CHAPTER 60

1.2K 39 122
                                        

A/N:

Hello! Hello! Mahabang paghihintay, pasensiya! Bukod sa sa trabaho ko outside sa online ay may trinabaho din akong isa pang storya pero lalaban tayo mga mi. The long wait is over. Sana nga ay nabigyan ko ng hustisya ang huling yugto ng kanilang pagmamahalan. Gusto ko ulit magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa akin. Di ko aakalaing magbo-bloom din ang MA. Maraming salamat talaga guyses. You're all the best.
A gentle reminder lang po ah mas maganda pong during reading about their wedding eh magplay kayo ng 'Peaceful Classical Music' promise mas mafi-feel niyo siya ng bonggang-bongga.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

Our Happy Ending Serenity

"Sorry I'm not following. What are you talking about?" Gulat at nagtatakang tanong ni ma'am. Napalingon si nanay sa kanila Maris at Marlon.

"Are you certain?" Paninigurado ni nanay. Malaking plot twist pag nagkataon na totoo nga ang sinasabi ni Maris. Paanong naging ganun?

"Hindi ako pwedeng magkamali sa kwentas na yan. Binigay yan sakin nun ni Marlon bilang regalo at pagkapanganak ko sa anak ko ay agad ko na yang isinuot sa kaniya bago pa man siya makuha sa akin." Paliwanag ni Maris. Napatingin ang lahat kay ma'am. Napatingin naman si ma'am sa kwentas niya at hinubad na niya ito. Kaya ba sinali siya sa paghostage nun ni Chazzny sa amin? Dahil ba alam nilang may kinalaman din siya sa pamilya? Ang gulo.

"Only dad can confirm it." Turan niya. Kita sa mga mata niya na parang hirap siyang paniwalaan ang nangyayari, maski ako naman ay magdadalawang-isip din. Ayun na nga at pinatawag na si sir Brown para linawin ang agam agam na ito. Sobrang anticipating ng mga mangyayari, parang sa mga pelikula na may drum rolling.

"What's the problem everyone?" Tanong ni sir ng makapasok siya sa silid.

"Dad where did you get this necklace?" Tanong naman agad ni ma'am kay sir. Kinuha ni sir ang kwentas at nagsalita.

"It was already with you when you were a kid." Sagot ni sir. Nagkatinginan ang lahat sa isa't isa na may kaba sa dibdib.

"Is she the woman who sold me to you?" Tanong ni ma'am. Ang mga mata naman namin ay papalit palit sa kanila na para bang pinapakinggan at pinapanood namin si Julia Baretto at Joshua Garcia na magbangayan.

"No." Sagot naman ni sir.

"Why is she claiming that she's my mother?" Halata na ang galit sa mukha ni ma'am. Sobra naman ang pagtataka ni sir Brown ngunit legit naman yung anticipation sa mukha ni Maris.

"What?" Gulat na sabi ni sir. Napatingin naman si sir kay Maris.

"With all due respect sir, nawalan ako ng anak matagal na at matagal ko na din siyang hinahanap at ang kwentas na nasa anak mo eh sigurado akong akin yan dahil ibinigay ko iyan sa anak ko nung sanggol pa siya. Yan lamang ang palatandaan ko sa kaniya." Paliwanag ni Maris.

"How's that possible?" Di makapaniwala si sir Brown.

"Who was the couple that sold me to you dad?" Tanong uli ni ma'am. Ibinenta siya?

"They were the Fulgar, Marlon's parents." Sagot ni sir Brown kaya kaniya kaniya na ng singhapan. Mas nagiging klaro na nga sa amin ang lahat.

"I can't take this anymore." Sambit ni ma'am at lumabas na kaya di naman nagdalawang-isip si nanay na sundan ito. Gosh! Ang daming revelation. Pati ako naloloka. Sobrang liit ng mundo. Kasa-kasama na pala namin ang bawat isa tapos kung saan-saan pa kami naghahanap.

"Anti mag-i-end na ang story kaya binagsakan tayo ng napakaraming revelation ngayon." Bulong ko kay anti habang nanonood pa rin kami sa kanila at tumango naman siya.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now