A/N:
Medyo short this chaps pero sana like niyo pa rin pero di pa rin kayo like ng like niyo.
Enjoy!Her Struggles
Habang nagkakasalubong ang aming mga mata ay di ko magawang umiwas man lang. May parang kakaibang damdamin ang dala ng titigan na iyun. Parang isang magnet na hinihila ako papunta sa kaniya, ako'y titig na titig lamang sa kaniya at ganun din siya sa akin. Ano ba itong nangyayari?
Ano ba itong nadarama?
Oh shocks ito'y pag-ibig na-ah!
I'm currently listening to Pantropiko by BINI.Yun bang parang gustuhin mo mang umiwas sa malalagkit na titig na yun pero parang di naman ginagawa ng iyong katawan. Dini-deceive ako ng sarili kong katawan at puso. Gustong gusto nang umiwas ng utak ko ngunit talagang masasabi kong ang puso ko talaga ang may kontrol lahat ng nerves na mayroon ako. Tumagal pa iyun ng ilang minuto at nang mapatingin siya sa aking labi ay doon na ako natauhan. Ano yun?
"Ah na-n-nakalimutan ko palang hugasan ang tupper." Sambit ko at agad na tumayo at dire-diretso sa pagpunta sa kusina. Pagkarating ko roon ay agad akong napahawak sa lababo. Walang hugasan roon, malamang. Kailangan magsinungaling. Pero.....What had just happened? Mapapa-English na lang talaga ako sa nangyari. Talaga bang tumingin siya sa aking labi na animo'y may pagnanasa o namamalikmata lang ako? Ngunit sure talaga akong bumaba ang tingin niya sa labi ko.
"Gising Alora." Sabi ko sa aking sarili sabay sampal ng sampal sa mukha ko. Di pa ako nakuntento ay naghilamos pa talaga ako ng mukha. Pagkatingin ko sa salamin sobrang pula na ng pisngi ko na parang sumali sa get ready with me ni sassa gurl. Inang to. Kumuha ako ng tissue at pinahid pahid ang mukha ko pero di talaga matanggal. Di naman siguro ito dahilan ng pagsampal sampal ko kasi mahina lang naman yun, kaya pala ang init ng pakiramdam ko sa pisngi ko, namumula na pala. Bwakang-inangshit naman kasi itong si anti! Parang tanga.Di muna ako lumabas ng banyo ng ilang minuto, nagpakalma muna ako ng sarili. Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay bumalik na ako sa sala. Naabutan ko siyang kumakain pa rin ng popcorn pero kunting kunti na lang habang nanonood ng blank the series. Di na talaga maitatago ang kabaklaan ng babaeng to kaya ako ang kinakabahan. Nanganganib pala ang buhay ko rito, may posibilidad na mainlove ang antipatikang to sa akin. Oh no! Oh My God! Save me Lord. Ayokong mag-assume pero di naman natin alam ang mangyayari sa mga susunod na araw eh. Ngunit confident ako sa sarili ko na di talaga ako maiinlove sa kaniya tapos siya ang mafo-fall. Mas lalo lamang akong maiinis kasi yung dating away namin ay magiging bati na, agad. Magsisimula na siyang magpapakumbaba sa akin tapos lagi ng aakuin na mali siya, aawayin ko siya pero okay lang sa kaniya at siya pa itong magso-sorry. Nako! Nagiging lame na, iniisip ko pa lang. Tsk.
May isang CEO ng isang napakalaking kompanya na patay na patay sakin. Headline. Jusko! Ang hirap talagang maging charming. Dahan-dahan lamang akong lumapit sa sala na parang isang hangin lang na dadaan at umupo na.
"Why are you staring at me like that?" Hala kanina pa pala ako nakaupo at kanina pa pala ako titig na titig sa kaniya. Pero nakatayo pa ako kanina eh, ano ba ang nangyayari sa akin? Anong effect to mga boss? I-comment niyo nga. Agad ko namang inilihis ang ulo ko sa TV pero ang katawan ko'y nakaharap pa rin sa kaniya. Hindi ako tumitingin sa kaniya no? Ang mata ko lang at hindi ako.
"Wala naman. Iniisip ko lang kung paano ka i-salvage." Kailangan galit ako sa kaniya, LAGI. Hindi yung biglang magiging sweet. Eww! Di ko keri.
"I thought your falling for me." Agad na nag 90° ang ulo ko paharap sa kaniya with shocked face. Nabasa niya ba ang utak ko? I mean, I'm not falling for her ha, kundi yung mga contradiction na pumapasok sa utak ko.
"My God anti! Saang palengke mo nabili yang confidence na yan? Kapal ah." Kasasabi ko pa lang sa utak ko na hindi ako mafo-fall sa kaniya pero ito siya ngayon super confident. No way! Hindi talaga ako mafo-fall sa kaniya.

YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomansaNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...