A/N:
Hello everyone! Sorry late upload. Sorry na! Sorry na nga! Para namang mga tanga! Charizz! Ito na po ang chika. Sana magustuhan niyo ang pahina na ito.
Enjoy reading!
Warning ⚠️Clothes Exchange
Di agad ako naka-imik dahil sa mabilisang galaw niya at napakalakas ng pagkakasara ng pinto dahil sa kaniyang kilos. Wow! The flash yarn? Nakatitig lamang ako sa kaniya na gulat na gulat habang sobrang lakas ng tibok ng puso ko, malamang sino ba namang di magugulat eh parang ninja lang naman siya sa ginagawa niya ngayon. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Ms. S, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Ms. Jappy. Nagulat naman ulit ako sa biglang pagkatok ni Ms. Jappy sa pinto mula sa labas. Shit! Pano kung makita kami ni Ms. Jappy sa ganitong sitwasyon? Ma issue pa naman ang isang yun, pwede silang combination ni Tito Mars. Hindi naman ito sinagot ni anti at nakatitig lang siya sa akin na galit na galit. Wala siyang pakialam beh. Gagi. Pag kami talaga mahuli, siya talaga ang papa-explain-nin ko. Ayoko ring sumagot dahil baka nga mag-isip na naman ng iba si Ms. Jappy dahil sa nangyayari. Lumipas ang isang minuto na di ko talaga sinagot si Ms. Jappy, ganun din siya. Deadma ka muna ngayon Ms. Jappy dahil mainit init dito ang sitwasyon, nakatitig lang kami sa isa't isa at dahil nga ganun ang nangyayari ay binitawan na lamang niya ako dahil halata namang wala siyang makukuhang sagot mula sa akin kaya agad na naglakad siya para makaupo na ulit roon sa meeting room. Ang higpit ng hawak niya sa akin. Binitawan na lamang niya ako, that's good di ba? Nakahinga na rin ako, napatingin na rin ako sa kaniya dahil di ko akalaing gagawin niya yun sa akin, agad ko nang pinihit ang pinto at akala ko'y wala na roon si Ms. Jappy sa labas pero nagtaka din siya ng makita ako. Oops.
"Okay ka lang?" Takang tanong niya at sumilip sa loob para tingnan din si anti or ang paligid pero ang anti galit na itong nakafocus sa laptop niya. Wala nang pakialam, bakit ba kasi siya nagagalit?"Opo." Sagot ko sa kaniya at hindi pinahalatang may nangyayaring di maganda sa amin tsaka lumabas na din pagkatapos. Di kaya apektado din siya sa nangyayari? Sinabi ko naman sa kaniya na di niya kailangang mabahala kasi di ko naman siya isusumbong at wala naman akong paki pero bakit galit siya? Ayaw niya di ba ng maingay? Eh binibigay ko lang naman yung gusto niya, ayaw niya ba nun na di ko na siya inaasar? Problema niya?
"I heard a loud bang earlier what is it?" Curious na tanong ni Ms. Jappy habang sinasabayan ako sa paglalakad.
"Ah umiral kasi yung pagka-clumsy ko Ms. Jappy, papalabas na ako ng pinto ng matalisod ako at nasipa ko tuloy yung pinto. Napalakas ata kaya ayun galit na galit si mother of dragon." Okay na ba yun para sa kapani-paniwalang kasinungalingan?
"Why Ms. S didn't respond to me?" Nasa kalagitnaan kami ng eye to eye of the tiger eh. Tsaka galit siya sa akin kaya di talaga yun sasagot. Nagkagalitan at nagkagulatan na't lahat lahat kaya wala talagang sasagot sa kaniya. We were in the middle of a heated conversation na hindi ko man lang sinagot.
"Alam mo naman yang boss natin, weather weather ang ugali." Saad ko na lang.
"She always replies Alora. And that sound wasn't an ordinary sound and she's mad. Tell me what really happens inside." Madiin nang sabi ni Ms. Jappy, ay di pala siya naniwala sa unang kasinungalingan ko, so magkakaroon to ng pangalawa? Mukhang magagalit din to sa akin eh. Grabe namang babaeng to, di kinaya ni Pinocchio ang pagiging imbestigador nito. Parang Mike Enriquez lang, di ako tatantanan.
"Napagalitan nga kasi ako ni anti kaya parang Ardiente ang mukha." Second round of lying for the better future. Kaya mo to Al.
"Why?" Napayuko naman ako at di muna siya sinagot kasi nagko-contemplate pa ako ng pangatlong kasinungalingan. Lord, utang ko to wag mo munang ilista, babayaran ko naman agad.
"Is this because you came home late last night?" Tanong niya. Hala siya pero......ay pwede pwede to, salamat sa ideya Ms. Jappy.

YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...