A/N:
Sige na nga batiin na natin si @peynpen de sarapen. Birthday niya daw eh, edi para sayo ang chapter na to ngunit lahat magbasa ha?
Enjoy!
Warning ⚠️The Investors
"Shana?!" Natigilan naman kami ni anti ng biglang may tumawag sa kaniya. Di ba lahat sa mga palabas sabay sabay? Kaya sabay kami ni anti na napalingon sa kung sino mang poncio pilato na tumawag sa kaniya. Pagkalingon namin ay si Marlon pala, binitawan naman ni anti baba ko. Ang pagkakabitaw pa naman niya ay parang nakabitaw lang ng tingga. Pabagsak talaga. Walangya! Sobrang toxic na boss nito talaga. Kung di lang talaga ako gipit ngayon ipinatapon ko na to sa Pacific Ocean kay Jack Sparrow. May contact ako sa kaniya.
"What are you doing here?" Tanong ni malditang anti kay Marlon.
"Malamang tumitingin ng mga damit at iba pa. Ang borgs anti." Sambit ko habang ako'y nasa likod niya lang. Nilingon naman niya ako at sinamaan ng tingin, ay narinig pala ako kaya agad naman akong nagfake ng ngiti sa kaniya at nag peace sign. Pagkatalikod naman niya para i-entertain si Marlon ay agad ko naman siyang inikutan ng mata.
"I was just looking for a watch, I didn't expect to see you here with your niece. Hi Alora." Bati sa akin ni Marlon kaya nagwave naman ako sa kaniya ng pabebe style.
"Hi Marlon!" Ani ko naman at ngumiti ng fake. Fake na lang lahat ngiti ko nito ngayon. Katulad ng kaibigan mo, fake. Ay, nasabi. Grrr!
"I saw some watches over there and it really suits you." Suhestiyon niya kay Marlon. Siyempre alam na alam niya ang mga babagay at sasakto sa kamay nito. Gamitin ba naman ito sa kaniya pag nagworld war sila. Ka echosan niya.
"Can you accompany me?" Ay ito namang si Marlon pabebe rin, may dalawa naman siyang mga paa at kamay, bakit di gamitin? Bakit kailangan pa ng kasama? Ang bibilhin niya bang relo ay katulad ng semento ang bigat para isama pa si anti?
"I'm sorry Marlon, maybe next time. We have plans for today." Sambit ni anti at nauna nang lumakad sa akin. Yah may plano nga yan for today upang bwisitin ako. Wala man lang ba-bye kay Marlon at basta basta na lang umalis. Saan na naman kayang kaban naiwan ni anti manners niya? Ako na lamang ang kumaway kay Marlon para magpaalam pero nakadalawang wave pa lang kamay ko ay hinila na ni anti ang kuwelyo ko mula sa likuran. Ayun nakaladkad na naman ako.
"Aray! Teka!" Reklamo ko habang hinahawakan ko ang kuwelyo ko sa unahan kasi nasasakal na ako sa kakahila niya. Binitawan naman niya kaya medyo nakahinga ang mga dead skin cells ko sa leeg.
"Bat ba kasi nangangaladkad ka?" Inis kung tanong at inayos ang damit ko. Inikutan ko naman siya ng mata pagkatapos."As my PA you have to look for dresses that you think suits me." Utos niya. Ganun naman pala eh bat nanghihila? Sa isip ko pa lang tungkol sa utos niya, mga armor na ng mga titans ang naiisip kong ipapasuot sa kaniya dahil yun ang nababagay sa kaniya. Bwisit siya.
"Di ko alam ang sizes mo." Reklamo ko naman.
"Then measure me." Sambit niya. Ay iba, may pa tailoring na si anti niyo. Magsasalita na sana ako ng mag-utos naman siya sa isa sa mga sales lady doon.
"May I borrow your measuring tape?" At least may 'may I' this time."May I borrow your measuring tape?" Maarte ko namang panggagaya ko sa kaniya. Katulad ng paggaya ni meme Vice sa kaartehan ni Anne. Ang kaibahan lang ni Anne at nitong si anti-inflammatory ay, si ate Anne kahit maarte hindi masiyadong nakakainis, cringe lang. Ngunit itong anti na to diyos ko nakakakulo ng dugo.
Sa kakagaya ko sa kaartehan niya ay ibinato na lang niya bigla sa akin ang tape measure na tumama pa sa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa hapdi ng pagkakatama nito, sinamaan ko naman siya ng tingin pero inikutan lang niya ako ng mata. Nako talaga! Kunting kunti na lang talaga tong babaeng to sa akin.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-awa. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she like...