A/N
Late update na naman. Sorry naman kung masiyadong busy ang otorism niyo, nakakahiya naman sa inyo. Charing! @Betlog_22 shout out. Ito na beh!
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Team Building
Nagsinghapan at di makapaniwalang nakatingin ang dalawang empleyado ni anti sa may pinto sa amin na parang nakakita ng shake rattle and roll sa loob at kaming dalawa naman ni anti ay nanlaki ang mga mata ng makita sila. Agad kong binitawan si anti kasi nakakahiya, lalo na ang posisyon namin, disaster to. Umayos ng tayo si anti pero siya namang paglipad ng ipis papalapit sa amin kaya napatalon na naman sa akin ang anti niyo at todo kapit sa likod ko sabay tili. Putek na ipis na to. Napapahamak kami.
"Aaahhh! Cockroach!" Tili niya habang ginagawa akong panangga sa ipis, lumipad patungo ang ipis sa dalawang babaeng empleyado. Ang bilis naman ng reflexes ng ipis na to. Takot din pala ang dalawa at ayun pumasok na ng tuluyan sa kwarto at nagsitilian na din tapos nagtago na lahat sa likod ko. Ano ako ipis warrior at ginawa nila akong panangga? Takot din ako diyan. Kasi naman sinong di matatakot sa mumunting galamay niyan tapos may pakpak pa.
"You're thinking wrong guys about earlier, it's all about that shit." Turo ni anti sa ipis sa dingding. May time pa talagang mag explain.
"Opo Ms. S, takot din kami diyan." Turan naman nila.
"Anti bitawan mo nga ako, nasasakal ako!" Reklamo ko. Sa dami naman kasi ng pwedeng kapitan ay sa leeg ko pa. Di pa sana niya ako bibitawan pero tinanggal ko na kamay niya sa leeg ko pero lumipat naman kamay niya sa braso ko. Takot yern?
"Pano ko mapapatay eh nakahawak ka sakin?" Reklamo ko uli. Nagdadalawang isip naman siyang bitawan ako habang may takot pa rin sa mukha niya pero bumitaw naman siya kalaunan. Tinarayan ko muna siya bago ko hinarap ang tunay kong kalaban, kumuha ako ng tsinelas sa gilid na gamit dito sa loob ng kwarto. Human vs Insect. Napapalunok na lamang ako habang papalapit sa ipis pero kailangan mapatay ko na ito dahil alam kong di makakatulog mamaya ng mahimbing ang gaga at ako na naman ang gagambalain. Dahan-dahan akong lumapit rito at nang makabwelo ay agad kong hinampas ito. Yun oh! Sapol. Akala ko nakuha ko na pero lumipad lamang ito kaya naman ang tatlo, kasama na roon si anti ay agad na nagsitilian at agad na tumakbo patungo sakin. Todo kapit sila sa braso ko. Nakita kong lumipat lang naman pala ng pwesto yung salarin. Akala ko talaga nakuha ko na.
"Papatayin ko yan o kakapit lang kayo ng todo sakin?" Irita kong turan kaya naman kumalas na sila. Paghakbang ko eh sumunod naman sila kaya tinaasan ko sila ng kilay. Warning. Pumunta na lamang sila sa isang sulok para doon magsumiksik.
"Kay liit liit ng ipis natatakot." Paparinig ko. Inihanda ko na pamalo ko at dahan-dahang lumapit dito. Nung sakto na ang pwesto ko sa insekto ay bumwelo na ako at boom. Sapol sa dingding, idinikit ko muna ang tsinelas sa dingding baka kasi mahulog at mangamoy pa. May maarte pa naman akong kasama, kaya idiniin ko muna ang tsinelas sa dingding para masigurong doon dumikit ang patay ng ipis. Siguradong patay na rin naman yun. Pag check ko sa tsinelas ay laking gulat ko ng makitang walang patay na ipis ang dumikit dito. Pano nakatakas yun? May sa demonyo ata ang ipis na yun.
"Is it dead?" Tanong ni anti. Napalunok na lang ako sa kaba, siguradong di ako nito tatantanan hanggat di ko yun mahanap at mapatay sa harapan niya. Maarteng maarte to sobra. Kailangan kong magsinungaling kasi nakakapagod maghanap at pumatay ng maliit na may pakpak. Isip isip agad Al. Humarap ako sa kanila at pilit na ngumiti.
"Ah oo, walang nakakatakas sa tsinelas." Pagsisinungaling ko at ngumiti ng plastik. Para namang nakahinga na si anti sa reaction niya pati yung dalawa na nasa gilid niya. Pagkalapit ko sa kanila ay ganun na lang ang tilian nila at kaniya kaniya ng takbo sa pinto palayo sa akin. May virus ba ako? Anong nangyayari?
"Bakit?" Takang tanong ko. Para silang nakakita ng multo na nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
