A/N:
Hey! Yow! Wassup! Kunti na lang MA is gonna take off na. Lalaban pa din hanggang dulo, bibigyan ng hustisya yang mga haka-haka niyo at nang di niyo ko isumpa. Jusko!
Well enjoy reading!⚠️
The Story
"Maris?" Sambit ni Marlon ng makita ang dalaga sa di kalayuan. Narinig naman ito ni Japserone kaya napatingin siya sa tinitingnan nito. Si Maris naglalakad sa kalsada na may bitbit na pinamalengke at hirap ito sa pagdadala niyon.
"Maris." Sambit ulit ni Marlon dahil di niya inaasahang makikita niya ang babae at akmang bababa na sana ng kotse si Marlon ng pigilan siya ni Japserone sa kamay kaya napatingin siya rito, umiling ang babae indikasyon na wag niyang gawin ang binabalak niya ngunit itinabig lamang ito ni Marlon at lumabas na ng tuluyan kahit oa naguguluhan siya kung bakit inawat siya ni Japserone. Agad niyang pinuntahan ang babae ngunit hindi pa nga siya nangangalahati sa pagtakbo palayo sa kotse ay may napasigaw naman sa likod niya kaya napalingon siya rito. Nakita na lamang niyang nahimatay na pala si Japserone sa labas ng kotse at marami ng nakatingin dito. Nagulat naman si Marlon sa nasaksihan. Nagdalawang isip si Marlon kung tutuloy pa ba siya sa paghabol kay Maris na papalayo na rin o sasaklolohan si Japserone pero pinili pa rin niya sa huli si Japserone. Pinuntahan niya ito at agad na binuhat papasok ng kotse at nagpaandar agad agad ng kotse para madala sa hospital si Japserone dahil baka kung mapano ito eh nasa kamay pa naman niya ang dalaga. Medyo nagsisisi man siyang di niya agad pinuntahan si Maris o naabutan man lang ay sinet aside na lang muna niya ang isiping iyun, ngayong alam na din naman niya na narito lang pala si Maris ay madali na niya itong mahahanap. Nag-antay siya ng ilang oras doon at kalaunan ay natapos na din ang doctor na tingnan si Japserone.
"She's stressed." Konklusiyon ng doctor. Napatingin naman si Marlon sa dalaga.
"Just be careful in what you are doing, it might affect what's inside you." Saad ng doctor na nagpagulat kay Marlon at napatingin ito kay Japserone at gulat namang nakatingin si Japserone sa doctor. Pareho silang di makapaniwala sa narinig mula sa doctor. Napakabilis naman atang mangyari nito ngunit sobrang laki ng posibilidad na makakabuo nga sila dahil sa isang gabing iyun.
"Di siya masiyadong halata pa but it is starting to grow, just be careful mommy because it shows signs of weakness." Dagdag pa ng doctor. Paanong di ito nalaman agad ni Japserone? Paanong di niya naisip na delay na pala siya ng isang buwan na dapat yun na ang araw na dadatnan siya bago magkatapusan ng buwan pero nawala iyun sa utak niya. Wala naman kasi siyang nararamdamang kakaiba. Si Marlon naman ay nagtataka na paanong nakabuo agad sila ng ganun kabilis? Di lamang siya makapaniwala sa natuklasan.
"Alam mo ba ang tungkol kay Maris?" Tanong niya sa babae nung sila na lang dalawa sa silid doon sa hospital.
"So what if I know?" Sagot niya lang.
"You could've told me." Di niya mapigilang di mainis kay Japserone. Kung alam na pala niya na narito lang sa lungsod ang babae ay sana man lang sinabi sa kaniya at yung pagpigil niya sa kotse kay Marlon ay kahina-hinala din yun para sa binata.
"And then? Iiwan mo ang responsibilidad mo sakin dahil mas mahal mo si Maris?" Pagalit niyang saad at dahil sabi ng doctor na di pwedeng ma stress si Japserone ay di na lamang niya sinagot sagot pa ito kundi lumabas na lamang siya at frustrated na napahilamos ng mukha. Siguro ito ang dahilan niya. Alam niyang kasalanan din naman niya kasi ginawa niya iyun kay Japserone kahit pa sabihin nilang parehong may permiso ay di dapat iyun ginawa ni Marlon kasi pagtataksil yun kay Maris. Gayong nakita na niya si Maris at lalo na yung nakaumbok sa tiyan niya ay determinado na siyang makita talaga ito at makausap ng personal para malaman kung sa kaniya ba ang nasa sinapupunan ni Maris. Di rin naman niya pwedeng pabayaan ang unang minahal niya at kahit ganun ay papanindigan pa rin naman niya ang nasa sinapupunan ni Japserone.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
