CHAPTER 37

2.1K 126 168
                                        

A/N:

Hello! Hi! Imbes na ma stress kayo sa darating na halalan eh magbasa na lang kayo dito. Dito na lang kayo magpakastress. Tsaka mabuhay lahat ng biological woman! Trans man o ano, welcome na i-celebrate yun. Yang mga ganyan di naman dapat yan pinag-aawayan, para ano ba naman na magcelebrate ng isang araw di naman mababawasan nun kung sino o ano kayo. Go celebrate with all your might and bumisita na ulit tayo sa simbahan po, opo. Ash Wednesday is waving. Walang tatamarin na magtiwala sa diyos! Dami palang celebration ngayon, ngayon ko lang napansin.
Enjoy reading!
Warning ⚠️

Unnecessary Treatment

Parang ayaw ko nang huminga pagkatapos kong sabihin yun, paumanhin sa aking pride kasi mas mahalaga talaga si nanay at ang pag-aaral ko. Magtitiis na lang muna ako. Titiisin hangga't makakaya. Ganun talaga.

"Tsk." She scoffed. Grabe naman yang reaction niya pero cute. Yung pride ko ay tunaw na tunaw na ngayon sa harap niya. Kikiligin na sana ako kung kami pa pero ngayong di na kami ay pangma-mock na ang naging dating nun sakin. Alam kong ganun talaga ang magiging reaction niya sapagkat ang lakas na ng loob ko na umalis dito eh na may ngiti pa sa aking labi at confident pa akong ibinigay sa kaniya resignation ko pero ngayon naiba na.
"I thought you made a decision?" Ani pa niya. Alam ko pero kailangan kong maging practical eh. Nonchalant naman akong tumingin sa kaniya.

"Isa yun dito." Sagot ko naman.

"So I think I don't need this anymore." Binuksan niya desk niya para kunin resignation ko sabay punit nito sa harap ko na parang sinasabi niyang, hindi mo naman pala kayang umalis dito tapos nagbigay ka pa ng walang kwentang papel na to. Nasa kaniya na naman ang huling halakhak.

"Tsk." Ako naman ang nagreact ng ganun. Siya lang ba ang marunong?
"Ang hilig mo talagang magkalat." Sambit ko. Nakakamiss din palang kausap siya. Para sa isang nagmo-move on ay kami lang ata itong nagawa pa ding magkausap ng komportable sa isa't isa. Komportable nga ba o pinipilit lang ang sarili na maging maayos?

"Welcome back to the company Ms. Galvez." Ani niya pa na parang simpleng empleyado lamang ako na hinired niya, para namang piniga ang puso ko dahil di ko inaasahang sasabihin niya yun. Is she really moving forward without me in the picture? Kung iisipin napunta ako sa kompanyang ito dahil lamang naipit ako sa isang sitwasyon at di talaga ako totally na winelcome niya dito, biglaan lamang at pilit ang lahat pero ngayon na sinabi niya ito sa akin eh parang napakagaan sa loob, ganito pala ang pakiramdam ng ma-hired. Nalulungkot lamang ako na sa kabilang banda ay magsisimula ulit ako rito na wala ng kami. How ironic. Nagsimula akong labag sa kalooban ko nung una at ngayon na gusto ko na dahil sa pangangailangan ko eh nawala naman sa akin ang taong nagbigay ng rason para magpatuloy dito. Magpapatuloy na lamang para sa aking nanay at hindi na para sa kaniya.

"Please lang Ms. S, gayong bagong hired ako di naman siguro PA ulit trabaho ko di ba?" Nakakapanindig balahibo yun kung ganun pa din ang trabaho ko dito. Naghiwalay pa kami kung ganun pa din naman ang set up namin? Tsaka magmomove on pa ako, nakaschedule na yun.

"No." Sagot niya. So paano ako magmo-move on nito? Gagi ba siya?

"Ms. S kinonsider mo lang ba ang nararamdaman ko?" Super ridiculous talaga ng babaeng to. Papatayin niya ata ako sa sakit ng damdamin ko eh.

"I did but in a company where there's work ethics, we stayed professional and we always left our personal issues outside,  you know how hard it is to train another PA, instructing everything and it'll take time. Plus it is the only vacant position for now." Rason niya. Yun naman pala eh.

"Mahirap naman pala eh bat hiniwalayan mo pa ako?" Parinig ko naman.

"Hey." Saway naman niya. Ay narinig. Kung hindi lang talaga ako nagigipit ngayon di ko to pagtitiisan, kawawa ang mental health ko nito. Imaginine mo makikita ko siya araw araw, tapos nasa isip ko na, na wala na akong karapatan sa kaniya. Ang hirap kayang magtrabaho ng ganun.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now