CHAPTER 33

2.7K 106 124
                                        

A/N:
Hi! Hi! Hi! Everybody! Oo na sobrang late ako, matagal akong nawala, matagal akong nag update. Paki niyo?! Ay hindi, hindi ginaganyan ang mga single na nagbabasa. Mabuhay pa rin kayo kaya ito na nga. Bumasa ka ha?
Enjoy reading!
Warning ⚠️

Visitation

ALORA'S POV

Na curious ako ng makita ang gift box na hawak ni anti ngunit wala siyang ideya kung kanino galing ito. Nagawa ko pa talaga siyang asarin na meron siyang secret admirer dahil sa gift box na yun eh sa huli ako lang din naman ang nasaktan. Saklap. Binuksan ko na ito kasi curious nga di ba ako sa kung anong laman nito, nagseselos eh at ng nanlaki ang mga mata ko at agad ko na itong naitapon. Shit!

"Why?" Takang tanong naman niya at napasinghap din siya ng makalapit sa akin at ng makita ang laman ng gift box. Isang vodoo doll na may nakadikit na picture ng mukha ko sa ulo nito habang nakakalat ang dugo sa loob ng box tapos may munting kutsilyo pa na nakatarak sa puso nito. Sinong gagawa nito?

Matagal bago ako nakarecover sa nakita ngunit pinulot ko ito habang kinikilabutan sa nakikita, may halong takot na din. May nakapa akong nakadikit na card sa ilalim ng box, di siya halata nung una kasi sa dami ng dugo sa loob pero nung tinutukan ko ng mabuti ay nakita ko ito. Kinuha ko ito at binuksan.

'Wrong move Ms. Galvez.'

Ito ang mensaheng naroon na nakasulat kaya nagkatinginan kami ni anti sa isa't isa.

"Let's keep this a secret from the family okay?" Ani niya na alam kong natatakot na din at nababahala, kinuha niya mula sa akin ang gift box pati na ang card. Medyo naninginginig ang mga kamay ko sa kaba. Binigyan ko naman siya ng tingin na 'kailangan ba talaga nating itago to?'
"We'll explain later to them kapag na solve na natin to. Hmm." Paliwanag niya. Para sa akin ay mas maraming man power kung mas marami ang may alam ukol dito pero mas marami ding mapapahamak kapag ganun. Palagi yan. Kaya mas mabuting ganito na nga lang muna. This time mag-a-agree ako kay anti. Akala ko eh hanggang doon na lang sa insidente sa condo niya matatapos ang lahat ng misteryo ngunit mukhang di pa rin pala tapos. Nagsisimula pa lang pala ang lahat. Mukhang target talaga kaming dalawa nitong taong to. Malakas ang kutob ko na konektado lahat ng ito at alam kong kilala ito ni anti ngunit di niya lang masabi-sabi sa akin. Kung tama ang hinala ko eh kailangang mag-ingat na talaga ako o kaming dalawa. Di ko man batid kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin para sana'y matulungan ko siya eh nirerespeto ko na lamang din ang desisyon niya. Alam kong sa huli ay sasabihin din niya kung sino ito.

Nawalan tuloy ako bigla ng gana na umuwi muna dahil sa nangyaring iyun. Ikaw ba naman padalhan ng isang banta, di ka kaya matakot para sa buhay mo? Bata pa ako at di ko pa nababayaran ang utang na loob ko kay nanay kaya di pa ako pwedeng mamatay tsaka kailangan ko pang tuparin ang pangako ko kay ma'am Ashley na poprotektahan ko ang ate niya kaya naman naisipan kong pumunta muna sa Sahara kahit pa malayo ito. Gusto kong makita si nanay bago bumalik sa siyudad. Aside sa nag-aalala ako ay namimiss ko na din ang ina kong yun, ina niya eh.

Akala ko umuna ng umuwi si anti pero laking gulat ko na lang na nakasunod na pala ito sa akin. I mean sa umuwi eh, bumalik na ng city.

"Bakit?" Tanong ko nung palabas na ako mansion.

"Aren't you going to your nanay?" Tanong niya. Tiningnan ko naman ang outfit niya, mukhang may iba tong plano ah.

"Wag kang mag-alala di ako mambababae doon." Masiyadong malisyosa to eh kaya unahan ko na.

"It's not that. You're not that brave." Panliliit niya sa akin.

"Wow ha, edi subukan natin." Ako pa talaga hinahamon niya.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now