CHAPTER 1

7.5K 190 63
                                        

A/N:
Paunang bakbakan.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

The Day We Meet

ALORA'S POV

Idinaan ko na lamang sa katatawanan ang aking paglisan sa aking bayan pero ang totoo ay kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa kung anong maaari kong kakaharapin sa bagong buhay. Kinakabahan ako dahil di ko alam kong kakayanin ko ba ang bagong yugto na aking kakaharapin. Bagong simula. Bagong laban. Malaking pagbabago ang kakaharapin ko ng mag-isa. Mag-isang kakaharapin ang mundo ng may takot at kaba ngunit nangingibabaw ang sidhi ng pangarap at para maisakatuparan ang lahat ng aking gustong marating sa buhay. Panibagong paglalakbay. Paglalakbay patungo sa magandang bukas. Bukas na.....echos! ECHOS! Naging spoken poetry na tuloy. Walang ganyan!

Walang ganyan beh!

Papasok na ako ngayon sa eroplano ngunit tumingin muna ako kela nanay, Ked at Jussien na siyang naghatid sa akin sa airport bago tuluyang pumasok na ako sa loob ng eroplano. Mga support system ko yan. This is it. Face your fears, ika nga nila.

"Hoooo!"

Hinanap ko na ang upuan ko sa loob at ng makita ay inilagay ko muna luggage ko sa taas ng aking upuan bago naupo. Feels like the first time makasakay ng eroplano. So exciting. Buti na lang malapit sa bintana ako nakapwesto, maaga din kasi nakapagbook ng flight si mareng Ked kaya nakapili agad ng pwesto. This is not my first time riding an airplane pero may kaba pa ring sumisilay sakin. Di sa may phobia ako ah, kunting takot lang naman na parang into cardiac arrest ang atake pero huhupa din naman to pagnakatulog na ako. May mental turbulence din ako katulad ni Melai. Eme!

Nag advertise ang flight attendant sa harap na akala mo nama'y basta basta magagawa ng passenger ang mga pinanggagagawa niya kong nagkakagulo na. Magpapanick at magpapanick talaga sila at dahil sa panick mawawala na sa concentration sa mga instructions nila kaya di na magagawa ang mga paalala nila. Mga echosera! Pero goods na din para sa emergency nga, applicable lang yan sa mga hindi naaapektuhan ng panick attack. Sila pa rin naman ang sasaklolo pag nagkagulo na. Anyways bat ang basher ko? Trabaho yan nila kaya wag kang ano Al.

Unang turbulence hawak agad ako sa arm wrist sabay pigil ng hininga. Wag niyo kong pagtatawanan, kala niyo. Bat kasi ang daming mga ulap eh maganda naman ang panahon? Kung sa baba nakakatuwa tingnan ang mga ulap na to ah pero dito sa heaven hindi maganda sa pakiramdam. Nagpasalamat na lamang ako nung nakalagpas na kami sa mala-UP na ulap na yun, alam niyo yun kung nakapanood kayo sa cartoon movie na yun.

Kalaunan ay masaya na akong nakatitig sa labas ng bintana at ina-appreciate ang ganda sa baba. Ang ganda talaga. Ilang oras pa'y nakaramdam ako ng antok sa kaka-google map mula sa himpapawid, naisip ko na lamang na matulog na muna at mahaba habang byahe pa ang mangyayari. Naisipan ko namang ilagay ang aking cellphone na nokia 33-15 sa bintana. Echos! Di ah. iPhone 15 cp ko kala niyo, iPhone 15! Meron akong iPhone 15! Bahala na kung walang jowa basta may iPhone 15!

Regalo sa akin ng sponsor ko. Mabait yun eh pero sobrang nahihiya na ako doon sa kaibigan kong yun kasi ang dami na nung naitulong sa akin. Ang dami ko pang utang doon. Kung available lang siya, I mean sa available single, walang sabit 'di tulad ng dati ko'🎶 Hoy! Sigurado ang ipambabayad ko ay ang forbidden fruit ko kaso lang hindi. Kemerot lang! Kayo naman. Forda no. Hindi kami best friend with benefits no? Bago pa siguro ako makahawak sa kaniya ng pagkalandi landi, nasapak na niya ako.

Kahit na sabihin pa nating sukli sukli lamang ito sa kita niya ay malaking tulong na rin ito sa akin na isang flog-ground (hampaslupa) tsaka pinaghirapan niya lahat ng mga itinulong niya sa akin, well sa kabilang banda she deserves it. Kasi naman kung di pa ako makulit noon at di ko pa siya naisipang kaibiganin wala siya sa estado ng kaniyang buhay ngayon, di siya nabago, echos! Echos lang! Hooo! Baka i-report niyo ko kay Ked. Basta thankful ako kay Ked. Sobra sobra. Sincerely.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now