CHAPTER 23

1.8K 124 138
                                    

A/N

Good morning mga lods. Such a great day to be alive kaya nag UD na ako para sa mga minamahal kong mambabasa. Sharawt kay @ixyzsuincei ayan ha, baka pagbantaan mo na naman ako. Sumbong kita kay kuya Bongbong M. Itong chap na to para sa mga delulu.
Enjoy reading!
Warning ⚠️ 🔞🔞🔞🔞🔞🔞🔞😮

TIPSY

ALORA'S POV

Nagising ako ng marinig kong umuungol sa tabi ko si anti, ano na naman yang ginagawa ng babaeng to at ang aga aga naging asong lobo? Bat to umuungol? Nakatulog kasi kaming dalawa pagkatapos namin maglaro ng Jenga na wala namang kabuluhan, nakakaboring at namula lang noo ko sa kakapitik niya dahil lagi akong talo. Di ako magaling sa laro na yun eh.

Umupo ako at pinakinggan ulit siya, talagang naririnig ko siyang umuungol, ano kaya panaginip nito at umuungol? Aba pati sa panaginip, horny ka ah pero baka iba naman, ibang lang interpretation ko. Ngunit umandar ka kupalan ko katulad ni Malupiton kaya yung hintuturo ko at yung gitnang daliri ko ay isinuksok ko ng bahagya sa butas ng ilong niya para di siya makahinga at tawang-tawa ako ng mag struggle siyang huminga. Ang bagsik ko. Agad niyang hinampas kamay ko at ako naman ay tawang-tawa na tumalikod sa kaniya. Agad din siyang napaupo mula sa pagkakaalimpungat kaya nilingon ko siya pero natatawa pa rin ako.

"What are you laughing?" Kakagising lang pero galit na agad. Kinusot niya mata niya na lagi niyang ginagawa pag nagigising.

"Ang bastos mo managinip." Biro ko sa kaniya sabay tawa pero ang totoo natatawa talaga ako sa ginawa ko sa kaniya.

"I'm not." Sabi niya at agad na pinitik noo ko.

"Aray! Pag to talaga bumukol-"

"Ano?" Mapagbanta na talaga, nako. Kung di lang hawak sahod ko, wala yang banta niya sa magiging banta ko.

"Edi mahahalata." Pagpapatuloy ko naman sa sasabihin ko. Tsk. Tinarayan niya ulit ako at tumayo na at walang pag-aatubiling pumasok ng silid niya, iniwan na ako roon. Galing, magagalit-galitan tapos mang-iiwan. Tumayo na lamang ako roon at tumungo sa kusina para magtimpla ng kape, pagkatapos ay lumabas ako ng bahay kubo pero masasabi kong ang bongga ng design sa loob. Kahit bahay kubo lang to girl pero di ka i-small i-small ang interior design. Yung parang pag lumabas ako eh parang ang simple simple lang ng buhay ko pero pagpasok ko eh parang nakapag-OFW ako ng sampung taon at naka-ipon ng malaki. Ganun ang atake.

Nilalanghap ko ang simoy ng hangin habang ninanamnam ang aking kape. Nakasarap ng kape at napakapayapa ng paligid. Nabobored na talaga ako dito, gusto ko nang makasali sa mga activities nila Ms. Jappy pero concerned ang anti niyo kaya di pwede. Overly concerned. Naiintindihan ko naman siya kasi saksi ako sa pagpanic niya nung mga panahong yun at talagang inalagaan niya ako pero wait lang naman. Tsaka yung pamamaga sa likod ko ay di biro yun, ikaw ba naman matama sa isang malaking kahoy, buti na lang may guardian angel pa si Alora. Ngunit pwede naman siguro sumali kahit di masiyadong mag engage ako sa laro di ba? Or makisali lang sa pagbe-brain storming, ganun.

"Alora." Nawala ang isip ko sa pagmumuni muni ng dumating si Primo.

"Oh Primo."

"How are you?" Tanong niya. Ay gustong gusto tong tanong na to ng mga hindi emotionally stable.

"Okay naman na, ano ng mga activities ang ginawa niyo?" Tanong ko naman. Excited lang akong malaman kung ano ang mga ginawa nila. Ano na ang ganap.

"Iba't iba ngunit namimiss ka na ng grupo but we managed to have points while you're still healing. By the way you can join later right?" Kumunot naman ang noo ko dahil di ko alam ang sinasabi niya. Di nga ako pinapasali ni anti kaya siguradong, di talaga ako makakapunta.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now