A/N:
Good day fellas! Sorry always na late upload si otor kasi naman, oh mangangatwiran pa. Readers deserve an explanation but I know mas prefer niyo ang chap upload. So here we go. Merry Christmas everyone. Hoping that before mag Christmas, yung 25 talaga ah na makapag-jump tayo to another story. Kaso mabi-busy na naman si otor pero kaya to. Go! Go! Go! Laban lang.
Basa na mga guyses.
Warning ⚠️
Read at your own risk 🔞🔞🔞🔞🔞🔞
Lost Daughter
Limang araw ang lumipas simula nung insidente. Ayon sa mga pulis sobrang nasunog ang kalahating katawan ni Chazzny at ang kalahati naman ay kinonsider ng patay dahil di na nga niya maigalaw ito. Nag-aagaw buhay pa siya nang madala sa hospital pero na revive naman siya agad at pagkatapos ng mahabang operasyon ay yun na ang konklusyon ng mga doctor sa kaniya. Hindi na rin siya nagawang ipakulong pa dahil sa kondisyon niya na hindi na makalakad ngunit ini-refer na lamang siya sa isang mental institution. Nakitaan kasi siya ng abnormalities sa behavior niya.
"Kumusta ang buhay mo dito? Para na bang impyerno?" Binisita ko kasi siya. Hindi pwedeng di ko makita ang taong nagbigay ng gulo sa buhay namin. Gusto kong makita siyang sirang sira. Nakabalot ang kalahati ng kaniyang mukha ng benda kung saan siya nasunugan. Ang kamay at paa niya ay nakabalot din ng benda. Tanging ang mga mata na lamang niya ang functional sa kaniya pero wala akong nararamdamang awa sa kaniya kahit pa ganito na ang kalagayan niya.
"Alam mo di dahil sa sobrang galit ko sayo ay naiiyak na lamang ako, gusto kong gawin yung ngisi mo nung nakikita mo yung mga taong ipinapapatay mo." Ngumisi ako ng katulad sa kaniya para lamang ma-satisfy ang sarili ko pero hindi ako na satisfy sa totoo lang dahil sa mga oras na yun ay gusto ko siyang patayin pero hindi dapat. Gusto ko siyang pasakitan physically ngayon pero naiisip kong hindi ako katulad niya at hinding-hindi ako magiging katulad niya.
"Sana ngayong narito ka na eh sana mapagsisihan mo man lang ang mga ginawa mong masama sa amin." Dagdag ko. Di ko inaasahang mapapaluha siya, sunod-sunod ang patak ng kaniyang luha habang nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero di naman niya magawa kasi di na niya magawa pang magsalita.
"Mabubulok ka na dito ng tuluyan kasama ng mga pagsisisi mo kung bakit nakinig ka sa mga walang-kwentang payo ng uncle mo. Alam mo si nanay kahit ginago mo siya? Pinatawad ka pa rin niya pero hindi ka niya kayang harapin dahil hindi niya matanggap na ang taong minahal niya ay kayang gawin lahat ng karumaldumal na yun." Sobrang nasaktan si nanay pero inintindi niya pa rin kung ano ang pinanghuhugutan ni Chazzny sa paghihigante niya pero ayaw na niya itong makita pa.
"Tama lamang itong nangyari sayo. Kung wala sanang batas ay di ito ang magiging kahahantungan mo, ako ang magbibigay hustisya sa mga taong pinatay mo. Mararamdaman mo ang tunay na paghihigante, dadahan-dahanin ko ang sakit hanggang sa mamatay ka na lang dahil hindi mo na kakayanin ang gagawin ko sayo pero pasalamat ka at may batas. Saktong ito ang kinahantungan mo dahil walang mas masahol na torture sa kalungkutan. Hihintayin mo na lang rito ang papalubog na araw kasabay ng papalubog mong buhay at pag-asang babalik ka pa sa dati. Hihintayin mo na lamang ang unti-unti mong pagkabulok dito na walang kapamilyang bibisita at lalong lalo na, na walang uncle na aagapay sayo at mag-aalaga." Mahabang salmo ko. Tumayo na ako dahil hindi ko na kayang kaharap pa siya dahil baka bigla na lang magdilim ang paningin ko at masaktan ko pa siya. Gamit ang nasunog niyang kamay na may benda ay dahan-dahan niyang inilabas ang isang papel sa bulsa ng mental uniform niya. Kinuha ko naman iyun at binuksan, isang liham kung saan nakasulat lahat ng pagsisisi niya at ang pagsusumamong sana ay mapatawad namin siya. Binasa ko iyun hanggang dulo at mukhang sincere naman siya sa sulat na iyun pero napatawa lamang ako ng mapakla at galit na yumuko sa kaniya. Naka-wheelchair kasi siya. Dahan-dahan kong pinunit ang sulat sa harap niya.
"Walang kapatawaran ang ginawa mo, pasensiya ka na dahil hindi ako diyos." Huling sambit ko bago ko siya iniwan ngunit mabigat ang puso ko habang paalis doon. Matagal bago ko siya mapatawad, tao lang ako, mahina, nagkakamali. Alam kong gagaan ang pakiramdam ko kapag nagawa ko na siyang patawarin pero bago mangyari yan ay kailangan ko munang aralin kung paano gawin yun at kailangan ko munang gamutin ang sarili ko mula sa mapanlinlang kong utak.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
