A/N:
Enjoy reading!
Warning ⚠️Cats and Mouse
Napakatahimik ng paligid na siyang bumabalot sa amin, habang kami'y nagkakasukatan ng mga tingin. Titig na walang putulan. Magkaharap kaming nakaupo sa hapag kung saan nakalatag ang mga pagkain na niluto ko sa isang kamay lang. Isang kamay ko lang kasi ang baldado. Di naman si anti masiyadong makatingin sa akin ng diretso dahil yun nga, nararamdaman na niya ang guilty. Ay dapat lang. Dapat lang. Dapat lang talaga.
"Kumain ka na muna bago pa lumamig ang pagkain." Pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan namin. Naiinis pa din ako.
"No thanks. I'll go." Sagot naman niya at akmang tatayo.
"Umupo ka at kumain." Madiin ko namang utos at talagang ramdam sa boses ko ang iritasyon kaya agad naman siyang napabalik at inikutan ako ng mata. Susunod naman pala eh, aarte pa.
"Pinaghirapan ko yan kaya kainin mo." Dagdag ko. Nakakainis siya. Tatanggihan na naman niya ang kagandahang loob ko ngayon gayong pinurwisyo niya ko kagabi. I won't let her go out of this. English yun."Sino ba ang nagsabi sayo na ipagluto mo ko?" Saad niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko. Wala man lang bang appreciation sa buong buhay niya? Di niya ba alam ang katagang yun?
"Kumain ka na lang kasi!" Medyo napataas ang boses ko kaya sinubukan ko namang kumalma. Baby kalma!
"What happened last night?" Imbes na sundin ako yan talaga ang itinanong niya.
"Kumain ka bago ko sagutin yang tanong mo." Ani ko na naka-cross arms sa harap niya. Parang nanay lang niya na tinatantsa bawat magiging sagot niya, pagnagkamali siya ng sagot ay malilintikan siya. Ewan ko din ba sa sarili ko, naiinis ako sa kaniya. Pwede ko naman sanang pabayaan na lang siya kung kumain man o hindi pero ipinagluto ko pa rin siya. Hayst! Aakto na lamang tayong mas may kapangyarihan tayo sa kaniya para di makapalag. Kinuha na niya ang kutsara at sinandok ang sabaw na ginawa ko para sa kaniya pagkatapos ay awkward na tumingin sa akin kaya lumaban din ako sa titigan no.
"Pampatanggal yan ng hang over." Paglilinaw ko sa kaniya kung di niya alam na nalasing siya kagabi. Nagpatuloy na rin siya sa paghigop, indicating na nasarapan siya sa luto ko. Alam mo naman yung Pilipino, sasabihing di masarap pero panay ang sandok."Just tell me what happened last night." Tanong niya ulit pero andun pa din sa boses niya ang pagiging antipatika. Kailan pa ba yun nawala? Personalidad na niya iyan. Ang kulit kulit, di na lang muna ubusin pagkain niya bago magdada.
"May nangyari sa atin." Biro ko kasi napakakulit eh. Naibuga lang naman niya ang nahigop na niyang sopas sa harap ko kaya nagsitalsikan ito sa mukha ko at ako'y napapikit dahil dito. Putek naman oh! Umuubo siyang di makapaniwala sa sinabi ko at uminom agad ng tubig. Sinukahan na nga niya ako kagabi tapos ngayon senigundahan pa talaga. Inabot ko ang tissue paper na nasa mesa at iritadong nagpahid ng mukha. Grabeng germs na talaga ang ibinibigay niya sa akin. Thanks sa 99.9% ng germs ha!
"You're kidding right?" Paninigurado niya. Seryoso naman akong nakatingin sa kaniya habang padabog na itinapon sa mesa ang mga nagamit ko na tissue.
"Mukha ba akong joker para magbiro? Pinurwisyo mo lang naman ako kagabi. Muntik pa akong mapaaway dahil sayo tapos sinukahan mo pa ako kagabi. Halos punuin mo ng suka ang sala ko." Siyempre exaggerated yun pero nagkalat lang talaga siya ng malala. Pa guilty-hin lang natin, kung meron siya nun.
"Pero dahil sa mabuti pa rin akong tao, tinulungan pa rin kita. Pinaliguan kita kahit langong lango ka, binihisan ng damit-" Nagtakip naman siya agad ng dibdib ng sabihin ko yun. Duh! Nakita ko na nga yan kagabi pero di ko sinasadya ah. Wala akong interes. Wala nga!"Something really happened to us last night?" Pag-uulit niya pero di ko siya sinagot. Halata ang pagkagulat at pagkabahala sa mukha niya. Bahala siyang mag-overthink. Kasalanan niya lahat ng to, uuwing lasing na di man lang inisip muna kung anong mangyayari sa kaniya pag nagpakalasing siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/363482984-288-k525917.jpg)
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-awa. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she like...