Epilogue Part Two
#DittoDissonanceWP
Listen to: One Day at a Time by UNSECRET, Tim Halperin as you read this epilogue.
Before proceeding, read this note: This is the final part of the Epilogue. I would like to thank all of you who came far and joined me as I write Caiden and Zern's story. We've seen every character grow, including Caiden's mother and friends, and how they outgrew their past selves.
I hope that Ditto Dissonance touched you in any possible way. I hope it taught you lessons that would help you understand yourself better. Your emotions always need to be regulated. It's okay to feel things and to express it.
I also hope that after reading this story, your horizon will be widened and you'll learn that we are different people. We express ourselves differently. We cope differently.
Lastly, I hope you always remember Caiden and Zern's story. Thank you for loving Ditto Dissonance just as much as I love it. Thank you for reading my first BL story. This story ends here.
PS: To bag out the surprise, my next story would be Ashton's story. We will venture more into his life. As always, it would be deep and require analysis as you read it. That's just how I write my stories.
I hope to see you there!
I hope you also leave a vote for the finale of Ditto Dissonance! Leave a vote now! Thank you and enjoy! Love u <3
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
"Saan mo ba kami dadalhin, Zern?" Nakakunot-noong tanong ni Mama habang inaayos niya ang suot na bag.
"Magkakape nga tayo kasama si Papa," sabi ko at nginitian si Papa na nakakunot din ang noo sa akin.
Matapos kasi namin mag-usap ni Tita Divine, napagdesisyunan naming pasunudin sina Mama at Papa. Aayain ko sana si Tita sa bahay kaso baka hindi siya maging comfortable dahil maliit lang ang bahay namin.
Sa tingin ko mas makakapag-usap sila nang mas maayos kung sa mas maaliwalas na lugar. Hindi rin naman matao 'yung coffee shop kaya sakto lang.
Natigil sa karereklamo si Mama 'pagpasok namin sa Coffee Project. Namataan na rin niya kasi si Tita Divine na nakatayo bilang respeto sa pagdating namin.
Napatingin sa akin si Mama, at halatang hindi niya alam ang gagawin niya. Matamis ko siyang nginitian 'saka komportableng iginiya papunta sa table kung nasaan si Tita, gano'n din ang ginawa ko kay Papa.
Tumabi ako kay Tita Divine at hinayaan kong nasa harap namin ang mga magulang ko. Nagkatinginan pa kami ni Tita at hindi alam kung paano magsisimula pero hindi namin inalis ang ngiti sa mga mukha namin.
"Hello, Melecia. . ." Tita greeted my Mother warmly.
Ang nababalisang mukha ni Mama ay unti-unting humupa 'saka siya napangiti.
"Hi, Divine. Uhm. . . paanong magkasama kayo ni Zern?" Nag-aalinlangang sabi ni Mama pero nananatili siyang nakangiti.
Mahinang natawa si Tita. "I reached through his friend, Leroy. Gusto ko kasi siyang makausap tungkol kay Caiden. Nagkaayos naman na kami ni Zern at napag-usapan namin lahat ng dapat pag-usapan. Nag-sorry din kami sa mga nasabi at nagawa namin sa isa't isa," kalmadong sabi ni Tita.
![](https://img.wattpad.com/cover/358463968-288-k60570.jpg)
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romansa[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...