CHAPTER 29

3.3K 152 134
                                        

A/N
Di ako nang ghost ah, gumagawa ako ng UD tsaka di lang naman ito ang buhay ko. Hala, pinagalitan. Joke lang ay.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

Love Is Deep

Dahan-dahang bumukas ang pinto kaya napatingin kami dun ni anti, nagkatinginan pa kami sa isa't isa.

Parang sa isang pelikula na nagslowmo ang pagbukas ng pinto kasabay ng kaba ko.

Agad kaming umayos ng tayo ni anti at agad na tumakbo sa may pinto, parang may karera ah, si anti ay may dalang baseball bat, ako nama'y isang tubo na nakita ko lang sa gilid ng vase. Sinenyasan ako ni anti na humanda kaya tumango na din ako. Di namin alam kong sino ang taong nasa labas, nag-iingat lang kami. Kung sino ka man, patay ka ngayon. Kuta na kami sa mga taong may masasamang balak sa amin lalo na kay anti.

Dahan-dahang pumihit ito.

Handang-handa na kaming upakan ang taong nagtatangkang pumasok sa penthouse ni anti.

Napapalunok kaming dalawa ni anti baka kung anong kapahamakan ang naghihintay sa amin once na bumukas ito ngunit handa na naman kaming bumanat dito. Bahala na.

Pagkabukas ng pinto ay agad na itinaas niya ang hawak niya para ipamalo sa kung sino mang taong magkakakamaling pumasok sa bahay niya. Wag ka na lang talaga pumasok dahil siguradong basag ka.

"Tita-mommy!" Sigaw ng maliit na boses kaya agad na napaurong kami ni anti sa paghampas ng ang pumasok ay si Keash. Oo ang pamangkin lang naman niya na inaanak ko. Diyos ko namang batang to oh.
"Huh?" Pagtataka ng bata ng makita ang hawak ng tita-mommy niya lalo na ang posisyon nitong nakaamba ng hampas. Nakaamba talaga kaming dalawa eh. Bago ko pa man maitago dala ko eh pumasok naman si ma'am Ashley.

"What's that ate? Do we look like thieves?" Taray na tanong ni ma'am Ashley. Like ate like sister talaga. Ibinalik ko na agad akin sa may vase kasi para akong gangster sa ginagawa ko. Sila lang pala.

"This is called, 'being cautious'." Depensa naman ni anti. Tama. Di naman kami ganito kung di pa suspense ang bata at kung kumatok lang sana ito. Di naman sinasadya at wala namang nasaktan.

"Put that down. You're scaring your niece." Saway ni ma'am Ashley sa kapatid niya at tuloy tuloy ng pumasok kaya ibinaba naman ni anti hawak niya at niyakap si Keash. E-exit na sana ako kasi family bonding na to nila anti eh pero natigil din ako ng makita ko si Ked na pumasok. Putek, aba't kasama pala ang gagang to. Napapadalas na ang bisita nila ah. Pinanliitan ko siya ng mata ng magsalubong mga mata namin. Nakangiti naman ng nakakaloko ang bakla ng makita ako. Alams na.

"Tita-ninang!" Sigaw ni Keash at tumakbo patungo sakin. Ako na naman ang binalingan ng bata.

"Keash!" Bati ko naman sa bata at sumalubong sakin ang napakaliit ngunit puno ng pagmamahal na yakap niya. Natawa naman ako ng bigla na lamang niya akong punuin ng halik sa mukha kaya naman kiniliti ko na ang bata at panay na ang tawa niya.

"Dad and mom's death anniversary is coming." Rinig kong saad ni ma'am Ashley habang nagkukulitan pa rin kami ni Keash.

"I don't even consider it like that." Sagot naman ni anti. Tungkol pala sa mga magulang nila ang pagbisita nila rito.

"I know but we need to visit them." Ani naman ni ma'am Ashley.

"Tita-ninang why do you smell like tita-mommy?" Turan naman ni Keash pagkatapos akong amoy-amoyin. Ay shit! Nang yayari naman ang batang to. Pagkatapos akong yariin ni Keash ay agad akong napatingin sa kanila na nakatingin na rin pala sa akin. Wala man lang sinabi o ginawa si anti, parang hinahayaan niya lang talaga ako na mahuli. Gagi tulungan mo ko!

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now