A/N:
Good morning mga ka-Shaloras. Sorry sa late update, busy days. Sobrang na occupied pero bumabawi naman. Salamat sa mga nagbasa at sa magbabasa pa. Salamat sa walang sawang suporta, teka iiyak muna ako. 5,4,3,2,1. Ayan tapos na, okay na. Basa na kayo. Advance, advance Merry Christmas everyone!
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Demise
Dalawang araw na ang nakalilipas, hinahanap pa rin namin si anti, simula ng magising ako ay siya agad ang unang hinanap ko. Nailigtas pala ako nila sir Brown dahil sila pala ang nakahanap sa kinaroroonan namin. Natagpuan nila akong palutang-lutang sa ilog na walang malay. Nailigtas din niya sila Ked at ma'am ngunit hindi si nanay dahil nakuha pa rin siya nila Chazzny. Dalawang taong importante sa buhay ko ay nasa kapahamakan pa rin.
Ang sabi nila, nang makita nila akong nasa may pampang na ng ilog ay agad nila akong nirespunduhan pero hindi nila nakita ang katawan ni anti na palutang-lutang roon. Para sa akin ay imposible namang di nila nakita o makita, eh halos magkasunod lang kaming inanod ng tubig ni anti ngunit hindi talaga daw nila nakita ito. Kinutuban akong baka nakuha si anti nila Chazzny.
Pinaghahanap na ngayon ng awtoridad si Chazzny at ang buong organisasyon nito at ako naman ay bumalik sa lugar kung saan kami dinala ng hinayupak na babaeng yun, partikular doon sa ilog. Dahil hindi talaga ako matatahimik hangga't di ko nakikita si anti, wala akong pakialam sa kapahamakan na nakaabang sakin sa lugar pero ang sabi ng mga pulis at ng mga local doon ay wala na raw doon sila Chazzny.
"Pabalik-balik na natin siyang hinahanap dito Al." Reklamo ni Ked na nakabusangot na ang mukha. Siya kasi ang isinama ko para maghanap. Gusto ko naman talagang mapag-isa sa paghahanap kaso nag-insist ang gaga na samahan ako dahil baka ako naman daw ang mapano.
"Hindi pwedeng gumive-up na lamang ako Ked sa paghahanap sa kaniya, alam kong buhay pa siya." Turan ko naman. Ayokong mawalan ng pag-asa.
"Pero dalawang araw na tayong naghahanap, wala pa rin." Ani naman niya.
"Nasisiguro kong buhay pa siya at kung ayaw mo na akong tulungan ay okay lang naman Ked. Hindi naman kita pinipilit na samahan pa ako rito." Dahil sa inis ko sa kaniya ay umuna na akong naglakad.
"Al! Al!" Tawag niya pero di ko siya pinakinggan. Naglakad ako ng naglakad habang sinusundan ko ang ilog, di ko alam kung saan ang dulo nito pero sinundan ko pa rin ito. Sumusunod naman si Ked sakin at di ko lang pinahalata na naririnig ko ang pagsunod niya sa akin.
"Di ko naman mini-mean na mag give up na tayo sa paghahanap, what I mean is baka wala na rito si ate. Di ba nga naghalughog na ang mga kapulisan dito, wala nga daw." Katwiran pa niya kaya hinarap ko siya ng may irita sa mukha.
"Nakakatawa ka, so ngayon naniniwala ka na sa mga pulis? Bigla na lang lumakas ang tiwala mo sa kanila samantalang ikaw itong nagpasimuno sa isipin na wag magtiwala sa kanila." Saad ko naman at tinarayan ko siya sabay talikod at lakad.
Nakakapagod na talaga dahil sa paglalakad naming ito mahanap lang siya, ngunit wala kaming Shana na nakita, mukhang tama si Ked pero ayokong bumigay muna. Alam ko na mahahanap din namin siya, kunti na lang, nung magtatakip-silim na ay doon na talaga ako sinita ni Ked.
"Ang daming lamok." Reklamo ko sabay hampas sa aking katawan kung saan dadapo ang mga lamok.
"Al, pagabi na. Uwi na tayo." Reklamo niya at kunwari ay gulat akong nakita siya.
"Ay nandiyan ka pa pala?" Pagkukunwari ko. Naiinis kasi ako sa kaniya eh.
"Kagubatan na ang dulo nito Al, dagat na ang kasunod nito, magpapatuloy ka pa rin ba?" Saad niya.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomansaNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
