CHAPTER 20

2.4K 134 123
                                        

A/N
Sorry sa late upload pero sana kumapit pa kayo sa mga susunod na chapter nito at hanggang sa matapos. Salamat.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

Permission

"Hey! Chipmunk!"

"Wake up!" Naalimpungatan ako sa boses ni anti. Napakalakas naman kasi, feeling ko malapit sa tenga ko.
"We're here." Saad niya. Nakarating na pala kami sa hotel at nakatulog pala ako sa byahe mula sa party. Panaginip lang pala iyun. Palagi na lang akong nananaginip ng masama gayong mabuting tao naman ako. Siguro dahil sa pagod kaya ganun na lamang ang panaginip ko, kainis ah. Parang totoo. Di na ako ulit makikipag-close sa mga pulubi kelan man, magiging cautious na ako. Sign ang panaginip kong yun na hindi lahat mapagkakatiwalaan, baka kasi madali na lang ako katulad ng sa panaginip ko. Mahirap na, madami pa akong pangarap. Ilang sako na ng bigas ang nakain ko at nakagawa na ako ng listahan sa mga goals ko tapos mamatay lang ako sa kidnapping kaya uy wag na lang. I'm better off alone.

Bumaba na rin ako ng kotse ng lumabas na siya at sumabay ng maglakad kay anti ngunit nabunggo naman ako sa likod niya kaya agad akong dumistansiya. Alam niyo na pag bagong gising, wala pa masiyado sa huwisyo. Wala namang imik si anti at dumiretso na sa loob.

Pagkapasok ng penthouse ay agad na akong umakyat patungo sa kwarto ko dahil inaantok pa rin ako resulta ng pag-e-English ko. Nagkaroon ng fog ata utak ko. Nakaidlip naman ako agad pagkarating ko sa aking silid at pagkagising ko ay tumawag naman ang mga besties ko kaya napakwento ako sa kanila na nangyari sa party pati na panaginip ko na nakakabaliw din isipin. Wala akong matago sa kanila eh basta chismis. Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan naming magkakabarkada ay parang may naamoy naman ako na mabango. Parang may niluluto kaya naman tumayo ako sa aking kama at lumabas ng silid. Inaamoy ko ang paligid hanggang sa dinala ako sa may kusina ng amoy na iyun at nakita ko roon si anti niyo na busying busy sa pagluluto kaya dali-dali akong lumapit dito para i-check kung ano ang nangyayari baka masabugan na naman kami uli. Safety precautions lang no.

"Anong-" Napatigil ako sa paghyper kong pigil sa kaniya ng makita ang ginagawa niya.
"Ginagawa mo?" Falling intonation kong tanong na agad na natakam sa pagkaing niluluto niya. Nakabwelta na ako noon para sitahin siya eh pero nang makita ang niluluto niya ay bigla namang bumaba ang boses ko.

"I'm making shabo-shabo, it's yummy right?" Saad naman niya na parang expert na expert sa ginagawa niya. Opo gumagawa lang naman siya ng hindi good items kundi yung dish na halo-halo sa isang pot. Masarap daw yun eh, balita ko.

"Wow, sarap naman niyan." Puri ko sa pagkain sabay lapit sa kaniya.
"Buti di ka nasunugan." Asar ko naman sa kaniya.

"This is the only thing that I can make perfectly except egg fry and hotdogs." Honest si anti niyo. Bigyan ng jacket yan.

"Patikim?" Saad ko at agad na kinuha ang chopsticks na nasa gilid ng mangkok at agad kinuha ang crabstick.

"So?" Tanong naman niya agad ng manguya ko yun. Kailangan niya pala ng critic ngayon.

"Lasang ano. Lasang crab stick." Asar ko sa kaniya kaya inikutan niya lang ako ng mata. Totoo naman eh. Crabstick kinain ko edi maglalasang alimasag talaga, alangan namang maglasang nemo?

"Prepare the table." Utos niya kaya agad naman akong tumalima. Siyempre pagkain na to eh. Pinunasan ko muna ang mesa bago ko nilagyan ng table mat tsaka plato, mangkok at kubyertos. Para akong excited na bata na naglilinis habang ang nanay ay naghahain ng pagkain, agad ko na siyang tinulungan sa dala-dala niyang mainit na pot.
"Di halatang patay-gutom ka ah?" Sita naman niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Grabe ka sa patay-gutom ah, di ba pwedeng excited lang kasi first time kong makakain ng shabo shabo!" The excitement of a first time is different to the next one. Uy agree ang isa diyan, ano kayang first time tinutukoy niya? Comment down below.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now