CHAPTER 6

1.8K 114 21
                                        

A/N:
Sorry sa late upload, medyo busy lang.

The unexpected proposal

Di ko alam na nakatulog na pala ako sa sofa at nasa loob pa ako ng bahay ni antipatika. Wow ang galing! Galing kong sumayaw! Galing kong gumalaw.

Ang tagal ko pa lang nakatulog. Napangiti ako ng maalala ang kalokohan ko kagabi na ginawa ko. Yung alaala talagang yun ang unang bumungad sa paggising ko kaya ito ako ngayon parang baliw na ngumingiti.

Bring back the memories....

Nang maayos ko na pagkakahiga niya sa kama ay naglibot ulit ako sa kwarto niya. Mag room kaya tour tayo at baka may ma-matit tayo, char lang. Baka may malaman pa ako, ganun. Nagtingin tingin lamang ako sa loob na parang nagsha-shopping lang. Sobrang ganda ng walk in closet niya, naka-organize pa. Iba din ang closet niya for bags, heels, shoes and perfumes, sobrang gara talaga. Naalala ko tuloy yung vlog ni Heart Evangelista, ganitong ganito yun. Mahilig din sa mga brand items si antipatika. Malinis talaga ang lugar niya, parang minu-minuto ngang nililinisan base sa hitsura ng paligid eh. Ang ganda at ang linis pero bakit ibang iba ang ugali ng nakatira?

Wala naman akong ginalaw sa mga gamit niya except sa isa. Yung mga wig niya. Hahaha! Natatawa pa rin talaga ako. Triny ko iyun isa isa at humarap sa salamin na parang gaga. Tawang tawa ako habang pinagmamasdan ko sarili ko sa salamin at umaarte pa ako katulad ng kay antipatika. Kung paano siya gumalaw bilang si Cora. May pa Cora Cora pa siyang nalalaman. Sabagay sa Once Upon A Time villain nga pala si Cora kaya bagay na din sa kaniya.

Kagaguhan ko talaga, nag-enjoy ako sa part na yun ah. Nung matapos ako sa kalokohan ko sa wig niya ay lumapit ako sa tabi niya at sinabi lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya kahit di naman niya naririnig. Nakipagselfie pa ako sa kaniya at ginamit ang mga funny filter sa TikTok. Pinagkatuwaan ko talaga siya dahil tulog siya. Yun lamang ang pagkakataon ko na maging masaya, masayang nang-aasar. Sobrang nag-enjoy talaga ako sa ginagawa ko. Wag niyo kong isumbong ha?

End.

Natatawa pa rin talaga ako hanggang ngayon habang naaalala yun. Kalaunan ay may narinig naman ako sa labas ng unit ni anti kaya agad na akong lumabas sa unit ni anti para makiusyoso, iwan ko muna ang queen of hearts since tulog pa ang bitch. Nagulat na lamang ako ng makitang bukas na ang pinto ng unit ko pagkalabas ko kaya agad akong tumakbo paroon. Baka nanakawan ako? Ngunit nakita ko sa loob ang may-ari at may kasama itong dalawang lalaki. No! No! No!

"Anong ginagawa niyo?" Sabi ko na may halong inis.

"Oh andito ka na pala, akala ko nilayasan muna ako. Binigyan kita ng talaan tsaka sinobrahan ko pa ng isang araw pero di ka pa rin nakabayad. Kaya naman pinapaalis na kita pero maniningil pa rin ako sa bayad." Mataray niyang sabi. Sabi na nga ba na ganito ang mangyayari, siyempre napanood ko na to sa maraming teleserye eh. Lumapit naman ako sa kaniya at ginagawa ang mga ginagawa ng mga artista sa pelikula, ang magmakaawa. Judy-Ann? Jodi? Julia? Kathryn? Nadine? Liza? Hindi. Arteng Alora Galvez to.

"Ma'am magbabayad naman ho ako eh-"

"Gasgas na. Gasgas na yan!" Snap niya sakin. Sa tingin ko rin.
"Binigyan na kita ng isang araw pero talagang wala kang ginawa, bakit ka pa kasi pumili ng highclass na tirahan kung pang lodging house lang naman pala kaya mo?" Saad niya. Ay grabe siya. Doon na nagpanting ang tenga ko at hinawi na lamang ito mula sa pagkakatayo sa harap ko at tuloy tuloy ako sa kwarto ko roon. Gaga ang puta. Nakakainis lang kasi. Agad kong inilatag sa kama ang maleta ko at nag-impake na. Tama naman siya ng sinabi pero talagang nakakainis lang pagkakadeliver niya. Stooping down someone's desire is too much. Di ko naman hinangad na tumira sa ganito pero dahil ito ang pinili ni Ked ay wala naman akong karapatan para tumanggi. Wala siyang alam kaya dapat di niya sinabi yun. Nang matapos ako sa pag-iimpake ay lumabas na ako agad ng kwarto, wala na ring saysay para magstay ako rito. Matalim pa rin ang titig ko sa may-ari habang papalapit ako rito.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now