A/N:
Hello! Hello! Sorry natagalan, na busy lang ang otorism niyo. Filing of COC ngayon eh. Clash of Clans, eme!
Maraming nag-abang kaya mag-update na.
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Caught In Action
"Hello sa mga narito ngayong araw. Gusto ko lang magpasalamat kay Ked sa pagdating sa buhay ng anak ko. Nakita ko talaga kung paano ka nagbago nung nasa poder ka na nila Linda at Esme. Salamat din sa pagpapaaral kay Alora, Ked." Si nanay parang tanga pero thankful nga kami kay Ked. Super duper, as in.
"Tatanawin ko talaga itong isang napakalaking utang na loob mula sayo. Congratulations sa inyo." Pasasalamat at bati ni nanay sa newlyweds. Sure akong na touch yan sa sinabi ni nanay, mababaw lang puyo niyan ni Ked eh lalo na sa mga nanay namin. I'm so proud of my best friend. Pangarap niya lang to dati na magkapamilya tapos financially stable din pero sobra sobra pa ang dumating sa kaniya. Sa mga hirap na pinagdaanan niya ay grabe ang balik sa kaniya ng biyaya. Di ko akalaing ang kaibigan kong kumag na parang binagsakan ng langit at lupa noong una ko siyang makita eh ngayon may sarili ng pamilya at anak at millionaire pa. Sana all talaga. Di ko na inspirasyon si Henry Sy, itong best friend ko na.
"To my beloved sister, Ashley. I'm proud of you." Ay si anti na ang nagsalita, kailangan makinig tayo. Bat kinikilig ako eh di naman para sakin ang message? Nagagandahan ako sa boses niya samantalang noong una eh paghinga pa lang niya eh parang gusto ko nang takpan ears ko. Damn it Alora!
"Despite of our parents loss you didn't loss hope. You fight with me. I did things that are pretty painful for you. I'm sorry. You did good in life more than me. Mom and dad would be so proud of you. We are filled with joy as we celebrate this special day with you. As you and Ked embark on this journey of marriage, remember to cherish each moment, to laugh often, and to always be there for each other. I wish you a lifetime of love and happiness." Ang ganda ng sinabi niya ah, parang love expert pero pagdating sakin di makapagsabi ng matatamis na salita kundi nilalamutak agad ang labi ko. Ay eme! Hahahaha! Totoo naman!
"Ked I'm watching you." At nagbanta pa.
"Congratulations on your wedding!" Dagdag niya. Pagkatapos ni anti ay sumunod ang daddy namin ni Ked. Oo maki-daddy na rin ako baka kasi may chance na pamanahan niya rin ako ng malaking kompanya. Imagining lang ganun. Pagkatapos niya eh si Jussien na ang sumunod.
"Hi ma'am congratulations. Kaya pala ang tataas ng grades ni Ked sa inyo dahil mmmmm... joke lang po." Gago pero I like the punch line.
"Anyways natupad na din ang will of fortune mo Ked, salamat dahil naging kaibigan kita. Isinali mo ako sa circle of friends niyo ni Alora kahit di naman talaga circle kasi dalawa lang kayo." Sus kung di ka pa bakla, di ka rin naman maisasali namin. Nagkataon lang.
"Sakto kompleto na ang Powerpuff girls pero di ko pa rin nakakalimutan ang pag sapak mo sakin." Aysus nagdamdam pa siya eh siya naman yung may kasalanan nung time na yun.
"Masaya ako sayo friend. Tsaka marami na kaming bata na makikidnap ni Alora mula sayo." Nagtawanan naman kami. Totoo yun, binalak na talaga namin yun. Yung papakabahin namin si Ked dahil isa isang magkakawalaan ang mga anak niya sa mansion niya tapos nasa amin lang pala ni bakla.
"Mahal ka namin ni Alora and we will always be there for you kapag kinakailangan mo kami lalo na sa chismis. Ay speaking of that may nasagap na naman ako bakla pero mamaya na." Ang dami talagang naisisingit ng baklang to. Basta chismis is game na game talaga kami. Pag nagsimula na ng 'ito na nga' ay alams na.
"Pasabi nga pala ni sir Christopher, nagtatanong kung anong gayuma daw ang ginamit mo at nakaapat ka?" Walang seryoso samin kaya asahang ganito na talaga kami katakas sa mental. 3 idiots kami ng Pinas.
"Sabihin mo ecstasy, good item." Nagsipaglingunan naman sila kay Ked matapos niyang sabihin yun. Nasobrahan sa vaccine tong kaibigan ko. Di magandang biro yun para sa mga close minded. Nakurot tuloy ni ma'am Ashley at Allison sa gilid si Ked. Kelan kaya ako makukurot?
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomansaNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
