A/N:
Another chapter for the week. Medyo tagilid ang braincell ko ngayon pero sana magustuhan niyo pa rin to dahil kung hindi.....edi wag.
Enjoy reading!
Warning ⚠️Calm Before the Storm
"Anong ginagawa mo rito?"
"What are you doing here?" Sabay naming sagot pero iba naman ang language. Siyempre pure pilipino ako eh, ewan ko sa isang to baka may half to, half engkanto. Nagtataka lamang kaming nakatingin sa isa't isa.
"Obvious ba? Ganito ang outfit tapos basa, so ano nag welding? Sumali ako sa triathlon te." Di ko maiwasang di mairita sa lalaking ito dahil sa ginawa niya sa mga reports tsaka yung pagsisinungaling niya sa akin. Di ko din alam kung saan niya hinuhugot ang kapal ng mukha niya na harapin si anti na parang wala lang.
"Eh ikaw?" Tinaasan ko naman siya ng kilay."Sumasakay ng elevator." Aba't pinilosopo pa talaga ako. Ah ganun, pilosopohan pala to.
"I'm looking for Sha, I know she misunderstood me about it but I'm here to apologize not because of what she knows that she believed that I did but obviously I didn't. I'm also concerned about her state right now after I heard the news." Paliwanag naman niya. Di ba ang kapal? Nako! Fake yan kasi heard daw di niya mismo nakita."Okay lang naman kami ni anti, kasi ano ba naman yung pagsabog na yun, di ba? Maliit na bagay." Pamimilosopo ko pa rin. Parang pag pop lang ng air balloon.
"Where is she right now?" Aysus. Di ko nga sasabihin.
"Malay ko di ko naman siya dala dala." Pagtataray ko pa sa kaniya.
"Look. I know you have grudges about me." Buti nahalata niya.
"But I'm not what your thinking, you probably heard some nonsense rumours about me but I can guarantee you I'm not that kind of a guy." Talaga lang ha? Sabihin niya yan sa ninuno niya baka dun paniwalaan siya."Pano mo nalamang dito siya nakatira?" Stalker siya masiyado ah.
"She told me." Ay ganun? Sinabi naman pala ng gagang anti. Ay bahala na nga siya sa buhay niya.
"Is this your kids?" Galit naman akong napatingin sa kaniya ng punain niya ang mga batang hawak ko. Anak ko? Gago."Di ah. Kebata-bata ko pa." Naiirita kong turan. Hindi sa ayaw ko ang mga batang to, ang ko-cute nga eh pero kasi di naman to akin, sobrang hipokrita ko naman kung aangkinin ko at di ko pa deserve magkaroon ng chikiting dahil di pa ako financially stable at ready. Ang dami talagang ma issue na nakapaligid sakin, tamaan sana kayo isa isa ng kidlat.
Naalala ko tuloy yung mga chismosa naming kapitbahay na ma issue rin sa Sahara. Yun, solid na mga chismosa talaga ang mga yun, talo pa ang CNN. May ka-barangay kami roon na nagdala ng lalaki, nagdala lang yun ah di pa confirm kung anong relasyon niya sa babae, yun ay classmate pala at bakla pa ang lalaki pero ang isyu jowa at buntis na daw. Di ba? Super unreliable sources. Ang advance ng mga bwisit. Pinapagalitan talaga ako ni nanay lagi kasi di ako nakakatiis, talagang binabara ko pag ako nakakarinig sa chismisan nila. Bat ako narating sa topic na to? Eh basta, sabihin ko na muna kasi nanggigigil ako sa mga ganyan eh.
Let me take some recap.
"Grabe naman yang si badong halos nilahat na ang katawan sa tattoo." Chismosang kapitbahay number 1.
"Kaya nga nagmistulang mural na ang katawan. Jusmeyo. Kala mo naman ikinagwapo niya." Chismosang kapitbahay number 2.
"Kaya ikaw Alora wag kang papatattoo ah kahit kaunti pa yan. Kahit pa sabihing art pa yan dahil hindi magandang may tattoo." Chismosa kapitbahay number 1. Ang peperfect. Sinaway pa talaga ako.
"So sticker lang po yang kilay niyo te?" Puna ko sa umaatikabong tattoo niyang kilay. Napatakip naman siya rito. Ang gagaling mang-mind ng ibang tao, di na lang isarili ang komento. Nahiya pa ang tattoo niyang kilay. Edi na sabon ko siya.

YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
Roman d'amourNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...