CHAPTER 27

2.8K 132 27
                                        

A/N:

Sorry kung binagyo din ang update ko kaya ito na nga!
Enjoy reading!
Warning ⚠️ ⚠️ ⚠️

First War

"Alora?" Ang mga tingin talaga ni nanay sa akin, talaga namang nakakatakot kaya agad na akong lumapit sa kaniya para mag explain. Kailangan eh.

"Nay, hindi nay. Iba ang iniisip niyo, hindi po nangyari yun." Depensa ko. Tumingin naman ako kay Keon ng nagsusumamo na sana ay bawiin niya ang sinasabi niya. Matalino si Keon kaya alam kong naintindihan niya ang signal ko. Mga bata namang to oh, kung kelan paalis na ang lahat saka naman bibistuhin. Wala ng eksenahan dapat.

"Ate." Kwestiyon naman ni ma'am Ashley kay anti. Nasa amin na tuloy ngayon ang atensiyon, issue na tuloy.

"What?" Aba't nonchalant pa ang gaga.

"Keme hindi totoo yun." Saad ko pa. Ang batang to talaga. So nakita nga talaga kami ni Keon, yun pala ang narinig naming mga yabag kanina. Di kasi naging cautious eh. Mga haliparot kasi.

"So you're saying tita-ninang, that my brother is a liar?" Sinusubukan talaga ako ni Keme. Mga bata namang to parang wala kaming pinagsamahan at di ako pinagtatanggol. Kainis naman.

"Keon did you really see us kissing?" Sabat ni anti na nagpa-intimidate kay Keon. Hala tinakot na ang bata.

"I'm sure it's tita-ninang kissing....." Natakot nga siguro talaga ang bata kasi nagdadalawang-isip na sa sasabihin niya. Wag mo ng ituloy baby. Sorry baby pero kailangan naming malusutan ito.
"But I'm not sure if the other girl is tita-mommy." Oh my God! Salamat naman Lord, kahit papano ay gumaan sentinsiya ko.

"So you're saying baby that you're tita-ninang is kissing someone else?" Ked naman eh. Talagang pinapalalim pa. Okay na yung sinabi ng bata talagang pinuna pa.

"Maybe." Ang hina na ng boses ng bata kasi takot na. Kawawa naman ni Keon. Nagsasabi lang naman sana ng totoo pero napaglaruan pa ng mga matatanda.

"See he's not sure if I was with chipmunk and what makes you think I would do that?" Sambit niya kay ma'am Ashley. Aysus! Kung di lang siguro ako takot ngayon na malaman nilang lahat na may namamagitan na sa amin ni anti eh na sagot ko na siya. Kapal muks anti ha! Hinalikan mo rin nga ako eh ng hindi ko nabantayan. Sige palusot lang anti.

"Anak? May kalandian ka?" Si nanay naman mapanghusga masiyado. Sa kadami daming words na pwedeng gamitin, kalandian talaga? At sa harap pa talaga ng clan ni Ked.

"Nay di ah, nagkamali lang yung bata, siyempre nakatalikod ako kaya kala niya hinahalikan ako nung babaeng nakilala ko sa kasal ni Ked, you know bata. Maybe nagsasabi si Keon sa nakita niya pero na misinterpret niya lang ang sitwasyon, hinihipan niya lang mata ko kasi yung false eyelashes..." Siyempre palusot para maligtas, si Ked naman ang binalingan ko at sinisi.
"Ano ba naman kasi yung mga make up artist mo Ked daming sablay?! Pumasok yung kunting hibla ng fake lashes sa mata ko." Ang galing ko talagang artista. Go Al.

"Di naman ah." Depensa ni Ked.

"Anak di nagsisinungaling ang mga bata." Turan ni nanay. Alam ko nay kaya nga todo palusot ako ngayon eh.

"Nay, hindi ko sinasabing nagsisinungaling ang mga bata, ang akin lang ay mali lang ng interpretasyon ang bata, nakatalikod nga kasi ako kaya akala ni Keon naghahalikan kami pero hindi nay, nagpatulong lang ako sa taong yun. Kita mo naman yung powder ni Jussien sa mukha, sabi nung make up artist water proof eh bat nung bumaha na ang Nile river sa mukha ni Jussien ay nagmistula ng waterfalls ang baby powder niya." Totoo yun, nahulas ang bakla. Parang chocolate moist cake na ang fislak ni akla.

MS. ANTIPATIKA Where stories live. Discover now