MATAPOS PALIGUAN NI SHAYLA ANG MGA ANAK katulong ang mga yaya ng mga ito, ay siya namang naligo na rin dahil may balak siyang gawin. Gusto niyang bumawi sa asawa. Kanina pa nga niya pinag-iisipan kung paano ba siya babawi dito, dahil nga sabi ng duktor ay hindi naman sila maaring magkaroon ng contact ni Gerard.
Ngunit paglabas niya ng bathroom, ay nakita niyang abalang nagbibihis ang asawa. Hinawakan niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan at nilapitan ang asawa. Alam niya na nate-turn on ang asawa niya kapag nakatuwalya lamang siya, kaya minarapat niyang sadyain na ma-distract ito sa pinaplano nitong pag-alis ng dis oras ng gabi. Gerard rarely left at this time of the night, let alone, go out without her. And she felt sad about that if this would the first.
"Hon," aniya sa asawang kasalukuyang nagbobotones ng polo nito. "Saan ka pupunta?" she wasn't used to asking Gerard such question, because he would normally tell her first hand if has a schedule, before he would even plan something. Tonight was different, and she felt a bit nervous.
"May emergency sa isa sa mga building ng PGC. I need to go there to check what happened." Paliwanag nito habang abala sa pag-ayos ng sarili, bago humalik sa pisngi niya.
Bahagya siyang nalungkot, at napayuko na lamang. "P-pero..." gusto sana niyang pigilan ang asawa pero pinigilan niya ang sarili. Ngunit kahit wala pa man siyang sabihin ay tumigil naman si Gerard sa pag-alis at lumingon sa kanya.
"Yes, hon?" mahinahon nitong hinawakan ang kamay niya. Batid nito na nakakaramdam siya ng pagtatampo sa planong pag-alis nito.
Napailing siya dahil batid niyang nagmamadali ang asawa at ayaw na niyang maging rason pa siya ng pagka-delay nito. Isa pa'y sinabi na nga nito na may emergency daw sa isa sa mga properties ng Ponce Group of Companies. Dapat, bilang asawa, ay maintindihan niya ito, paalala pa niya sa sarili.
"Mag-ingat ka sa pagdadrive ha?" masuyo na lang niyang inakap si Gerard at umakap din ito ng mahigpit sa kanya.
"I have to go now, " anito at humalik sa labi niya. "Don't stay up late, and don't wait for me, honey." Bilin pa nito habang nagmamadaling hagilapin ang susi at mobile phone sa side table, saka pumunta sa pintuan at lumabas ng kuwarto.
Siya naman ay matamlay na napa-upo sa kama at napabuntong hininga. Balak pa naman niya lambingin ang asawa ngayon gabi. Pambawi baga para sa stress na dinanas nila kamakailan lang.
Muli siyang bumuntong hininga at pinindot na lamang ang remote control ng tv. Nasa balita na may pumutok na isang condo unit sa isa sa mga sites na pagmamay-ari ng Ponce Group of Companies, at nahagilap pa ng kamera si Percival na naroon na pala sa site.
Napakapagat labi siya at napaisip. Iyon pala ang dahilan ng pagmamadali ng kanyang asawa. Agad siyang tumawag kay Rori na matalik niyang kaibigan at asawa ni Percival na pinsan naman ng kanyang asawang si Gerard.
Sinagot kaagad ni Rori ang mobile phone. "Alam mo na ba ang nangyari sa isa sa mga buildings ng PGC?" nag-alala niyang tanong.
"Oo, Shay. They think a bomb was implanted in the empty condo unit." Paliwanag naman ni Rori.
"Eh bakit pa pumunta doon sina Gerard at Percival? Baka mapaano sila!" Natakot niyang sabi.
"I agree with you, Shay! I told nga Percival to let the investigators and experts do their job na lang kesa pumunta siya doon. But he insisted. Huhu!" Nai-stress na sabi ni Rori.
"Ninenerbyos naman ako! Ang sabi lang kasi ni Gerard, emergency. Hindi naman niya sinabing may nangyaring pagsabog sa isa sa mga building. May casualties ba? Sana wala..." napakagat labi niyang tanong kay Rori.
"Yes, I think the guard got injured, and some of the bystanders near the condo unit were hit by falling debris..." malungkot na balita ni Rori.
"Naku, sana minor injuries lang ang natamo ng mga tao. Kawawa naman sila. Nag-aalala na siguro ngayon ang mga pamilya nila. Sana matugunan kaagad yung pangangailangan nila..." nag-aalala niyang sabi habang nanonood sa news, nang matigilan siya dahil napabalita na ang isa pa sa may-ari at anak ni President Ponce ay dumating na rin doon. Nakuhaan ng kamera si Gerard na umiiwas sa kamera. Nilapitan nito ang pinsan na si Percival at sabay silang pumasok sa loob ng building upang inspeksyonan ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Love in a Rush II (LR 2)
General Fiction#couple #lovestory #jealousy #career #homemaker #kids #romance #marriage #choices Disclaimer: This story should not be mistaken for a fairy tale. This is not appropriate for kids. THIS IS SPG | STEAMY |RAUNCHY