A/N:
Hello! Hello! Hello love Again! Nakapanood na ba ang lahat? Edi wow. Sorry sa late update.
Enjoy reading!
Warning ⚠️Intensified Birthday
"Wait!"
I was dumbfounded ng makita siya. Makapigil-hininga ang kaniyang awra for today's video. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba busy siya? Anong pakay niya?
Ganap na ganap ang anti niyo, bihis na bihis na rumampa mula sa pinto, para bang naglalakad lang siya sa red carpet. Walang Oscar awards dito anti. Ngunit di pa rin ako makapaniwala na narito siya. Papalapit na nga eh.
Napakaganda ng jowa ko na rumampa at tumungo paakyat ng stage, nagbubulungan tuloy ang ilan na naroon. Ang ganda naman kasi sobra at parang siya yung may-ari ng school. Tuwang-tuwa ang puso ko ngayon ngunit gulat na gulat naman ang dinidisplay kong emosyon. Weird di ba?
"Your relative?" Tanong ng Dean sa akin ng pabulong habang nakatingin sa jowa ko na papalapit. Eh kung sikuhin ko kaya yang ngala-ngala mo Dean? Relative ka jan. Love of my life ko yan. Napangiti na lamang ako sa tanong na iyun ni Dean habang nakatingin lang sa diyosa kong jowa, ang ganda talaga. Umakyat siya sa stage at nakangiting sumalubong sakin. Ano kayang nakain nito ngayon at pumunta rito? Kung di maalis alis ang mga tingin ng tao sa kaniya ay mas lalo na ako. Siyempre jowa ko yan eh. Tinanggal niya ang shades niya nung nasa tabi ko na siya, napatakip naman ng bibig sa gulat ang Dean namin ng makita ang kabuuan ng mukha ni anti. Gulat ka no? Magkakilala ba sila?
"Ms. Grey?" Gulat na tanong nito. Kilala nga siya."Magkakilala kayo?" Tanong ko naman kay anti. Instead na sagutin ni anti tanong ko eh binalewala lamang niya ako. Tsk.
"Mr. Domingo." Sambit naman ni anti. Magkakilala nga.
"What does a well-known business tycoon doing here?" Sambit ng Dean. Nakalimutan kong famous nga pala tong jowa ko sa business world, hayst! Sana all.
"Supporting her." Saad ni anti sabay tingin sakin. Weh? Sabi niya busy siya, sigurado may hidden agenda na naman to kaya narito.
"Ah here it is." Ani ng Dean at ibinigay ang medal kay anti. Masaya naman itong tinanggap ni anti bago humarap sakin. Excited na akong masabitan ni anti ng medal.
"What's this medal for?" Tanong niya sakin.
"Sp-"
"Sports Media Awards Ms. Grey." Pagsabat naman ng Dean. Epal lang? Ako tong tinatanong oh. Nahahalataan ko talaga lagi ang mga taong may pagtingin sa jowa ko kasi nagpapapansin na agad. Sarap pitikin sa iris.
"International." Dagdag pa nito. Napapaikot na lamang talaga ako ng mata ng palihim at nahuli ko namang nakatingin si anti sakin at napangisi pa na parang natutuwa pa sa nasasaksihan. Isinuot na niya sa akin ang medal bago sabihin sa aking....."Congratulations." Bati niya sa akin kaya napangiti na ang gaga. May support system na ako.
"Thank you." Sagot ko naman.
"Meron pa." Turo ko naman sa hawak na certificate ni sir Domingo. Iniabot naman ito ng Dean kay anti pero may pahaplos pa ng kamay yung matanda kay anti, eh kung ipahaplos ko kaya sa cactus yang makasalanan mong kamay? Naku! Sarap mambali ng buto sa isang tao. Hinila ako ni anti palapit sa kaniya para makapagpa-take kami ng picture. Sobrang saya ko ng mga sandaling yun sapagkat naroon siya, sinusuportahan ako. Di ko man alam ang totoong pakay niya eh masaya na rin ako kasi nga naroon siya at siya pa ang nakasama ko sa stage para kumuha ng parangal na iyun. Wala man si nanay eh di na rin bali kasi narito naman ang isang taong malapit din sa puso ko."I'm sure you're proud of your niece." Pagsabat naman ni Dean kaya napa-ikot ako ng mata ng palihim. Namumuro na talaga ang Dean na ito sa akin, may respeto ako sa matatanda eh. Nginitian lamang siya ni anti.
![](https://img.wattpad.com/cover/363482984-288-k525917.jpg)
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-awa. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she like...