A/N:
Alam ko masiyadong twisted ang utak ng isang author pero ganyan talaga eh. Salamat sa mga reviews niyo, we come all the way here. Malayo na tayo pero malayo pa. I appreciate your time and effort to read my piece. Mabuhay ang mga single-ladies! Yes!
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Foreboding Feelings
Nagulat ako sa biglaang paghalik niya sa akin, dama ko ang bigat sa mga halik niyang yun, ang sabik at pangungulila ay damang-dama ko sa kaniyang mga halik. Yung pagpikit niya habang kahalikan ako at ang pagbagsak ng mga luha niya. Napakabigat. Napapahikbi pa siya ng bumitaw sa halik namin, hindi niya magawang magsalita kundi ay ang humikbi na lamang. Diretso naman akong napatingin sa kaniya at siya nama'y napaangat ang tingin sa akin habang patuloy pa din ang paghikbi niya. Sobrang nasasaktan siya at ako di'y nasasaktan na makita siyang ganito, halatang mahal pa talaga namin ang isa't isa ngunit di na pwedeng ipagpatuloy pa. Bakit ba kailangang maging ganito ang sitwasyon namin?
Pareha kaming nasasaktan pero patuloy naman kaming lumalaban kaya nga lang sa magkahiwalay na, na paraan. Sa mga titig niya ay halata ang pagsisisi, di ko alam kong saang parte ng desisyon niya siya ay nagsisisi pero ang tanging nakikita ko ay pagsisisi sa pagbitaw niya sa kung anong meron kami. Masakit na makita siyang nasasaktan ngunit nagdesisyon na siya at tinatanggap ko na din yun. Masakit man pero kailangan. Siguro nga ay di talaga ako pwede para sa kaniya dahil sobrang laki ng pinagkaiba ng mga buhay namin. Masiyado akong na overwhelm dahil langit siya lupa ako pero nakuha ko pa ring abutin siya pero tadhana na mismo ang nagpagising sa akin na di talaga pwede ang estado namin na ipagsama hanggang sa huli.
Habang pinagmamasdan ko ang wangis niya ay mas lalo lamang akong nasasaktan, parang pinipiga ng pinipiga ang puso ko na parang gusto na wala ng dugo ang lumabas pa dito upang ito'y magmanhid na lamang. Isang tanaw sa isa't isa na animo'y parang di na namin masisisilayan pa ang bawat isa pagkatapos nito. Sa huling sandali ako'y ngumiti sa kaniya, ngiting tanggap ko na, pagkatapos ay hinaplos ang kaniyang mukha at pinahiran ang kaniyang mga luha na dulot ng sakit ng mga nangyari. Sa pamamagitan ng reaksiyon kong yun gusto kong makuha niya ang mensahe ko na sobrang mahal na mahal ko siya kahit pa man din na di na namin pwedeng ipagpatuloy ang nadarama namin sa isa't isa. Masaya pa din ako na naging parte ako ng hindi niya perpektong buhay. Marami din naman akong natutunan sa loob ng maikli naming pagsasama. Parang kelan lang ng malaman ng pamilya namin ang tungkol sa amin tapos ngayon malalaman na naman nilang wala na kami. Sobrang bilis ng pangyayari.
Dumaraan talaga lahat sa ganitong pagsubok at ang tanging kailangang gawin ay ang pagiging matatag para malampasan ang ganitong problema.
Papaalis na sana ako noon ng bigla na naman niyang hawakan ang aking kamay para pigilan ako kaya napatingin naman ako uli sa kaniya. Kami'y nagkatitigan lamang sa isa't isa, hinihintay kung sino ang magsasalita. May nakikita akong pagsusumamo sa mga mata niya ngunit di ko alam kung para saan iyun. Bakit niya pa ako pinipigilan? Wala naman siyang sinasabi ngunit nagulat na lamang ako ng hatakin niya ako sa braso at pagkatapos ay hinalikan ulit ako ng buong puso. Natutuliro ako ng mga sandaling yun at pilit pinoproseso ng utak ko na hindi na, tama na ngunit iba naman ang sinisigaw ng puso ko. May diin ang pagkakahalik niya sa akin na sobrang naramdaman ko ang pagmamahal niya. Hinawakan pa niya ang mukha ko para mas idiin pa ang halik niya sa akin at mahirap para sa akin na di tumugon.
Alam kong di tama ang ginagawa namin dahil parang nagpaikot-ikot na lamang kami sa sitwasyon namin at siguradong doble pa ang magiging sakit nito ngunit dahil sa bugso ng damdamin ay di na din ako nagpaawat. Tinugunan ko na ang mga halik niya, nagiging kakaiba na din kasi ito sa aking pakiramdam. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakahawak lamang ako sa beywang niya habang siya'y patuloy sa paghalik sa akin na nagiging malalim na din. Di ko na alam kung ano ang tamang isipin ko kasi mas nangingibabaw ang pagkasabik naming dalawa sa isa't isa.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
