A/N:
Konichiwa mga chicken. Sorry sa mga late na uploads, kasi busy din po ang linya. Sana maintindihan niyo dahil kung hindi edi wag.
Enjoy reading!
Warning ⚠️
Surprised
"What did I just hear?" Bakit nandito si Leandel? May lumala pa nga sa sitwasyon ko kanina sa taxi at ito na nga. The power of manifestation. Bakit kasi nauso ang 'be careful what you wish for' ayan tuloy nagkatotoo na. Bakit ba ang malas malas ko sa buhay?
"Ang bilis mo naman palitan si Leandel at sa kaibigan pa talaga ni Jappy. How pathetic." Saad ni 27 Bangsamoro Islamic Law. Nagkakamali kayo.
"K-"
"I knew you would cheat. I've felt it from the very beginning. She doesn't deserve you Leandel." Sabat naman ni yobab. Ano siya manghuhula?
"L-"
"Is this for real Al?" Tanong naman ni Ms. Jappy na parang disappointed na nakatingin sa akin na parang natatawa, alam niya kasi ang nangyayari pero siyempre patay malisya ang Ms. Jappy sa nangyayari kasi ayaw niyang malaman ng mga ito na alam na niya ang totoong status namin ni Leandel. Pero para namang yung pagtitimpi niya ng tawa ay dahil sa amin ni anti. Di ko na alam ang gagawin ngayon kasi di ko rin naman alam kung ano na ang nararamdaman ko sa mga oras na yun.
"Wa-"
"Are you jealous? Your relationship is fake, she told me about it so I don't think you have the right to be mad and own her." Sabat naman ni anti. Nanlaki ang mga mata kong tiningnan siya. Binusalan ko naman siya agad kasi kung anu ano na lang pinagsasabi, akala mo naman mapapanindigan niya lahat ng to. Bakit ba ayaw nila akong pagsalitain?
"Huh. You really are pathetic Alora, you cheated on me for a much bigger and much older person?" Sambit ni Leandel na nagpagulat sakin. Mali nga kayo ng akala. Papagsalitain niyo kasi ako!
"Who's your calling old?" Inis namang saad ni anti at aatake pa talaga kay Leandel kaya agad ko namang pinigilan ito at si Ms. Jappy kay Leandel.
"You!" Ay putcha sinagot pa talaga ni Leandel kaya ayun nagkasabunutan na nga. Ang lalakas din kasi ng mga ito kahit lasing na. Todo na ang awat namin ni Ms. Jappy sa dalawa pero ang mga tao sa paligid ay sigawan lang ng sigawan na parang nanonood lang ng cocktail fight. Pambihirang buhay to.
"You bitch!"
"You cougar!" Salitan nilang salita ng masasama sa isa't isa habang nasa sumo wrestling sila, buhok edition. Alam kong charming ako pero dapat di sila nagkakasakitan ng ganito dahil sakin. Mga babae talaga.
"TAMA NA!" Sigaw ko at hinila ko ng buong lakas si anti sa pamamagitan ng paghawak sa beywang niya kaya napatigil na sila.
"Hindi ko girlfriend to okay?! Kita niyo namang lasing na siya. Tsaka hindi ako nagcheat sayo Leandel." Paliwanag ko. Lasing na rin kasi si Leandel kaya kung anu ano na lang pinagsasabi.
"Hindi naman naging tayo di ba? Tsk. Alam kong galit ka sakin, naiintindihan ko kaya sakin mo ibunton galit mo wag sa ibang tao." Papaiyak na siya kaya di ko na dinagdagan ang sasabihin ko at bumaling na lamang sa nakakairita kong boss.
"At ikaw sinabihan na kitang wag kang uminom dahil masama sa kalusugan mo, talagang ang tigas ng ulo mo. Gumawa ka pa ngayon ng gulo! Akala mo naman talaga kaya mo ang sarili mo pag nalalasing tapos mambubulabog ka lang naman pala ng ibang tao. Kakastress ka! Halika na!" Iniwan ko muna siya sa kinatatayuan niya para kunin purse niya sa inupuan niya kanina bago siya binalikan. Di na din kasi siya nakapagsalita at tahimik lamang ang buong paligid. Gigiwang giwang na siya sa kinatatayuan niya habang papikit pikit dahil lasing na nga at dahil na rin sa umaatikabong adrenaline rush na dumadaloy ngayon sa akin na may kasamang galit ay kahit anong bigat ni anti ay nagawa kong kargahin siya patuwad sa balikat ko na parang nagkarga lamang ako ng isang sakong bigas. Nakakainis kasi eh.
YOU ARE READING
MS. ANTIPATIKA
RomanceNagsimula as a stranger, nagkakilala dahil sa best friend at sa teacher niya. Nabuo ang pagsasama bilang aso't pusa, wala talagang araw ng kanilang pagtatagpo na di sila mag-away. Maski referee sa boxing ring hindi sila maaawat. She's 32 but she lik...
