A/N:
Hello! Hi! Hello! Hi! Sumagot kayo! Sorry hormones lang to guys. Ito na po ang update.
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Closure
"Wow ang gara ng kotse natin ah." Rinig kong sabi ni Primo na di ko man lang napansin na nasa paligid lang pala.
"Ay putragis!" Nagulat talaga ako. Kakababa ko pa lang sa kotse pero ginulat naman niya ako. Muntik ng humiwalay kaluluwa ko dahil sa panggugulat ng lalaking to. Tadyakan ko tumbong niya eh.
"I thought di mo tinatanggap ang mga gamit na galing sa ex mo?" Pang-aasar pa sakin ni Primo. Anong ginagawa ng damuhong to dito?
"Luh. Hindi to galing sa kaniya no?" Deny ko naman.
"Alright, I think I might believe it na lang." Talagang inaasar ako ng damuhong to ah, siya na nga ang nanggulat tapos siya pa tong may ganang mang-asar.
"Hindi ko naman sana tatanggapin eh kaya lang nagpumilit siya tsaka....." Paliwanag ko naman pero pinaningkitan lang naman ako ng mga mata ni Primo.
"Ano yang itinatago tago mo sa likod mo?" Tanong ko naman. May nakikita kasi akong bagay na itinatago niya sa likod niya. Ang creepy ng lalaking to, nagtatago pa talaga sa may halamanan.
"Charan! Surprise!" Itinaas naman niya ang isang cellophane na naglalaman ng tatlong bote ng alak, di ko na babanggitin ang brand kasi the last time na binanggit ko na ban ako. Charizz lang! Endorsement lang, kasi na ban?!
"Walang chicken?" Reklamo ko. Di kompleto ang dala niya ngunit itinaas naman niya ang isa pa niyang kamay.
"Of course hindi yan mawawala." Ani niya. Sa lalaking to talaga mararatay ang atay ko ng maaga. Imbes na pagkakakitaan ko pa tong kidney ko eh. May sa pagkagago din kasi to. Pagkagagong ikina-enjoy ko.
"Let's talk about that car inside with this." Excited niyang aya at inilingkis pa ang braso sa akin.
"Napapadalas kana dito ah?" Puna ko naman sa kaniya habang hinihila na niya ako papunta sa loob ng building. Nagsimula lang sa simpleng pag-aaya ko dahil gusto ko lang ng may karamay nung sobrang lugmok ko at ngayon halos linggo linggo na.
"You owe me. I introduced you to an affordable abode and I've been here when you needed a shoulder to cry on and my father gave you a job." Turan niya kaya inismiran ko naman siya.
"Aba, counted yung sa ama mo? Ha?" Nangkukwenta na ang loko.
"Just kidding, let's just have a drink okay?" Ani niya.
"Siguro may balak ka sakin no? Kaya gusto mo kong lasingin?" Lalaki pa rin naman siya, baka lang naman.
"Duh kung meron man edi sana matagal na." Sabagay, nakailang beses na kaming uminom, na kaming dalawa lang partida langong-lango pa kami nun pero sa awa ng diyos wala namang nangyari sa amin at napansin ko sa kaniya pag lasing na siya eh di na talaga nakakatayo, di na rin nakakapagsalita talagang matutulog na lang siya. Gigising na lang kapag shot na niya, di katulad ko na magtatatalak pa.
***
Di na ako nag-impake ng gamit ko dahil dalawang araw lang naman ako mamalagi sa kanila Ked kasi birthday ng mga chikititos niya, ang first gen. They're growing din naman. Invited ako siyempre kaya manghihiram na lang ako ng mga damit kay Ked, like I always do. Sakto naman ang ibang damit ni Ked sakin, hassle pa kasi kung magdadala pa ako ng mga damit. I'm pretty sure na imbitado din ang ex ko, sigurado na yan. Ang di ko lang alam kung paano namin sasabihin ang tungkol sa amin ni anti sa kanila, siguro isekreto ko na lamang muna to but, if everything goes South ay wala na akong choice kundi ang sabihin ang totoo sa kanila. Yung mg shippers namin ay siguradong masasaktan at ewan ko na lang kung anong magiging reaction ni nanay.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
