CHAPTER 14

2K 143 61
                                        

A/N
Sorry tagal naka upload. Congratulations nga pala sa mga honorable noong nakaraang graduation at recognitions. Pagpalain kayo ng diyos, author is so proud of you. Ngunit aminin niyo na't sa hindi bobo kayo pagdating sa pag-ibig and that's okay. It's okay not to be okay.
Enjoy reading!
Trigger warning ⚠️

Attempted Murder

"I like you." Ha? What? When? Where? How? Agad akong na estatwa sa kinauupuan ko habang titig na titig sa kaniya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng marinig mula yun sa kaniya. Bakit niya sinasabi to sakin? Nakapagtutuli naman ako kanina pero ano itong naririnig ko mula sa kaniya?
"I said I like whooorrrrlll!" Sinukahan na naman niya ako pagkatapos pero alam niyo, wala na akong pakialam kung paliguan niya ako ng suka roon kasi di pa rin ako nakaka-move on sa tinuran niya. Nakatulala lang ako roon habang panay suka na niya sa damit ko, talagang sobrang tulala lamang talaga ako roon. Di pa rin talaga nagsi-sink in sa akin ang sinabi niya. Bakit nga ba ganun ang sinabi niya?

Naramdaman kong tapos na siya sa pagsuka kaya inalalayan ko na siya sa pagtayo pero take note wala pa rin ako sa sarili ko niyan. Tulala pa rin habang tinutulungan siya. Gumagana naman isang side ng utak ko pero yung kabila ay na stroke ata. Ewan ko ba. Conscious ko siyang nilinisan ng katawan at pinalitan pa ng damit pero damn! Wala sa ginagawa ko o sa kaniya ang isip ko kundi nasa sinabi niya. Ginawa ko ang lahat ng yun na lutang at nasa sinabi niya lang talaga ang isip ko. Di talaga maalis alis sa isip ko eh. Wala sa isip akong naglinis sa sofa ng pinagsukahan niya, naglinis ng kusina at naglinis ng sarili ko. Lutang na lutang talaga ako nun, as in. Habang katabi niya naman akong nakahiga ay nakadilat lang ang mata ko at nakatingin sa kawalan. Kung mai-imagine niyo ako'y para bang may do not blink challenge. Bakit niya ba kasi sinabi yun? O dahil sa lasing lang siya kaya nasabi niya ang karumaldumal na salitang iyun?

Sa pag-iisip kong yun ay hindi ako nagkaroon ng magandang tulog, salamat sa kaniya. Kasalanan niya bakit niya sinabi yun kasi napa overthink ako eh, ang daming possibilities at grounds ang mga naiisip ko kung bakit niya sinabi yun. Kung totoo man ang sinabi niya ay di ko mawari saang area niya ako nagustuhan pero di muna ako magja-jump into conclusion, malay natin dahil lang lasing siya kaya niya nasabi yun. Pero kasi paglasing di nagsisinungaling.

Panay baling ko sa magkabilang gilid ko habang ang may dahilan ng di ko magandang tulog ay mahimbing na humihilik. Sa ginawa ng diyos araw araw bakit nasali pa kanina? Sana talaga masamang panaginip lamang ito, sana hindi totoo ang narinig ko. Kahit pinipilit kong isaksak sa utak ko na nasabi niya lamang yun dahil lasing siya ay di pa rin maialis sa aking utak. Panay lang ang pag replay nun sa utak ko.

Halos dalawang oras lang tulog ko dahil bukod sa pag-iisip ay binabantayan ko din ang anti niyo kasi ang likot matulog, babaling dito, baling doon at ayokong madikit sa kaniya baka masaktan pa ako ngunit pagkagising ko na parang si Dracula dahil sa pagka-straight na straight na pagkakahiga ko ay nakapatong na ang braso at hita ni anti sa akin. Ginawa na akong unan. Dahan-dahan ko itong tinanggal mula sa katawan ko pero senigundahan ng anti niyo at akmang yayakap na naman sana. Due to my adrenaline rush ay agad akong gumulong mula sa kama para lang maka-iwas sa kaniya at ayun congratulations! Lumagabog lang naman ako sa baba ng kama, ang lakas ng tunog dahil sa pagkakahulog ko. Talagang dumaing ang disney princess, naramdaman ko namang gumalaw ang kama at tinawag niya ako.

"Chipmunk?" Tawag niya in a morning husky voice. Alam niyo na kung anong tunog yun, yung parang kanal na nabarahan ng basura na parang pa bebe talk. Basta tunong kakagising lang. Di ako sumagot, ayokong malaman niya na nahulog ako kasi nakakahiya kaya nung narinig ko ang pag-usog niya sa ibabaw ng kama ay agad akong nagtago sa ilalim nito. Buti na lang may silong ang kamang to, na save pa rin ako mula sa kahihiyan.
"Where is she?" Rinig kong tanong niya ulit. Hooo!

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now