EPILOGUE

1.4K 47 115
                                        

A/N:

Halo! Halo! Pasensiya na kung natagalan ang Epilogue. Na busy kasi mag diamond painting si manunulat-22  tsaka may ibang tungkulin pa ako. Sorry na mga maem, ito na po last na at sana abangan niyo ang karugtong ng yugtong ito. Hanggang ngayon ay fresh pa rin sa isipan ko na kasing fresh ko, hooy! Yung mga bumasa mula umpisa hanggang huli ay sobrang nagpapasalamat ako sa inyo. Thank you! Thank you! Thank you po! Walang katapusang pasasalamat sa suporta niyo. Di ko ini-expect na bebenta ang gawa ko. Na expire ako ng very very high! Salamat po sa inyo guyses hanggang sa mga susunod pang mga storyang ikakatha ko.
Mabuhay kayo mga bading!
Thanks for reading ⚠️
Read at your own risk🔞🔞🔞

Behind Everything

Agad na nahinto ang tilian nila nang may makasalo na ng bulaklak kaya napalingon ang lahat sa kung sinong nakakuha nito. Nagulat ako ng paghawi ng mga girls ay si miss Alicia ang tumambad. Si Ms. Alicia ang nakasalo ng bulaklak. Nakangiti siya habang hawak ito.

"I'm married." Rinig kong turan niya at nakangiting ibinigay na lamang ang bouquet kay Api. Siguro accidental lang na nasalo niya iyun. Nakita ko kasama niya si sir Clarke. Agad ko namang sinalubong siya ng may excitement.

"Sir Clarke!" Tili ko at kahit nakagown ako ay talagang inangat ko yun at tumakbo patungo sa kaniya at kinawayan ko ang dalawang bakla para salubungin si sir kasama ko. Halos matumba si sir ng kaming tatlo ay umangkas sa kaniya para yakapin siya.

"SIR!" Tili namin at napapatalon pa sa harap niya dahil masaya kaming makita siya.

"Aray!" Reklamo naman niya. Siguro nabibigatan na sa amin. Pinitik isa-isa ang noo namin.

"Hi Ms. Alicia!" Bati ko naman sa beautiful wife niya at binesuhan ito.

"Hi!" Bumeso din siya pabalik.

"Sorry late na kami nakarating, we planned na sa reception na lang sana kami dadalo pero Alicia wanted to come here. Wow grabe, dalawa na sa mga student ko ang ikinasal." Puri ni sir sa amin.

"Coming soon ako sir." Sambit ni Jussien.

"I'll be expecting an invitation too." Turan ni sir.

"Of course at di ako papakabog sa dalawang to." Tinarayan pa kaming dalawa ni Ked.

"Oh siya sir ipagpatuloy na lang natin ang kwentuhan natin sa reception. Baka mainis misis ko." Sambit ko at nagpaalam na sa kanila. Lumapit na ako sa nakabusangot kong misis.

"Took you so long?" Natarayan na nga ako at nauna ng naglakad sa kotse. Luh, nagmamaldita na naman. Sumunod naman agad ako sa kaniya at hinila ko siya patungo sa aki, inilagay ko ang isa kong kamay sa mukha niya at siniil siya ng halik. Nagsitilian naman ang mga taong nakakita sa amin at sinabuyan pa kami ng mga bulaklak.

"Nakalimutan nating kasama pa ito sa ritual. I love you." Turan ko at bumalik na nga ang ngiti sa kaniyang labi. Ako naman ang hinawakan niya sa beywang at binaliktad ang posisyon namin. She bent me over just to kiss her dear princess, a kiss with deep love.

"I love you too." Sagot niya.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw nila. Nakangiti kaming nakatingin sa kanila. Sobrang saya talaga ng pamilya. Agad na kaming sumakay ng kotse nun ni anti habang kumakaway na papalayo sa mga tao.

"Chen." Tawag niya sa akin at sinalubong niya ako ng kaniyang ngiti pero napawi din agad yun at nanlaki pa ang mga mata niya na nakatingin sa akin na animo'y nagugulat.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Your nose is bleeding." Turan niya na naaalarma na rin at naramdaman ko na nga ang tumutulong likido sa ilong ko. Kaya napahawak na ako dito hanggang sa makita kong tumulo na nga ito sa gown ko hanggang sa dumami na ito.
"Chen!" Alarmang turan ni anti kaya napatingin na ako sa kaniya habang hawak ang ilong ko na walang tigil ang dugo sa pagdaloy at pagkakita ko kay anti ay sobra akong nanginig dahil nasa likod niya si Chazzny, hawak niya si anti habang may nakatutok na kutsilyo sa leeg nito. Sobra akong nagulat at napatingin naman ako sa unahan ng kotse, naroon si Api sa unahan nakaupo at si Jussien naman ang nagda-drive. Nakangisi silang nakatingin sa akin na parang may masamang binabalak sa aming dalawa ni anti, habang umaandar ang kotse papalayo sa mga tao. Pagtingin ko ulit kay anti ay hiniwa na ni Chazzny ang leeg ni anti kaya di ko na napigilan pang sumigaw.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now