A/N:
Hello! Hello! Yan yung gamit pamatay sa impakta mong friend. Hoy! Charizz lang! Go basa na. Ako basa na ay hindi! Ikaw mag read na.
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Field Trip
"Anti-!" Anong ginagawa dito ni Marlon? Tumayo naman siya ng makita ako.
"Ah she's in the comfort room, she told me to wait here." Ani niya. Sinabi talaga yun ni anti sa kaniya? Kutong-lupang to. Tse! Tumango na lamang ako at tumungo na lamang sa taas, sakto namang nakasalubong ko si anti.
"Bat nandito yang lalaking yan?" Ang pagkakatanong ko pa talaga eh parang kamag-anak ko na walang utang na loob yung bisita na nasa baba.
"Akala ko ba dapat wala ng makaalam ng kinaroroonan mo?" Security niya ang pinag-uusapan namin dito, na dapat di malaman ng mga empleyado niya sa kompanya o kung sino man na dito siya nakatira pero nalaman din pala nila. Okay lang si Ms. Jappy kasi maaasahan naman yun at mapagkakatiwalaan.
"I'm surprised too but what can I do, he's already here." Sambit ni anti.
"I don't wanna be rude." Ay di ba? Character na niya yun eh.
"Ano daw kailangan niya?" Naiirita lang ako sa presensiya ng lalaking yan dahil di pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga kalokohang ginawa niya kay anti. Sobrang wala akong tiwala jan.
"We'll find out." Sagot na lamang niya at nilagpasan ako pero hinawakan ko naman siya sa kamay.
"Pag kailangan mo ng tulong sumigaw ka lang ah." Paalala ko sa kaniya.
"Sigaw ka kaagad sa akin ng 'ding ang bato'." Napaikot naman siya ng mata, mapanganib ang isang yun pero di ko din alam kay anti na kahit pa delikado ang lalaking yun sa buhay niya ay kinikeep niya pa din. Ito na talaga ang literal na keep your enemies closer. Alam kong may kasalanan siya rito pero kung ako, di ako makikipagclose sa mga taong ikakapahamak ko. Hinalikan naman niya ako sa labi ng mabilisan bilang tugon.
"Don't worry." Turan niya. Ay may pa ganun. Shit! Isang halik lang talaga ang magpapakalma sayo Alora. Iniwan na niya ako roon at bumaba na, para naman akong tanga na napahawak sa labi ko at kinikilig na tumakbo papunta sa room ko.
Bakit ba ganito ang naradama?
And it feels so good!
Bawat araw ay sumasaya,
Pag ikaw ay kapiling na.
Tama ba ako ng lyrics guys?
Wala namang nangyaring sigawan kasi nag-usap lang naman sila ni Marlon which is good pero nababahala pa rin ako dahil alam na nito kung saan nakatira si anti, gayun pa man wala akong nakikitang pagkabahala sa mukha ni anti. Kalmado lamang siya pagkatapos ng pag-uusap nila ni Marlon, nagtanong pa ako kung meron bang pagbabanta o kung ano man na sinabi ang gunggong na lalaki sa kaniya pero wala naman daw. Professional lamang daw itong nakipag-usap sa kaniya at alam na daw nito ang relasyon namin ni anti which is surprising na di nagskandalo ito bilang reaksiyon. Salamat naman kung ganun, big surprise na hindi nagkaroon ng big reaksiyon ang lalaki, ngayong alam na niya ay pwede na akong magreact accordingly sa pagiging jowa kay anti. Wala siyang karapatan kay anti, empleyado lamang siya kaya back off, Marlon.
"I'm Sheena Muntillan and I'm......" Naging inaudible na ang boses ng mga intern na nagpapa-interview sa amin dahil inaantok na ako habang nakikinig kaya bigla namang pinukpok ni anti ang mesa para magising ako kaya agad naman akong napaayos ng upo, napahinto pa ang nagsasalita na intern dahil sa ginawa ni anti.
"Please continue." Pahayag ni Ms. Jappy sa intern. Opo bumalik na naman po si Ms. Jappy sa kompanya dahil pinabalik na naman ni anti. Meron pa siyang sinabi noon na I respect your decision pero kinuha lang din naman pala niya pabalik, siguro ay naroon pa rin talaga ang guilt kay anti sa mga pinanggagagawa niya sa mga taong ito na inosente niyang ginamit para sa sariling interes niya. Hindi ko alam kung anong napag-usapan ng dalawa at napapayag niya ulit si Ms. Jappy na bumalik at kung ano man yun ay masaya pa rin ako na bumalik pa rin si Ms. Jappy.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
