A/N:
Hello mga ka-Shaloras! Ngayon na lang din nakapag-update kasi tinambakan ako ng mga papel. Pero 'okay na to!'
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Constant Change
"Ked, tumae na anak mo." Reklamo ko sa kaniya, karga ko kasi ang paborito kong si K2 Jr. Nandidiri akong iniaabot sa kaniya to kasi amoy na amoy ko na talaga ang kalalabas lang na durian sa batang to. Mapapa disgusting shit na lang talaga si Lee Min Ho.
"Ay nako, baby ko." Kinuha naman niya ang anak niya mula sa akin. Nangangamoy na kasi ang pampers. Karga karga ko kasi ito mula kanina since busy na ang iba sa paghahanda.
"Ibibigay ko muna to sa mommy niya." Paalam ni Ked sakin. Kita mo na, ipapasa pa talaga sa mommy ng bata ang responsibilidad, dapat gawin niya na lang since nasa kamay niya naman ito. Busy nga ang lahat for todays event. A-anak anak eh di naman pala kayang maghugas ng popo ng anak. Hay nako Ked!
"Sige sabihan mo ko kung aalis na tayo ah." Paalala ko naman sa kaniya.
"Relax lang." Biro naman niya sakin at umalis na dala ang nangangamoy na niyang anak. Dumating naman si nanay na feel na feel ang suot niya, magfa-file ba to ng certificate of candidacy si nanay Linda o a-attend ng ASEAN Summit?
"Anak bagay ba to sakin?" Tanong ni nanay Linda na akala mo eh siya ay ikakasal. Bidang-bida.
"Wag nay, over na kasi, baka masapawan mo sila." Biro ko naman kay nanay.
"Di naman ah, maganda ba?" Paghingi niya ng opinion ko.
"Maganda, okay na yan wag mo na yung ilagay yung blazer, ang pangit." Suhestiyon ko. Sobrang badoy kung ilalagay pa niya yun.
"Eh di ako sanay na makita ang balikat ko eh." Reklamo pa niya.
"Si nanay parang nakatira sa 1892, bahala ka kung ayaw mong makinig sa akin." Saad ko na lang. Si nanay Linda naman hiningi pa opinion ko tapos siya lang din naman pala masusunod. Kahit kelan talaga ang mga matatandang to, eh katulad din nung isa, pa maria clara din. Na miss ko tuloy yung isa. Ang galing! Sinong matino na ipapares sa white na dress ang blazer niya eh neon green ang kulay nun? Ang badoy kaya tingnan.
Pumunta na lamang ako sa labas ng mansion para magsigarilyo. Nagsimula akong magsigarilyo ng magkaroon ako ng anxiety, sobrang lalang anxiety. To the point na nanginginig ang buo kong katawan, sobrang lala talaga. Nung una nagyoyosi lang ako pagnanginginig ang kamay ko pero ngayon parang naging habit ko na din. Lalo pa't na diagnosed ako ng anxiety and depression tapos may isa pa. Napapadalas kasi eh kaya hinahanap hanap ko na din ang sigarilyo. Alam kong mali pero ginagawa ko pa din, kasi nakakatulong naman ito para ma-relax ako, wala pa nga lang akong pinagsasabihan ng bagay na ito kaya ito nagtatago ako. Si Chazzny lamang ang may alam na nakasanayan ko na ang pangangaral niya sa akin. Alam kong di nila magugustuhan pag nalaman nila ang bagay na to sa akin. Siguradong bubungangaan ako ni nanay pag nalaman niya to.
Hithit na ako ng hithit ng makita ko namang palapit na si ma'am Ashley sakin kaya mabilis ko namang itinapon ang sigarilyo kahit di pa ako nangangalahati, sayang man pero kailangang itapon kesa malaman niya at magsimulang kumalat, napapagpag agad ako sa ere para mawala agad ang usok tapos umiba ako ng pwesto at naglagay ng candy sa bibig. Para-paraan na lang din.
"Have you seen Keme?" Tanong niya ng makalapit na siya sakin. Nako naman ang batang yun, lagi na lang out of sight. Asan na naman kaya yun? Sa apat na first gen siya talaga yung pinakamakulit at lagi na lang nawawala sa eksena. Kung saan saan naggagagala.
"Di ko po napansin." Sagot ko.
"Why does it smell cigarette smoke in here?" Pansin niya at napaamoy-amoy pa sa paligid. Patay na.
"Anyways, I know it's inappropriate to ask you this but have you seen ate?" Tanong niya. Bakit niya sakin hinahanap ate niya? Malay ko ba kung saan nagsususuot ang babaeng yun.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomantizmNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
