A/N:
Medyo madaliang UD pero sana magustuhan niyo pa rin.The Game is On
Napapapukpok na lamang ako sa aking ulo ng maalala ulit ang nangyari kagabi. Di ko naman talaga sinasadya iyun eh. Malay ko bang madadaganan niya ako at sa harap pa talaga ng lover niya. Nakakahiya. Kahit pa na iniisip niyang mag cousin kami pero ang posisyon namin ay para namang mag-cousin-tahan. Ayokong magkaroon ng malisya ang ugok na yun sa amin lalo pa't alam niyang nagsa-slide ako sa rainbow.
Ibalik ang nakakahiyang pangyayari.....
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa pagdikit ng kaniyang katawan sa akin. Dikit na dikit eh. Di ko man lang alintana ang bigat na ibinibigay ng kaniyang katawan sa akin. Siyempre mas mabigat siya sakin. Alam kong malakas rin ang tibok ng kaniyang puso dahil base sa salungat ng pagtibok nito sa aking dibdib. Bakit nga ba ang lalakas ng kabog ng aming puso ng mga panahong yun? Dahil ba sa gulat. Adrenaline rush ba ang dahilan? Ang tanging lumabas lamang sa aking bibig ng mga oras na yun ay.
"Aray." Sambit ko pero wala namang ekspresiyon. Naputol lamang ang aming pagtititigan ng lumapit si Marlon sa amin ng nag-aalala. Shocks. Friends with benefits niya pa talaga ang nakasaksi.
"Are you okay?" Tanong niya kay anti at agad na inalalayan itong tumayo. So ako? Nakatulala lamang ako roon sa sahig dahil di ko pa rin lubos maisip na nagkabanggaan mga dede namin. Kahit pa meron damit at bra na under wire, sumubsob pa rin dede niya sa akin. Ang laki ng sa kaniya kaya naaawa ako sa akin, baka hanggang ngayon ay nato-trauma pa ito.
"I told you to get up!" Galit na sambit ni anti at ako'y nagpadala na lamang sa kaniyang paghila sa akin patayo. Alam kong naaasar na siya sa inaasta ko pero kasi yung nangyari eh di rin agad maprocess ng utak ko eh. Ngunit dahil sa pagpapadala ko sa kaniya ay bigla na lamang akong binitawan ni anti niyong maldita at huli na si Marlon sa pagsalo sa akin dahil para na akong spalding na drinibble sa sahig. Ang sama talaga. Gusto ko mang mag react sa sakit na dulot nito pero talagang mas malaking impact sakin ang pagtama ng aming katawan ni anti.
"Sha why did you do that?" Concern namang tanong ni Marlon habang ako'y kaniyang inaagapan. Sakit ng ulo ko ha!
"She deserves it." Aba naman. Sana tanggapin ka pa ni Lord sa ugali mong yan.
"Get up Chen so you can lie in the bed properly." Utos sakin ni Marlon. Utos yan hindi pakiusap. Di ako nakinig sa kanila at tahimik lamang akong nakatingin sa kawalan. Iniisip pa rin iyun at dahil nga doon parang nawala ang kalasingan ko. Sa inis ni anti ay hinila na lang ako bigla na parang isang patay na katawan at walang pakundangan akong hinila papunta sa kwarto niya na parang bloke lang ng yelo. Nagpahila na lang din ako hanggang sa makarating ng kwarto namin. Shocks namin daw. Hay nako Alora!
"Your weight is deceiving bitch. How can you weigh like this as if your like a fucking tractor?" Reklamo niya habang inihihiga ako ng maayos sa kama niya. Grabe siya sa tractor ah. Siya kaya tong mabigat, malapit na akong di makahinga kanina. Nang maayos na niya akong maihiga, ay di pala maayos kasi nasa may paanan ng kama niya ako inilagay, isang kibot ko lang hulog talaga ako sa lagay kong to. Ganyan ho siya kabait.
"I don't want you to drink alcohol again." Sambit niya. Tingnan lang natin sa mga susunod pang araw. Tingnan natin kung sino ang hari sa ating dalawa. Inikutan niya ako ng mata bago ako iniwan sa loob at padabog na isinara ang pinto. Nakatingin pa rin ako sa taas na parang merong nakakabighaning nakikita mula roon ngunit iniisip pa rin ang kaganapan kani-kanina lamang. Nang ma realize ko ang mga nangyari ay doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na maging baliw sa kama. What I mean is nagwala ako sa kama dahil sa mga nangyari. Bakit ba kasi nangyari yun?Hinding hindi ko na makakalimutan yun.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-awa. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she like...