A/N:
Wow ito pala ang langit. Jusko! Malapit nang matapos ang lahat. Salamat sa lahat ng nagbabasa po, magkakajowa na lahat ng single! In Cupids name. Amen!
His Secret
"What if magpanggap tayong magjowa?" Gulat lamang akong napatingin sa kaniya.
"Nahihibang ka na ba Ms. Chazzny?" Kung anu-ano na lang ang naiisip ni Ms. Chazzny. Dala lang siguro to ng sakit ng puso niya kaya nasasabi niya ito ngayon.
"I just thought that maybe we could pretend." Tumayo siya para makaupo at hinarap ako.
"We'll just show them what they've missed." Dagdag pa niya. Napailing naman ako agad.
"Ayoko Ms. Chazzny, nagfo-focus na ako sa pagpapagaling ko at ayoko ng mga iisipin pa kaya salamat na lang sa offer." Nasasabi niya lang yan dahil broken siya ngayon.
"But think about it, they're enjoying all their lives while us are hurting. That's unfair don't you think?" Napapailing na lang talaga ako sa mga ideya ni Ms. Chazzny. High ba ang babaeng to?
"Buhay nila yun Ms. Chazzny, kaya sila ang may karapatan kung anong gusto nilang gawin." Saad ko. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil siya ang nasaktan. Ako kasi ang nakipaghiwalay sa amin kaya wala akong karapatang saktan pa siya pabalik at umayon sa proposal ni Ms. Chazzny.
"So are you saying that we should just let them?" Napabuntong-hininga naman ako.
"Alam kong nasasaktan ka ngayon, I feel you pero hindi naman matatanggal ang sakit ng ating damdamin kung magpapanggap tayo para ano? Para pagselosin sila?" Ano kaya yun?
"Exactly." Napapatampal na lamang talaga ako sa noo ko internally.
"Ms. Chazz, hindi ganun ang tamang paghilom. Mas lalo ka lamang masasaktan sa binabalak mo." Ani ko.
"I just want her to feel what I feel. She hurt me so much and I just can't fathom the horrible thing she did to me. She call me names that she never called me before, it wasn't the Jappy that I used to love. She changed a lot, she's a calm person. She solves our problem in a chilled-manner but now she's irascible. I know I have a lot of mistakes during our relationship but it doesn't give her the right to humiliate me and called me unnecessary names." Tama naman siya ngunit di pa rin talaga mareresolba ang problema niya sa pagpapanggap namin.
"Pwede naman kita matulungang magmove on na hindi ginagawa ang balak mo." Baka ikakapahamak lamang naming dalawa ang proposal niya.
"How about you?" Tanong niya na may tinging nangungumbinsi.
"Ano?"
"Have you already moved on?" Di naman ako agad nakasagot sa kaniya.
"See we can help each other." Hinawakan pa niya ang dalawa kong kamay.
"Para ano? Pagselosin sila? At pag nagselos sila ano?"
"We can make them feel what we feel, the agonizing pain that they caused us." Napailing naman ako sa sinabing rason ni Ms. Chazzny.
"Ms. Chazz, ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si anti ngayon, magkaiba tayo." Paliwanag ko naman sa kaniya. Ayokong dagdagan pa yung sakit na ibinigay ko kay anti.
"But she's desperate to move on by using others body." Dagdag pa niya sa kaniyang pangungumbinse sa akin. Naalala ko tuloy yung nakita ko nung pumunta ako kela anti, sa penthouse niya.
"Ms. Chazz magpahinga ka na lang muna." Saway ko na sa kaniya. Mukhang pagod na siya.
"I'm sorry, Al." Paghingi niya ng tawad at umiyak ulit. Hindi niya kasi ako nakumbinse kaya malungkot siya. Naiintindihan ko naman ang desperasyon niya pero di talaga magandang gawin yun eh tsaka not worth it na magsayang ng effort. Yinakap ko na lamang siya para patahanin at kalaunan nama'y nahinto na din naman siya sa pagngawa. Hinayaan ko munang makatulog siya sa condo ko at pinuntahan ang magaling kong ina, tinawagan ko muna siya bago ako pumunta pero hindi niya sinasagot at nung napuntahan ko naman siya sa dati kong condo ay wala siya roon. Alam kong doon siya namamalagi pag may away sila ni Ms. Chazzny ngunit wala siya, tinawagan ko naman si Marlon pero di rin naman niya alam kung nasaan ang babae na yun. Isa na lang ang naiisip kong lugar kung nasaan siya pwedeng tumambay ngayon, agad na akong nagtungo sa bar.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomansaNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
