CHAPTER 28

2.3K 131 104
                                        

A/N:

Nakagawa agad ng another chapter, buti na lang gumana ang utak agad.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

The Attempt

Hindi ako pinapansin ni anti mula kagabi hanggang ngayon sa kompanya. Nagpaliwanag naman ako sa kaniya kagabi ng very very daming words of essay pero mukhang nahagip ng bagyong Kristine ang puyo ni anti kaya di na talaga nagpatinag. Di talaga ako pinansin, wapakels na siya sakin. As in super cold ng treatment niya sa akin para tuloy akong hangin na dumadaan lang sa kaniya at pag kami na lang dalawa ay sinusubukan ko siyang i-approach pero siya naman itong umiiwas at nakikipaghalubilo agad sa iba para di na ako magkaroon ng pagkakataon na maka-usap siya. Parang tanga lang di ba?

Unang sabak pa nga lang sa relasyon namin ang dami na agad away namin.

Flashback.

"You're in love with whom?" Nakakagimbal niyang tanong. Patay na.

"Good evening Ms. S. Nanghingi lang ng advice si Alora sakin, Ms. S that's why I'm here, it's about her girlfriend in school who is her classmate." Paliwanag ni Ms. Jappy. Habang nagpapaliwanag si Ms. Jappy kay anti ay panay naman ako iling kay anti na ipinapahiwatig ko sa kaniya na hindi totoo ang sinasabi ni Ms. Jappy. Nanghingi na nga ako ng advice eh na dismente pa. Kaloka.

"Oh is that so? This late night?" Tanong ni anti na alam kong kumukulo na ang dugo. Pa cool lang yan pero kung nanay ko pa yan may nakatago ng sinturon sa likod yan. Tumango naman si Ms. Jappy.
"Is this why you're so bothered earlier and you're so eager to see Jappy? This is all about that shit?" Tanong niya na kapag nagkamali ako ng sagot which means kapag sumagot ako at di niya nagustuhan sagot ko eh keerrk! Deads ako.

"Ahm-"

"You just drag Jappy here just to ask your stupid crushes?" Galit yarn? Di naman kasi totoo, ay nako! Na misinterpretation.

"It's fine with me Ms. S, since Alora is just a teenager who's confused about her feelings." Talaga ba Ms. Jappy? Di ka nakakatulong ngayon sakin. Salamat sa advice kanina pero ngayon ako naman ang mag-a-advice sayo na mag shut up na lang. I-close na lang ang mouth, Ms. Jappy.

"Hin-"

"Oh please Jappy, that lady is not confused. She's just a flirt." Ay grabe ka anti.
"So you're collecting women now instead of studying hard for your better future as you always mentioned?" Hala nasali na nga ang pag-aaral ko. Mali talaga na dito kami nag-usap ni Ms. Jappy, eh lungga to ng leon. Sabi na eh.

"Anti hin-"

"You're not slacking on your studies right?" Ay grabe Ms. Jappy, husga agad? Talagang pagtutulungan niyo kong dalawa? Ako lang to oh. Kawawa.

"Hindi siyempre." Defend ko. Dalawa ata kalaban ko dito eh.

"So tell me who's that classmate you're messing with?" Tanong ni anti. Face to face ba to? Siya ba ang bagong host? Pa cool pa yang nagtatanong sa akin for I know gustong gusto na niyan ako sakalin.

"Yah aside Leandel, you didn't tell us that there's another one." Ms. Jappy naman ginatungan pa si anti. Sige pagtulungan niyo talaga ako. Pag ako umiyak, edi......talo.

"Wala." Depensa ko pa rin.

"Tell me or I'll cut off your tuition fees." Banta ni anti na nagpalaki ng mata ko at napalingon naman sa gulat si Ms. Jappy kay anti.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now