CHAPTER 10

1.9K 126 101
                                    

A/N:
Shout out nga po pala sa kay kagawad @zylerykclvr na di na makapaghintay sa chapter na to. Sana masaya ka.
Enjoy reading! Thank you.
Warning ⚠️

Awkwardness

"Ms. S this calls for another celebration!" Hyper na turan ni Ms. Jap kaya napatakip naman ako ng tenga ko. Parang nakalunok lang ng speaker ah. Super hyper talaga. Sabagay sino ba namang di sasaya pag  nagkaroon ng achievement.

"We already celebrate." Sagot naman ni ante.

"Different yun Ms. S. Don't you think Alora deserves a reward?" Nakangiti namang turan ni Ms. Jap sa akin. Uy, bat ako ang naging dahilan? Sige nga Ms. Jap tingnan natin kung hanggang saan ang power mo, tingnan natin kung mapapapayag mo tong antipatikang to.

"Use the card and go wherever you want to celebrate. I'll be heading home." Kitams, super KJ. Ngunit pabor na din, pwede kaming magwaldas ni Ms. Jappy.

"Talaga ba anti?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"I know what you were thinking but don't you ever spend too much of it." Banta niya. Ay may limitation pala pero biro ko lang din naman yun.
"I'm going."

"Ms. S!"

"Anti!" Sabay naming pigil ni Ms. Jappy sa kaniya kaya nakatinginan naman kaming dalawa.

"Anti? Pamangkin mo siya Ms. S?" Gulat na tanong ni Ms. Jappy. Lumalawak na talaga ang kasinungalingang pamangkin niya ako. Surprised Ms. Jappy, at the same time it's a prank.

"That's nonsense Japserone." Saad naman ni anti.

"But-"

"Ssshh!" Saway naman ni anti sa kaniya.
"Alright we'll celebrate. Where do you want to go?" Tanong niya. Sa di ko alam na dahil ay bigla na lang kaming nagkalingunan ni Ms. Jappy pagkatapos niyang mag-agree sa amin at nagkatinginan kami na sinasabi gamit ang aming mga mata na 'you think what I'm thinking?' ganun.

Fast forward.

"Why here?" Galit na turan ni anti at agad na tumalikod para umalis kaya magkabilaan naman naming himawakan kamay niya para pigilan siya.

"Bakit? Di ba palagi kayo dito ni Ms. Jappy?" Saad ko naman. Iwinaksi niya rin pagkatapos ang mga kamay namin na nakahawak sa kaniya. Takot siguro tong pumasok ngayon dito kasi di siya naka-disguise ngayon. Lumapit naman si Ms. Jappy sa kaniya at may ibinulong. Aba't may pabulong bulong pa.

"She knows." Ani ni anti pagkatapos ng bulungan nila at napa-ikot pa ng mata.

"What?" Gulat na turan ni Ms. Jappy, sabay lingon sa akin with shock face  alam ko na ang bulungan nila. Tungkol sa pagiging Cora ni anti. Siguro may binabalak ang mga ito or nababahala.
"You told her?" Dagdag pa niya. Maybe not Ms. Jappy. Nalaman ko mismo.

"Of course I didn't. I'm not that dumb." Di daw.

"Umuwi lang naman kasi siyang lasing kaya ko nalaman." Sambit ko. Sabihin ko na din para di ma-shock si Ms. Jappy. Matagal naman ng pinagkakatiwalaan ni anti si Ms. Jappy kaya mabuti na ring ikuwento ko na.

"We should talk this inside." Ani naman ni Ms. Jappy with excitement kasi tumili pa eh. Gustong gusto ding malaman ang ka stupidihang ginawa ng amo niya.

"No. I should leave you two." Ani ni anti at tumalikod na pero agad ko naman siyang pinigilan at hinawakan ang kamay. Umiiwas lang talaga eh, andito na siya kaya di dapat siya umalis.

"Walang aalis." Sambit ko. Napatingin naman siya sa kamay namin kaya agad ko naman itong binitawan.

"Ms. S let's have fun tonight." Pag-aaya ni Ms. Jappy. Tama, deserve namin to after a long whole day.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now