A/N:
Another bakbakan
Enjoy reading!
Warning ⚠️Crazy Encounter
Malamya akong kumakain sa canteen ng school habang nakatulala, iniisip pa rin ang pagkakasalisihan namin ng antipatikang yun kanina. Di pa rin ako makapaniwala na siya yun. Like what the fenelope! Ay Penelope pala yun.
Pagkatapos naming magkatitigan na animo'y mga wanted sa isang krimen na bigla na lang nagtagpo at agaran ding nagsipaglayuan sa isa't isa, as much as possible. Parang mga tanga. Alam kong may kasabihang 'small world' at may kantang 'its a small after all' pero bakit kailangang kapitbahay ko pa talaga siya? Pwede naman sana malayo siya mula sa akin ng ilang metro o ako ang malayo sa kaniya. Kahit kunti naman lang sana na malayo kami sa isa't isa. Bakit ganito? Nahihirapan madi niyo mag-adjust.
Dumating naman si Leandel (pr. Li-yan-del) kaya iwinaglit ko na lamang muna ang isiping yun sa aking utak. Kanina pang si antipatika ang laman ng isip ko na gusto ko namang iwasan kaya pahinga ka muna brain stem. Kalimutan muna siya. Wag kang mabahala, dapat di ikaw ang mabahala since hindi naman ikaw yung may sekreto.
"Ang lalim ng iniisip mo girlfriend ah." Puna sa akin ni Leandel. Naupo naman siya sa harap ko. Malalim ba? Ilang metro?
"Iniisip ko lang ang Charter Change." Biro ko.
"Ha?" See di niya alam. Di kasi nanonood ng news. Ang dami na talagang kabataan ngayon ang di nanonood ng balita. Hayst! Puro na lang kasi 'tinitigan ko, nilapitan ko'.
"Wala. So about sa napag-usapan natin kahapon." Turan ko at para maalala niya tsaka para makalimutan ko na din tagpo namin ni antipatika, tumayo na ako dala dala ang softdrinks na binili ko habang ito'y nakalagay sa cellophane na may straw. Yah, scourge soil ako eh. Di yan naranasan ng mga riko (rich kid). Pumunta kaming dalawa sa napagkasunduan naming venue para sa aming deal or no deal or game ka na ba? na pag-uusap. Pagkarating namin doon ay pagkaupong pagkaupo sa sementong upuan ay sabay naming inilatag ang mga papel na gusto naming mapag-usapan ng ma-aggree-han namin both. Aba may inihanda din siya. Seryosong deal to, mas seryoso pa sa relasyon niyo.
"Let's exchange papers." Sabi niya. Nag exchange nga kami at binasa ang nakasulat sa bawat kontrata ng isa't isa.
"What? Bawal talaga ako pumunta sa unit mo pero ihahatid ka naman namin?" Di naman makapaniwalang turan niya.
"Siyempre ayokong mapahamak no? Pano pag nalaman ng mga fans mo na mga obsessed na obsessed sayo kung saan ako nakatira at balaking saktan ako? Mas mabuti nang nag-iingat." Sambit ko naman. Mahirap talaga pag ako naman ang malalagay sa peligro.
"The audacity. Fine. And wag clingy? We're girlfriend, of course we're going to be sweet with each other." Reklamo naman niya. Bat tunog tiktok entry sakin ang sinabi niya?
"No. I'm not gonna agree on this. Magiging clingy tayo sa mata ng public, more PDA para maniwala talaga sila na exclusive tayo but pag tayo na lang dalawa we can be formal or just do our friend things." Sambit niya at sinulat doon sa papel na ibinigay ko sa kaniya. Talagang kinorectionan niya. Di na rin masama basta't wag lang nakakasuka ang pagiging clingy niya baka maitulak ko siya sa kanal."Bakit walang nakalagay dito sayo na isi-secure mo safety ko pag may nambanta sa akin na isa sa mga fans mo?" Wala akong nakita eh kaya I object.
"Okay add it there since you're a scaredy-cat." Sabi niya kaya agad ko namang dinagdag doon sa papel. Scaredy-cat na kung scaredy-cat, basta't safe lang.
"Tsaka ayoko tong mag 'in a relationship' sa Facebook kasi di naman ako talagang naggagamit ng Facebook tsaka ayoko mantsahan wall ko ng kasinungalingan. Wala ka ngang makikitang maraming post ko dun eh. Tanging pakikichismis lang sa mga myday ang ginagawa ko. Pass ako diyan. Bahala ka kung mag 'in a relationship' ka sa Facebook mo at ilagay pa pangalan ko basta wag lang sakin." Reklamo ko. Pag ginawa ko kasi yun makikita agad nila Jussien at Ked tapos papaulanan na naman ako ng mga tanong. Ganito ganyan. Tsaka fake lang naman to, ayaw ko nang palakihin pa.

YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...