A/N
Sorry natagalan, busy kasi this fast few days (fast few days?!) maja lang? However, I hope you like this chap mga madiii!!!
Sharawt kay @zylerykclvr !!
Enjoy reading!
Warning ⚠️Fucked Up
"What is the meaning of this?" Sambit ni Jussien na may mapanuyang mga mata. Parang katunog lang ni Toni G. ah. Lahat sila ay napasinghap dahil sa gulat ng makita kami ni anti, nakadagdag pa ang kalagayan namin. Nagkasukatan pa ng mga tingin sa bawat isa. Damn! Agad kaming bumitaw ni anti sa isa't isa, kahiya naman! Jusko!
"No way." Mahina namang komento ni Ked na gulat din at halatang papatawa.
"Tita-ninang!" Sigaw ng mga chikiting at nagsitakbuhan na papalapit sakin. Ay salamat may mga batang makakapagpaalis sa akin sa sitwasyon na ito. Grinab ko na agad ang opportunity na yun. Time to escape. Mahiwagang salamin!
By BINI
"Kids!" Masigla ko namang sambit pero halata ang kaba sa dibdib ko. Nanginginit ang buong bungo ko dahil sa nangyayari. Yung tingin ng dalawang bubuyog ay talagang nakaka-irita, nakamaang pa dahil sa dininaasahang scene na nadatnan nila. Agad kong kinarga si Keme at hinila ko naman ang iba para lang makaalis kami roon. Sinundan pa talaga ako ng tingin ng dalawa, mga bwisit! Nahuli na tuloy ako na narito ako, ihanda ko na lang sarili ko sa nakakairitang mga kantiyaw nila sakin. Akala ko'y dahil sa mga bata na magiging excuse ko ay forda escape na ang ferson ngunit di pa rin pala ako nakaligtas sa dalawang bakla.
Para kami ngayong nasa interrogation room ni anti kasi magkatabi kaming dalawa at nasa harap namin ang huhusga sa aming buhay. Kulang na lang yung ilaw na nasa gitna para masabing nasa presinto kami.
"Explain. What happened?" Intimidating na tanong ni ma'am Ashley. Nakakatakot naman ni ma'am Ashley, sanay naman na ako na ganito siya sa klase pero mas nakakatakot ngayon pero kasi wala namang isyu eh.
"Why are you making that face Ash?" Saway naman ni anti sa kapatid niya.
"What face?" Takang tanong naman ni ma'am. Face like gusto kaming paaminin na merong something na wala naman talaga, ganun ma'am.
"Like I just did something wrong." Banat naman ni anti. Tama. Di ko na kinakaya ang mga tinginan ng mga bakla sa akin, makatingin sa akin ang mga to na parang kinukutya ako ng sobra sobra kaya nag-excuse na muna ako.
"Ah kukuha lang ako ng snack po ninyo." Saad ko at akmang tatayo ng pigilan ako ng mga bwisit kong tropa.
"Hep! Hep! Hep!" Saway sakin ni Jussien. Mga bwisit!
"Upo." Segunda naman ni Ked. Balik sa pag-upo ang Disney princess. Pinapahiya talaga ako ng labis.
"We decided to visit you because we saw the news, I thought something bad would happen to you and yet..." Tumingin pa talaga sakin si ma'am Ashley na parang inutangan ko lang ng malaki at tinakbuhan.
"This isn't what we expected." Si anti naman kasi, na isyuhan tuloy kami kung di lang siya harang ng harang kanina edi sana nakapagtago na ako. Ang gaga, pigil ng pigil."What are you doing here Galvez?" Tanong naman sa akin ni ma'am Gwen. Parang kasalanan ko talaga kung bakit ako nandito ah? Ang tuno kasi ng pagkakasabi nila ay parang di ako welcome dito. Parang dapat di ako nandito. Napatingin pa ako kay anti dahil di ko alam ang sasabihin at humihingi ako sa kaniya ng tulong. Kasalanan rin naman niya kaya kami nahuli, ako pala kaya dapat lang na tulungan niya ako.
"Would you let me?" Tanong niya sa akin. Shocks tinanong pa talaga ako. Siguro ito na nga ang time na sabihin ko na ang totoo kay Ked. Wala na akong choice, bistong bisto na ako eh.
"Oh my God! Nakita mo yun Ked? Di na sila galit sa isa't isa." Sabat naman ni Jussien sabay kantiyaw saming dalawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, napapikit na lang ako sa inis sa dalawang bakla. Alam ko kunting makita lang nila sa amin ay isyu na agad yun sa kanila. May malisya na agad bawat kibot.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
Roman d'amourNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-awa. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she like...