40

2.3K 75 9
                                    

KINAKABAHAN SIYANG SUMUNOD KAY RAFA HABANG PAPUNTA SILA SA PINAKAMATAAS NA FLOOR NG USC Building. Pagbungad pa nga lang nila sa lobby ng 40th floor ay nakasulat na ang pangalan ng kompanya.

UTT SANDERS COMPANY (USC), pagbasa pa niya dito. Lalo siyang kinabahan.

Parang kailan lang noong si Utt Sanders ay isang istudyante lamang at kaibigan ni Percival sa Harvard. Naglolong distance call ito sa kanya noon, at nagpapadala ng flowers, chocolate, at pabango, pero hindi niya ito mashadong iniintindi noon dahil nga may trauma siya sa mga lalaki noon. Pero wala siyang masasabing masama kay Utt. Napakatiyaga nito noon manligaw kahit pa long distance ang sitwasyon nila. Noon naman ay mabait na sa kanya si Utt, at pinagtitiyagaan siya sa pagtawag nito sa kanya kahit na yes or no lang ang sinasagot niya sa lahat ng tanong o pakikipag-usap nito sa kanya. Kasi nahihiya talaga siya kay Utt Sanders noon at naiintimidate siya dito dahil inglesero, mayaman, matalino, may hitsura. At vocal din ito sa nararamdaman para sa kaniya na ikinaiilang niya noon. Natigil lamang ang komunikasyon nila nang mabuntis siya at nagsunod sunod na ang mga pangyayari sa buhay niya. Nagbago na rin kasi siya ng number noon, simula nang una siyang bigyan ni Gerard ng bagong mobile phone nung fiancé pa lamang niya ito.

Ang susunod na pagkikita lamang nila ay noong nasa Singapore siya pero nakipag-kamay lamang siya dito. Sino ba ang mag-aakala na ngayon ay mayroon na itong sariling building sa Ortigas dito sa Pilipinas? Aaminin niyang namangha siya, at na-intimidate na rin ngayon kay Utt Sanders kaya kabado siyang makita muli ang lalaki.

"S-Sir Rafa," kinalabit niya si Rafa noong naka-upo na sila sa loob ng boardroom at sine-set up na ni Rafa ang laptop para sa presentation. "Ako ba talaga ang magpi-present? Hindi ba puwedeng ikaw na lang?" kinakabahan niyang sabi.

"Love, you can do this. And besides, I've got a feeling that he would easily yes to you, than to me." He caressed her face na bahagya niyang ikinagulat.

She just nodded her head at umupo na lang sa isa sa mga swivel chairs. Napansin niya na sa pag-upo niya ay masarap ang kutchon ng swivel chair kaya sinilip niya ang arm rest nito upang hanapin ang tatak ng upuan.

"Love," Rafa said that endearment again which was making her uncomfortable, but she just ignored it. "Ano bang ginagawa mo diyan?"

"S-Sir, tinitingnan ko lang yung tatak nung silya kasi magpapabili ako sa asawa ko ng ganitong silya. Hindi kasi masakit sa likod. Ang sarap sumandal." Aniya. Pero dahil hindi niya makita ay sumimple siya ng usod pababa na ikinaluhod niya bigla sa sahig. Sakto naman ay pumasok na si Utt Sanders.

Napatingala siya kay Utt at tatayo na dapat nang imbis na makipagkamay ito kay Rafa na sumalubong dito, ay sa kanya ito pumunta. "Shayla, are you ok?" nag-aalala nitong inilahad ang kamay sa kanya.

Tinanggap nito ang kamay ng lalaki at inilahad pa nito ang isa para alalayan siya sa braso upang makatayo ng ayos. Ngunit habang inaalalayan siya nito ay nakangiti ito sa kanya at nakatitig sa kanya. Napatitig na rin tuloy siya at duon lang niya natitigan ito ng malapitan. Naisip niyang maganda pala ang mga mata nito, at matangos pala ang ilong. At dahil sa pag-alalay nito sa kanya, ay lalo pa silang napalapit sa isa't isa sa pagtayo niya. Di niya sinasadyang mapahawak sa dibdib nito at masalat na matigas ang dibdib ng lalaki. Mukhang nagwo-work out.

"S-sorry," sabi niya nang ma-out of balance siya dahil sa suot niyang dress na A-cut kaya mahirap tumayo.

"It's okay," anito na hindi pa rin bumibitiw sa kanya.

Napayuko na lamang siya dahi naiilang siya sa lapit ng kanilang mukha at mga katawan.

Napansin ito ni Utt Sanders at na-realize nito na hindi na siya kumportable sa hawak nito, kaya marahan itong bumitiw sa kaniya.

Love in a Rush II (LR 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon