Angela.  Alam niyang napansin ni Gerard ang kanyang pagiging uncomfortable, at alam din niyang sinadya talaga ni Gerard kantahin ang firework dahil may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Ganuon naman parati ang asawa. Dinadaan siya sa music. Napaka-hopeless romantic, which she found so endearing about him.

Na-touch din siya sa asawa dahil nakuha nito ang nararamdaman niya kaya ito gumawa ng move na ipaalala sa kanya kung sino siya base sa paningin ng asawa at mga anak. At sino pa ba naman ang pinakamahalaga ang opinyon tungkol sa kanya kungdi ang mga mahal niya sa buhay? Kaya naman nawala ang insecure niyang feeling laban kay Angela.  Salamat na lang sa kanyang better half na si Gerard.

Ewan ba niya kung bakit may ganuon silang pakiramdaman ng asawa, pero natutuwa siya dahil sa ganuong intimacy that they share. Yung tipong kilala nila ang isa't isa kahit hindi sila nag-uusap. They are so familiar kung paano ang takbo ng isip, emosyon at pakiramdam ng isa't isa. Siguro ito ay dahil nga may limang taon na rin naman silang halos araw-araw ay magkasama. Kailan lamang naman naging mashadong busy ang asawa at ito ay nang inatasan na maging Chief Operating Officer ng Ponce Group of Companies si Gerard, habang si Percival na pinsan nito ang CEO ng Ponce Group of Companies, at ng Pizzo Group of Companies kung saan si Gerard ay Board Director.

After the presentation of the kindergarten students and after kumanta ni Gerard ay nagsisunuran na ang ibang parents sa pag-participate ng pagkanta.  Then, the teacher invited everyone for a mini-salo salo of food. After the mini-salo salo ay nagsalita muli ang teacher ni Bree at Gwen. The teacher announced that there was going to be a family day the following month, and the parents were invited to participate in the family amazing race.

Excited naman na lumapit si Angela sa kanila. "I really hope na maging magka-grupo tayo!" She sweetly said to Gerard, before Angela looked at her with a smile plastered on her face.  Hindi na niya nagawang mag-reak dahil binalingan siya ng asawa.

"Are you up for it, hon?" tanong ni Gerard sa kanya na bahagya niyang ikinalito. Alam niya na may gustong ipahiwatig si Gerard pero hindi niya makuha kung ano.

"Uhm, I guess." Sagot niya.

"Are you sure, hon? Let's have you checked first." Sabi ni Gerard na lalo niyang ipinagtaka.

"Why? Is she sick?" usisa naman ni Angela.

Sa isip naman niya, baket gusto mong malaman? Are you hoping may sakit na'ko at malapit nang matigok dahil may gusto ka sa asawa ko?

Inaamin naman ni Shayla sa sarili na napapraning siya dahil puwede naman na concerned talaga sa kanya si Angela, pero pinipili lang niya maging paranoid sa true intentions nito.  Ilang beses na kasi niyang in-attempt na makipag-kaibigan dito noon pero  parati siyang nire-reject ni Angela, to the point na inaapi pa at pinapahiya siya nito sa tuwing lalapitan niya. Ayaw niya ng may kaaway, lalo na noon na natutuhan niya na mula sa mga kaibigan na kung hindi niya makukuha ang feeling ng pagiging safe, katahimikan at pagmamahal mula sa kanyang bahay, maari naman niya itong makuha sa mga kaibigan. Pero, dahil kay Angela, natutunan din niya that you cannot please everybody, and that everybody's opinion may not necessarily have to matter at all to her. Even just a few friends in your life may be more than enough to make your heart smile.  Pero it was Angela who rejected her offer of friendship. Kaya naman ganun na lang ang pagka-praning niya ngayon na biglang nagpapakabait si Angela sa kanya.

"No, she's not sick." Gerard replied to Angela's inquiry, which also stopped her thoughts. "I just want to be sure my beguiling wife is not pregnant if she will join the physical activities in the race." He winked at her, which made both Angela and her blush.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon