CHAPTER 19

2K 127 92
                                        

A/N:
Hey! Hey! Hey! Hey! Hooray! Hoy! Ay hindi! Na miss niyo ba ako? Malamang ang chapter ang na miss niyo. Ito na nga, sorry natagalan. Babawi si mema niyo.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

Intentions

5

Nangyayari na nga ang kinatatakutan ko.

4

Ang lapit na nga niya.

3

Di ko magawang magback out dahil sa nararamdaman kong ito.

2

Totoo na talaga ito.

1

Ito na.

1

Back out girl!

1

Girl! Gising!

1

Ay shit! Hoy! Alora gumalaw ka!

1

Gagi naman.

1

1/2

1/4

*Riiiinnggg*

Agad kaming napalayo ni anti sa isa't isa at tarantang napakuha si anti sa nagriring niyang cellphone sa bulsa niya. Hay buti na lang. Napapalunok na lamang ako sa sarili kong laway habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. What had just happened? Did we almost kiss?

Kiss?

Ha?

Me and anti? Almost kissed?

Pano nangyari yun?

Hate namin ang isa't isa pero malapit na kaming maghalikan? Totoo ba? God!

NOOOOO!!!!!

Please God!

Nooo!

Napaka-awkward nung nagbyahe na kami pabalik ng kompanya at sa mga oras na yun ay parang gusto naming lumayo sa isa't isa. As in sobrang awkward talaga. Parang may mga tinik ang aming mga lalamunan dahil hindi kami makaimik sa isa't isa. Putcha naman kasi, bakit naramdaman namin yun? Bakit hahalik? Bat bigla bigla na lang? Nabobo ka na ba Alora? Wala ka na ba talagang respeto sa boss mo? Bakit hahalikan? Tangna grapes, bakit?

As soon na nakarating kami sa parking area ay agad na lumabas si anti ng walang sinasabi basta't halata sa mabilisan niyang kilos na gusto na niya talagang lumayo sa akin. Kahit ako naman no? Napaka-awkward kaya. Di ko na alam kung saan siya dumiretso basta ako'y nagpaiwan lamang doon sa kotse na tulala at napahawak ng mahigpit sa manibela at naipatong ang ulo roon para manggigil. Ano ba yung ginawa ko? Bakit malapit ko nang halikan ang boss ko? I mean, di man lang ako umalma nung palapit na ang mukha niya sa akin. Ang number one enemy ko? Just bakit Alora?

Ngunit bakit inilapit din niya mukha niya sakin? Does it mean? Or di naman kaya? Baka nadala lang din siya? Baka nagulat lang din siya kaya di siya nakagalaw? Hayst! Nasabunutan ko na lamang ang aking buhok dahil sa naiisip.

Nung medyo umo-okay na ako ay bumaba na ako ng kotse at inayos ang sarili, pinakalma at pilit na isinasaksak sa isipan na aksidente lamang yun or better na isipin na hindi nangyari iyun dahil di naman natuloy. So pano pag natuloy? Ayst naman. Tatalon ako sa pinakalast na palapag ng building na to pag nangyari. Gagi! Lips ko sa lips ni anti? No I can't. Dinideceive na talaga ako ng puso kong to. Napapadabog na lamang talaga ako doon kasi di ko matanggap na minsang nangyari yun sa buong buhay ko.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now