CHAPTER 25

2.2K 118 137
                                    

A/N:
Shout out sayo uli @ixy alam mo na kung sino ka, hirap imemorize at ispelling ng username mo. Sorry.
This chap sa mga hindi delulu, kung delulu ka eh wala na talaga tayong magagawa.
Enjoy reading!
Warning ⚠️ ⚠️ ⚠️

Confession Gone Bad

ALORA'S POV

Dalawang araw na ang lumipas simula ng sagutan namin ni anti na humantong sa hindi magandang pangyayari, narito ako ngayon sa aking silid para mag-impake dahil natapos na rin ang trip namin. Uwian na para sa lahat. Sila nag-enjoy samantalang ako wasak. Di ko alam basta't lumipas na lang ng napakabilis ang araw at napakaraming nangyari sa nagdaang araw ng hindi inaasahan. May mga pangit na naranasan ngunit nangingibabaw ang mga memoryang di na kailanman makakalimutan.

Dalawang araw mula ng mangyari ang di inaasahan sa pagitan namin ni anti, di ako makapaniwalang nagawa ko yun. Di ko alam kung nagsisisi ba ako o hindi pero parang siya ay nagsisisi. Pinaparamdam na niya iyun sa akin matapos na mangyari yun at hanggang ngayon, di naman ako tanga para di ko mahalata ang mga kilos niya at di ko rin alam kung bakit nasabi ko sa kaniya ang mga katagang yun ng hindi man lang napag-isipan pero sigurado akong di ako masiyadong lasing nun dahil alam ko ang ginagawa ko ng gabing yun. Di ko lang maintindihan na imbes na bigyan niya ako ng malinaw na sagot ay iba ang ginagawa niya. Binibigyan niya ako ng nakakalitong sagot sa pamamagitan ng mga kilos niya na hindi ko nakasanayan.

"Al!" Naalis ang aking pagmumuni-muni ng may kumatok sa pinto.

"Pasok bukas yan!" Saad ko. Bumukas ito at pumasok si Primo.

"You need help? The bus is ready." Sambit niya.

"Tapos na ako mag-impake, nakikita mo di ba? Papasara na ako ng zipper oh." Biro ko sa kaniya at dahan-dahan ko pang pinakita sa kaniya ang pagsara ko ng zipper ng aking maleta. Napailing naman siya.

"I mean do you need help carrying it?" Saad niya habang nakangiti. Gentleman as always.

"No thanks. Wag mo ko gawing embalido baka maging dependent ako sayo." Biro ko ulit pero may kunting katotohanan at parinig yun. Actually nagkasagutan din kami ni Primo nung party pero naayos naman din agad.

Flashbacks.

"Al! Can we talk?" Tanong niya nung nakita niya akong lumabas mula sa kwarto ni anti.

"Primo please bukas na." Saad ko at nilagpasan siya pero hinawakan naman niya ang pulsuhan ko.
"Primo ano ba?!" Frustrated ako nun dahil kay anti at dumagdag pa to.

"I like you!" Ngayon ka talaga nag confess, naamoy ko ang alak sa hininga niya kaya alam kong di to ang magandang pagkakataon na mag-usap kami.

"Primo lasing ka na." Paalala ko sa kaniya.

"Even if I'm sober I'm still saying the truth." So tama nga ako ng hinala. Lahat ng kagandahang loob na pinapakita niya sa akin akala ko ay out of friendship lang pero di pala.

"Primo magpahinga ka na muna at bukas na muna tayo mag-usap." Mahinahon kong pakiusap sa kaniya.

"No. I already tell you my feelings, I need you to answer me now." Nako!

"Primo lasing ka na!" Kanina naiinis lang ako eh ngayon galit na.

"I know but I like you!"

"Ano ba gusto mo?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya at iwinaksi ang kamay niya mula sa pulsuhan ko. Di ako sanay na ganito siya sa akin ngunit naiintindihan ko dahil lasing siya at dahil diyan di na talaga niya naitago ang totoong nararamdaman niya para sa akin.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now