A/N:
Laging inaantok sa paggawa ng chapter na to si author, sana ay magustuhan niyo pa rin ito.
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Confession
Kumakabog ang puso ko habang nakapilig ako sa pinto. Sobrang lakas talaga ng kabog ng puso ko, para akong na raid ng mga NBI. Feel ko na yung 1 second is 10 beats na ng puso ko. Sobrang kabog na kabog talaga ito. Ang daming tanong na pumapasok ngayon sa isip ko. Di na nga magkamayaw ang tibok ng puso ko eh nagrarambulan din naman ang mga tanong sa utak ko. Katulad ng.....
Bakit siya andito? Bakit hindi siya nagsabi na pupunta siya? Bakit ngayon? Bakit siya bigla bigla na lang sumusulpot dito? Sobrang pangit ng timing niya. Ano na ang gagawin ko ngayon? Siguradong mahuhuli niya ako rito. Naglo-loading utak ko, tsaka nagpapanic na din ako. Lord help!
Idinikit ko tenga ko sa pinto at nakinig, gusto kong malaman kung anong ginagawa niya rito. Naririnig ko ang pagdo-doorbell niya sa kabila, pag di yan pinagbuksan o di sinagot ay di ako magpapakita sa kaniya, isipin niya na baka nasa school ako kaya uuwi na lang din siya. Tama ganun nga ang gagawin ko. Bahala ka diyan. Ngunit hindi pa siya umaalis. Putek talaga, oo. Ano na ba ang gagawin ko? Gusto kong magteleport o di kaya bumalik sa oras kanina na wala pa siya? Bakit di ko siya nakita sa baba? Ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Kukumustahin ako? Di naman niya ginagawa ito ah? At bakit di man lang siya nagsabi na dadalaw siya? Usually sa phone naman kami nagkakamustahan. Mas idinikit ko pa ng bongga ang tainga ko sa pinto para mas marinig ko pa ang mga kaganapan sa kabila, narinig ko ang pagsagot ng mga nakatira sa kabilang unit kay Ked.
"Sandali!" Sagot nito. Patay! May sumagot! Sa sobrang kaba ko kahit pa alam kong mali-late na ako sa school ay mabilis akong tumakbo sa may veranda. Wala talagang mas bibilis pa sa taong hinahabol o may hinahabol. Napahinto naman ako roon dahil naalala ko ulit na malapit na nga pala ako ritong mahulog. Gagawin ko ba talaga ito? Nagtatalon na ako sa kaba roon dahil baka mabuksan na ang pinto at di ko sila mapigilan, pag nakita ni Ked na di ako ang nagbukas ng pinto ay talagang patay ako. Tutuloy ba ako o hindi? Nagdadalawang-isip talaga ako na nakatingin sa veranda. Bahala na nga. Kahit pa nangangatog ang tuhod ko at yung trauma sa malapit kong pagkahulog roon ay umeespasyo din kasama ng kaba ko ay wala na akong pakialam. Umakyat na ako at dahan dahang naglambitin doon. Kung sumanib sa akin si Flash ng makailang beses, pinapanalangin ko ngayon na sana si Spiderman na naman o di kayay si Tarzan.
"Sandali nga!" Rinig ko ulit na sagot ng babaeng nasa dati kong unit. Aba'y sa awa ng diyos ay nakarating din ako sa kabilang unit ng ligtas at parang galing freezer ang mga tuhod ko na nangangatog sa pagbaba. Sobrang nagshake talaga mga tuhod ko. Pagkatuntong ko doon sa loob ng veranda ay agad na akong tumakbo sa loob ng walang paalam sa may-ari. Nagmamadali ako. Nakita ko ang babaeng nasa 30's na, na papunta na sa pinto at ready ng buksan ito kaya ako naman kahit halos madapa na sa pagtakbo ay humabol pa rin ako sa kaniya. Napatingin pa ako sa batang babae na naroon naglalaro sa sala.
Huli na ng mabuksan na nito ang pinto at bumungad nga ang wrong timing kong best friend. Pareha kaming tatlo na natulala sa isa't isa. Umayos na lamang ako ng tayo at tumikhim, nagulat at nagtaka ang babae ng makita ang presensiya ko. Surprised! Intruder ako. Nginitian ko naman siya bago bumaling kay Ked. Magtatanong na sana ang babae kung sino ako pero nagsalita na ako agad para di niya masabi yung nasa utak niya at ng di ako mahuli ni Ked.
"Ked anong ginagawa mo dito?" Alora's acting version 2.0. Ang lala ng pawis ko, nararamdaman ko ang dami.
"Malamang binibisita ka." Sagot niya. Obvious. Nagtataka pa rin siyang nakatingin sa ale at sa akin.
"Hehe." Plastic kong tawa at agad na humarang sa pinto.
"Di ka man lang nagsabi na darating ka, nakapaghanda sana ako." Sa totoo lang kinakabahan na talaga ako sa mga oras na yun. Yung mga tingin sa akin ng tenant ay talagang puzzle. May isa pa akong inaalala, sana lang ay di magising ang dragona sa kabila.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
Roman d'amourNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
