A/N:
Hi! Hello! Madlang people at may napamura na nga dahil daw nag-overthink na siya ng malala sa last chapter uploaded kaya ito na beh. Ito na hinihintay mo, di ka makapag-antay. Eme!
Enjoy reading! Pero wag umabot sa magsara ka ng pinto at pumunta sa location. Charing!
Read at your own risk.
Warning ⚠️ ⚠️ ⚠️ ⚠️
Rated SPA+++++ ay hindi. 🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞
Valentine's Day
Nanghihina ako sa nakita at di ko alam kung ganun din ba ang nararamdaman ni Ms. Chazzny.
"Or not." Mahina na lamang na komento ni Ms. Chazzny sa gilid ko. Di rin makapaniwala sa nakikita. Ito ba ang dahilan kung bakit di niya ako na sundo at di man lang niya ako natawagan nitong mga nakaraang araw sa field trip ko? Ito ba yun? Akala ko ba walang namamagitan sa kanila? Bakit sa nakikita ko parang meron? Ano ba tong nangyayari? Napabitaw naman sila sa isa't isa at gulat pa ng makita kami.
"Chipmunk?" Gulat na turan ni anti.
"Chazzny?" Same reaction with Ms. Jappy. Ano tong ginagawa niyo? Napakabigat man sa aking kalooban ay kinimkim ko na lamang muna ito. Huminga ako ng malalim bago....
"Anti!" Pag-iiba ko agad ng reaction ko. Pinilit kong maging energetic kahit pa nasasaktan na ako sa loob-loob ko. Naiisip ko kasi kung magiging hysterical ako sa nangyayari ay alam kong di magiging maganda ang kahihinatnan kaya mas mabuti na lamang na maging kalmado or worse magbulagbulagan sa ganitong sitwasyon. I know I'll reach my limit but there is time for that. Iplinaster ko ang malapad ngunit pilit kong ngiti sa kaniya na animo'y excited na makita siya. Masaya akong tumungo sa kaniya at mahigpit ko siyang niyakap, na miss ko ang mga bisig niya. Totoo naman talagang na miss ko siya ngunit nababagabag naman ang kalooban ko ngayon. Napakabigat lamang ng nadarama ko ngayon dahil sa nasaksihan ko pero nangyari na ang nangyari at di dapat ako maging mahina. Lalo na sa harap nila. Kung magska-skandalo ako eh para na ring pinapakita ko ang kahinaan ko, may utak din ako at hahayaan kong magpaliwanag si anti sakin pagkatapos. Alam kong may rason siya.
"Mwaah!" Halik ko sa pisngi niya. Ang hirap magpanggap na di ka nasasaktan. Ang bigat sa pakiramdam.
"I miss you." Saad ko habang yakap ko siya. Ngumiti naman siya despite sa pagkagulat kanina.
"I miss you." Pa cool pa niyang turan at hinawi ang buhok ko paalis sa mukha ko pero ang totoo niyan kung kami lang dalawa ngayon ay magpapabebe din yan sa akin.
"Ah anti may kailangan pala si Ms. Chazzny sayo." Turan ko at kumalas na agad sa pagkakayakap sa kaniya at ang pagkakaalis ko pa sa yakap niya ay parang gusto ko na talagang makawala. Yung bigat na bigat ako sa damdamin ko na gusto ko munang umalis roon at di muna siya makaharap, ay ganun ang atake ko. Alam kong naramdaman niya rin yun.
"Dalhin ko muna gamit ko sa taas." Paalam ko sa kanila. Pagkatapat ko naman kay Ms. Chazzny ay nagsalita si anti.
"You could have emailed it to me." Ani ni anti na ang atensiyon ay kay Ms. Chazzny. Imbes na si Ms. Chazzny ang sasagot sa kaniya ay ako na ang sumagot.
"Dahil sa mabuti siyang empleyado at para makita niyo na karapat-dapat siya sa posisyon niya kaya ganito ang ginawa niya." Turan ko na may halong pagka-sarcastic sabay tap sa balikat ni Ms. Chazzny habang nakangiti pagkatapos ay umalis na roon dahil mas lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ko. Alam kong nararamdaman ni anti ang nararamdaman ko kasi di naman siya tanga para di mabasa ang body language ko.
Malumbay akong pumasok sa loob ng kwarto ko at parang walang buhay na inilapag ang bag ko sa mesa at agad napahiga sa kama at napatingala sa kisame sabay labas ng pinakamalalim na buntong-hininga. Nakakapagod at ang sakit. Bigla na lamang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Bakit ang sakit? Bakit ako naiyak? Kapag inaalala ko ay mas lalo lamang lumalalim ang kirot. Akala ko kaya kong dalhin at kontrolin ang nararamdaman ko pero talo pa rin ako ng sakit. Yun bang nonchalant ka lang naman sa pagdadala ng emosyon mo pero bigla mo na lang di kinaya kaya napaluha na lang din ako. Napatakip na lamang ako sa aking mukha dahil di ko na mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Sobrang sakit. Sobrang nakakainis.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomansaNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
