A/N:
Happy happy happy birthday! Sayo ang inuman, sayo ang pulutan🎶 Sana may shanghai rin tsaka spaghetti 🎶 Happy birthday sa mga ipinanganak ng July. Nag advance na ako ng bati kasi last day na lang din naman ng June.
Enjoy reading!
Warning ⚠️Shared Moments
Totoo ba to? For real? Di ako nananaginip? Di naman ako nanalo sa swertres lotto, di rin ako sumali ng wowowin para makakuha ng kotse. Binibigay niya talaga to sakin? Anong klaseng hangin ang umihip sa kaniya at naisipan niyang ipagbili ako ng ganito? Di ako makapaniwalang nakatingin dito habang kumikinang pa sa pagkabago itong kotse. Dalang-dala na ako ng kasiyahan at gusto ko na sanang tumakbo patungo rito kasi siyempre bago eh, kahit sino naman pangarap ang magkaroon ng ganito pero di ko itinuloy ang balak kong iyun ng may maisip. Alam kong may iba eh. Baka may hidden agenda siya. Lumapit ako sa kaniya bago siya pinaningkitan.
"Anong kapalit nito anti?" Tanong ko. Alam ko kasing may hidden agenda siya, alam na alam ko na ang ugali ng babaeng to. Di naman basta basta nagbibigay to lalo na at kotse to, mamahalin at di basta basta na nakikita lang overnight ang pera pambili nito, pwera na lang kung nagbebenta ng firearms or drugs ay sure ball, alam kong may gustong makuha to mula sa akin kaya ito nagbibigay ngayon. Panigurado yan.
"Don't get ahead of yourself. I just want you to learn how to drive so that you'll drive for me from now on coz I don't want to drive for you during your whole year with me. I'm the boss not your driver." Sagot niya. Ay weh? Yun lang ang gusto niya? Para namang di kapani-paniwala yang sinasabi niya, knowing anti. Nako! Dudasyon ako diyan.
"Sabihin mo na, wag ka nang mahiya. Ano talaga kapalit nito?" Pag-iinsist ko. Pigain lang natin dahil alam ko meron pa talagang mas idedemand pa siya maliban sa pagiging driver ko.
"Shut up." Saad niya at tumungo na sa kotse at walang anu ano'y tinanggal ang ribbon. Gagi talaga oh.
"Anti naman di ko pa nga yan napipicturan eh, tinanggal naman agad, send ko lang kay nanay." Kairita. May pang clout na sana ako sa IG ko with the caption 'my first car'. Ang KJ naman ng gaga. Inikutan naman niya ako ng mata habang inilalagay ang ribbon sa basurahan roon at hinila ako papalapit sa unahan ng kotse at siyay lumayo ng kunti bago kunin cp niya sa bulsa niya at iniangat ito. Wow. So siya ang kukuha ng picture sakin? Ay iba.
"Wait. Marunong kang kumuha ng picture?" Saad ko. Duda din ako rito. Parang selfie lang alam niya eh."Duh!" Pagtataray niya at ready na akong kunan.
"Baka maging nuno ako niyan sa punso ah, ayusin mo pag picture." Paaalala ko. Di pa naman ako satisfied sa mga ganyang klase ng pagpicture pag iba ang nagpipicture sakin. Gusto ko talaga Instagrammable. Aesthetic, ganun. Inikutan niya lang ako ng mata ulit kaya bago pa man mag-iba isip ng anti niyo ay pumwesto na ako sa unahan ng kotse at nagpose. Sana lang talaga di ako magmukhang scarecrow sa mga kuha niya.
"Done." Turan niya. Wala man lang ka effort effort sa pagpicture. Nakakainis.
"Ha? Eh dalawang click mo pa lang eh. Damihan mo pa para maraming choices. Dali." Utos ko. Siyempre ako ngayon ang boss dito at kasalanan naman niya kasi siya ang nag offer na picturan ako. Roll of the eyes lang ang ginawa niya at pinicturan ulit ako at kung anu ano namang pose ang ginawa ko beside the kotse. Siyempre savor the moment na din si akes kasi bagong bago ang kotse ni kempampahuros. Nung iritado na si anti at ako'y na satisfied na rin sa dami ng kuha niya, sana lang ay magaganda yung mga kuha niya. Di mga engot.
"Patingin." Ani ko. Di ko naman aakalaing ibibigay niya agad ang cp niya sa akin. Tiningnan ko ang mga iyun at ako'y sobrang disappointed sa mga kuha niya. As expected.
"Anti ano to? Nagmukha akong standee sa mall. Ang pangit." Sabi na nga ba. Wag talaga aasahan ang mga anti na kukuha ng picture sayo dahil sayang lang mga posing mo. Kaya dapat na ihiwalay na talaga ang social media ng mga matatanda, ay eme!

YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...