A/N:
Sorry po ngayon lang naka-upload kasi nga walang ilaw o kuryente at walang signal o hudyat. Hudyat?! It's been difficult for me to upload pero kayo yan eh. Mahal ko kayo mga ina niyo! Hehe!
Enjoy reading!
Warning ⚠️ ⚠️ ⚠️ 🔞 🔞 🔞 🔞
Him
"Aim the red bullet." Natauhan naman ako ng bumulong siya sa tenga ko. Napafocus naman ako sa target. Napapikit na lamang ako dahil sa isang hallucination na bigla na lang kumuha ng consciousness ko. Parang ibang level na ang anxiety ko ah. Dinadala na lang talaga ang utak ko kahit saan.
"Fire when you are ready." Huling bulong ni Marlon. Huminga ako ng malalim at tiningnan ng mabuti ang magiging target ko. Tama ba itong ginagawa ko? Kalaunan ay ipinutok ko na nung feel ko ng pitikin ang gatilyo.
"Wow!" Napapalakpak pa si Marlon sa akin.
"That was good for a beginner's." Puri niya sa akin. Mintis nga eh, napakamot na lamang ako ng batok ko at umiwas na lamang doon upang si Marlon naman ang mag-ensayo. Muntik pa akong ma-outbalance kasi may impact pala ang baril pag naipaputok na. Sorry naman, ngayon lang ako nakagamit eh kasi sa mga palabas kung titingnan eh parang di naman sila nahihirapan sa mga dala nila.
Napaupo ako sa may likuran niya at napahilamos ng mukha at naisip ulit ang kaninang bumalot sa utak ko. Parang totoo talaga ang nangyari dahil ramdam ko pa ang takot at kaba sa pangyayaring iyun. Parang hinila talaga ang consciousness ko sa ibang dimension at feel na feel ko na nangyari nga yun pero mabuti na lang at hindi totoo yun pero yung takot at kaba ko ay andito pa rin. Binabalot pa rin ng takot ang pagkatao ko ukol sa nangyari. Paano na lang talaga pag nangyari yun? Nonsense na, bigla na lamang sumagi iyun sa utak ko pero bakit ganun? Parang di ko na alam kung ano ang reyalidad at kung ano ang peke. Kailangan kong malaman kung bakit ganito ang nangyayari sakin.
"Still aiming the right one Marlon." Pagkuha naman ng atensiyon ng lalaking may edad na kay Marlon. Gagi ito yung nakita kong bumulagta na lamang sa harap namin ah. Buhay pa pala- I mean andito pala talaga. I know na isang ilusyon lang yun ng utak ko pero bat ako kinakabahan? Napailing ulit ako dahil ayoko ng isipin yun.
"Oh Frederick, still figuring out. Ahm this is my daughter Alora." Pagpapakilala naman sakin ni Marlon kay Frederick kaya tumayo na ako at nakipagkamay rito at ngumiti.
"Oh what a young and a define young lady." Puri pa nito sa akin na alam kong ginamit na niya ang katagang iyun sa mga kabit niya o kung sino mang kalandian niya. Wala, feel ko lang, may vibes kasi siya ng pagkababaero. Di lang sa mukha kundi the whole aura.
"I know, I made this." Apakagago na ama. Parang isang produkto lang ako ah, ang pangit ng pagkaka-deliver niya nun ah. Barilin ko to eh. Napatawa naman ang kausap niya habang ako ay sinasamaan na siya ng tingin.
"Hindi ka na nagagawi sa 8 ball club ah." Sambit nito at nakita ko naman ang paghilaw ng tawa ni Marlon dito at may isinenyas pa ito sa kausap na akala mo naman di ko nakita.
"Oh well maybe next time." Turan nito. Napaghahalataan ka Marlon.
"Nice to meet you, Alora." Paalam na nito sa amin kaya kumaway na lang din ako rito pabalik. Ano yun Marlon?
"Nice to meet you po." Sagot ko naman at pagkatapos ay humarap kay Marlon.
"Sabihin mo nga sa akin, lulong na lulong ka na ba talaga sa sugal?" I know what 8 ball club is. Ibinaba naman niya ang hawak na baril at seryosong nakatingin sa akin na akala ko ay magsasalita na pero umalis na lang bigla at iniwan ako kaya sumunod naman ako sa kaniya agad.
"Marlon! Marlon!" Tawag ko sa kaniya habang sumusunod ako. Wala ba siyang balak sagutin ako?
"Tatay! Tatay, Al!" Singhal pa niya sa akin. Itinatama pa talaga ako, eh inis ako sa kaniya ngayon eh. Nauna na siyang sumakay ng kotse at di naman ako makapaniwalang sininghalan niya ako. Ngayon niya lang ginawa to sakin kaya napailing na lamang ako at sumakay na din ng kotse.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomansaNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
