CHAPTER 5

1.4K 102 30
                                    

A/N:
Bakbakang malala.
Enjoy reading.
Warning ⚠️

The Blonde Woman

Bumalikwas ako ng bangon ng magkaroon ako ng masamang panaginip. Sobrang sama. Mas masama pa sa mukha ng kaibigan mo. Napahilamos ako ng mukha at tuluyan ng umalis ng kwarto para magkape, himala di pa ako ginugulo ng may-ari ng building. Ngayon due date ko eh pero kinakabahan pa rin ako. Maraming what if. What if sugurin na naman ako? What if sapilitan akong paalisin? What if habang wala ako, eh yung mga gamit ko ay nasa labas na? What if i-post ako sa social media na di pa nakabayad? What if ipa-Tulfo ako? What if habang magkarelasyon kayo ay gusto niya pala mama mo? Ay nasali.

Kagabi pa ako nagko-contemplate kung magsasabi na ba ako ng problema ko kay Ked or di na muna at hahanap pa ng paraan para maresolba to. Mapapatay talaga ako ni Ked pag nalaman niya ito eh. Not literally of course pero close na dun, panay okay lang ako dito ako eh. Ngayon, di na. Siguro pagkatapos ng araw na ito at wala pa talaga akong mahanap na paraan para makabayad ay magsasabi na ako kay Ked. Bahala na kung di na niya ako pansinin ng ilang buwan.

Habang humihigop ako ng kape na kasing tapang mo na ishinout-out sa gc ng section niyo ang pangalan ng crush mo, ay balak ko sanang pumunta ng veranda para makapagpahangin, para kabit papano ay ma ease mind ko. Paano ang ease of mind? (Nagpatihulog sa building).

Nahinto lamang ako sa may pinto papunta dun sa veranda ng maisip si antipatika. Baka andiyan din siya sa veranda niya. Ayoko munang makita siya. Disaster yun kahapon kaya as much as possible kailangan di kami magkita. Wala munang antipatika encounter for today's bidyow. Naisipan ko na lamang na doon na lamang sa loob magkape para maiwasan ang masangsang na amoy ni antipatika at nang matapos ay naisipan ko na ring magtapon ng basura sa labas kasi mamayang gabi ay kokolektahin na to ng truck. Dahan dahan pa talaga akong lumabas ng pinto na animo'y may binabantayang loan shark na ayaw magpahuli dahil nga iniiwasan ko si antipatika niyo. Successful naman akong nakalabas ngunit pagbalik ko ay nasa labas din siya. Ewan ko kung anong ginagawa niya sa labas, gulat ako nang makita siya, binigyan niya naman ako ng 'gotcha' look. Binabantayan niya ba akong lumabas ng unit ko? Ito na nga ba sinasabi ko. Dapat sa gabi na ako nagtapon eh.

Tumakbo na ako agad sa may pinto ng unit ko, di na ako nag-atubiling gawin yun dahil ang mga tinginan ni anti sakin parang kakainin ako. Aysus ibang kain na naman nasa isip ng mambabasa, wag ako! Mabilisang binuksan ito habang mabilis din siyang kumilos. Parang mga ninja lang ah. Pagkabukas ko ng pinto at pagkapasok ko ay agad naman niyang iniharang ang kamay niya sa pinto na agad ko ding binuksan ng malaki dahil malakas ang pagkakasara ko nun. Agad siyang namilipit sa sakit at agad din akong binalot ng guilt. Kainis naman kasi eh. Naipit ang kamay niya. Putek naman kasi, ang bobo. Sinong gagang naglalagay ng kamay sa papasara ng pinto with force? Si Shana Grey lang naman.

"Sorry! Sorry!" Paghingi ko ng despensa sa kaniya habang dinadamayan siya. Nataranta rin kasi lola niyo. Masiyadong malakas talaga yung pagkakasara ko eh. Tinulak naman niya ako at agarang pumasok sa loob ng unit ko. Ay iba. Agad siyang umupo sa sofa habang hawak hawak pa din niya ang naipit niyang kamay at iniinda niya lamang ang sakit. Halatang iniinda niya lang dahil lumilitid ang ugat niya sa leeg.

"Get some ice bag, this needs an ice compress." Utos niya. Di na ako nag-atubili pa at kumuha agad ng ice bag at nilagyan ng ice ito. Baka kasuhan na nga ako nito ngayon for real dahil sa nagawa ko. Tumakbo agad ako sa pwesto niya at kinuha ang kamay niyang umaaksiyon na sa pamamaga. Idiniin ko roon ang ice bag at siya'y nakatitig lamang sakin.

"Anti naman kasi, nilagay lagay pa ang kamay sa pinto, di naman siya superhero. Mamaya niyan ako na naman sisisihin mo." Naiinis kong saad habang dahan dahan ang pagpress ko ng ice bag sa kamay niya.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now