A/N:
Justice for this chapter.
Enjoy reading!
Warning ⚠️Fake Girlfriend
Natapos ang tatlo kong subject na talagang umiiwas ako sa kaibigan ko 'daw'. May label na daw pagsasama namin eh, ayun sa kaniya. Sobrang kulit talaga eh at kahit di pa nga kami masiyadong magdikit sa isa't isa ay pinagchichismisan na ako ng ilan. Sabi na nga ba at ito ang magiging resulta. Umiiwas na nga ako eh pero may mga mata ng nakamasid sa akin. Parang anytime gusto akong interogahin kung bakit sakin dikit ng dikit idolo nila. Eh sa maganda at charming ako eh.
Galing akong cafeteria dahil bumili ako ng makakain, nang pagliko ko ay nakita ko naman agad si Leandel kaya mabilis akong nagtago, umaasang di ako na sight-tan ng babae ngunit nakita din pala niya ako. I'm doomed.
"Hey! Alora!" Sigaw pa niya kaya tumakbo na ako. Di ko na aantaying maabutan pa niya ako. Para akong timang na tumatakbo papalayo sa kaniya. Sa ginagawa ko naalala ko tuloy ang kay Mary at Ked. Ganito pala feeling ni Ked pag umiiwas siya kay Mary. Now I know. Tago, takbo. Kakapagod pala at nandiyan yung urge na sana di ka maabutan nung humahabol sayo. Tumakbo lang ako ng tumakbo pero may sa cheetah ata ang babaeng to at nahabol pa rin ako. Ang bilis naman niya.
"Hey! Stop!" Nahawakan niya ang braso ko kaya instant tigil ako. Petite ako eh kaya madali lang talaga niya akong mahihila. May katangkaran pa siya sakin kaya di imposibleng mahatak niya ako.
"Why are you running away from me?" Humihingal niyang sambit."Obvious ba?" Para lumayo sa kaniya. Di nag-iisip. Hoo!
"You don't have to do that to your friend." Ani niya. Kaso di ko siya friend eh para sakin. Masiyado siyang mataas para maging kaibigan ko na maaari pang maging dahilan ng pagkasawi ko. OA!
"Kita mo yang mga mata na yan? Sakin na nakatingin. Di ako komportable sa ganyan, sinabi ko naman sayo di ba?" Sambit ko at napatingin naman siya sa mga itinuro kong mga netizen na kanina pang nang CCTV sa amin.
"No. They are looking at me." Bawi naman niya. Ay weh? Akala ko sakin. Parang sa kaniya nga, nag assume lang ako. O edi wow. Ngunit may napagtanto akong parang may certain part sa katawan niya ang tinitingnan nila, napatingin naman ako. Parang iba kasi mga tinginan nila. Lalo na ang mga tingin ng mga lalaki. Bali nakayuko kasi si Leandel at nakahawak sa tuhod niya habang hinahabol hininga niya. Mga bastos. Ito pala tinitingnan nila.
"Umayos ka nga ng tayo." Saway ko sa kaniya at hinubad ang suot kong cardigan bago itinali ito sa kaniyang beywang upang matabunan ang sa may pwetan niya. Ikli naman kasi ng palda.
"Napakaikli naman kasi ng skirt mo. Wag kang magsususuot ng ganito, alam kong passion mo tong maging IT girl pero wag naman ganito kaikli. Sino ba sastre mo at kinulang na ito sa tela?" Paalala ko sa kaniya. Tahimik lamang siyang nakamasid sa akin habang itinatali ko yun sa beywang niya kaya napatingin na rin ako sa kaniya, tumahimik eh kaya nagtaka na ako, nakita ko naman ang pamumula ng pisngi niya. Hala siya!"Why do you have to do that?" Ani niya habang namumula pa rin ang mukha. Nako! Feel ko ito unang mafo-fall sa aming dalawa, wala pa naman akong balak saluin siya. Ay sus! Malaking sakit ng ulo to pag nagkataon.
"Kasi naman nababastos ka na ng di mo alam." Di ko nga alam kung may shorts din kaya siya sa ilalim para proteksiyon. Generation nga naman ngayon. Wow parang di kasali.
"Thank you. So are you falling for me?" Ay ito na naman tayo. Ako ba yung nagblush? Ako ba yung sobrang nangamatis ang pisngi at tenga? Ako pa talaga ang nabaliktad.
"No." Saad ko at nagsimula ng maglakad.
"So why did you do that romantic move?" Hala siya. Romantic na yun sa kaniya? Di pa pwedeng nagiging gentlewoman lang at concerned lang baka picturan siya at gawing memes? Babae din ako no kaya ayokong mabastos ang kapwa babae ko.

YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...