Chapter 41

24 4 0
                                        

Hermione's POV

Nagtitipon ang lahat ng pamilyang DAVIS at SANDOVAL para sa gaganaping FAMILY DINNER mamayang gabi.

Ayaw ko man pumunta ngunit ayon kay Luke kailangang naroon ako dahil mayroon daw dapat na pag-uusapan.

Ito na yata ang Family Gathering na siyang makakapagpakaba sa akin ng husto, hindi dahil mahirap lang ako kundi ako lang ang naiiba sa kanila. Bukod sa mayroon silang pinag-aralan, puro sila professional.

Nang nasa hapagkainan na ang lahat, naupo na ako sa pinakadulo ng silya. Katabi ko si Luke, kasunod namang naupo ni Luke si Shawn at katabi naman ni Shawn si Cassandra, ang nasa gitna naman ng silya ay sina Mr. Davis at Mr. Sandoval. Nasa katapat naman naming silya sina Mrs. Davis, ito ang katapat ko. Habang katapat naman ni Cassandra si Mrs. Sandoval. Katapat naman ng upuan nina Shawn at Luke ang mga kapatid nito . Katapat ng upo ni Luke ang kapatid nitong babae na si Athena at katapat naman ni Shawn  ang kapatid nitong si Zia.

Sobrang kinakabahan ako, dahil unang gabi itong makakasalo ko ang mga mayayamang tulad nila.

" Hermione, don't you like the food ? "

Akmang tanong ni Mr.  Davis sa akin. Napasulyap ako sa kanya at napalunok ng marahan.

" G-gusto ko naman po, T-tito. Sadyang..naninibago lang po ako "

" Bakit hindi ? Its your first time to be part of this family dinner. Am I right ? "

Napalingon ako saglit kay Mr. Sandoval. Ito ang ama ni Shawn na parang ramdam ko sa tuwing nakikita niya ako kumukulo ang dugo niya sa akin.

" O-opo "

Nang sulyapan ko si Cassandra, ngumisi ito nang nakakainis.

Sarap sabunutan ng bruha !

" Don't worry, Love. Masasanay ka rin sa ganitong salo-salo, lalo na kapag kasal na tayo. Siyempre mas engrande pa rito ang ma-e-experience mo "

Napangiti ako ng bahagya sa sinabi ni Luke.

" Naku, Hijo. Huwag mo masyadong silawin sa yaman yang dating maid ng anak ko. Baka masanay yan, baka naman mamulubi ka dahil sa mga luho niya "

" Kuya, hindi naman ganoong klaseng tao si Hermione. Yes, she's from the poor family. But she has a soft heart. Mabait naman siyang bata, Kuya. Kilalanin mo lang siya "

" Luke is not my son, but he is my nephew. All I want for him is finding a partner like him. May magandang trabaho at may pinag-aralan "

" Tito, nag-aaral naman po si Hermione. Sa katunayan nga madali siyang natututo eh "

" Nag-aaral ng highschool palang..samantalang ikaw professional lawyer na. Ano'ng maipagmamalaki ng pagiging highschool student ng babaing yan ?! "

Gusto ko na yatang maiyak dahil sa mga sinasabi ni Mr. Sandoval tungkol sa akin. Ganito ba talaga kaming mahihirap ? Madaling apakan ng mga mayayaman ?

Hindi na nakakibo ang lahat.

" If I were you, Hermione. Huwag ka ng mag-ilusyon, kung pareho ka lang kay Cassandra na girlfriend ng anak ko na maganda, mayaman, anak ng congressman, may pinag-aralan at nagmamay-ari ng mga malalaking lupain. Madali siguro kitang matatanggap para sa pamangkin ko. But youre not, baka dahil sayo mamulubi kaming lahat "

Napayuko ako at hindi na nakayanan ang sariling hindi maiyak. Napatayo ako at nag excuse sa lahat.

Umalis ako sa harap nila at tumungo sa kwarto, doon ako napahagulhol sa kaiiyak.

Ang sakit-sakit...

Luke's  POV

" Love, wait "

Akmang susundan ko si Hermione subalit pinigilan ako ni Tito David na sundan ito.

" Stay there, Luke"

Nilingon ko siya.

" Bakit ganoon na lang ang trato niyo sa kanya, Tito ? Hindi naman siya masamang babae ah "

" Wala naman akong sinabing masama siyang babae, ah. Ang sa akin lang hindi ang tulad niya ang nababagay sayo, Hijo "

" Sino ba ang bagay sa akin ? Isang mayaman din na tulad natin ? "

" Exactly ! "

" Pwes, nagkakamali ho kayo. Tito, hindi ho ako tulad niyo na gusto ang mapapangasawa ay mayaman at edukada. Ibahin niyo po ako, hindi ho ako tumitingin sa kung anumang yaman ng tao tumitingin ako sa taong may mabuting kalooban "

" What do you mean ? Masama ako ? I'm just giving you an advice. You should obey me bilang pangalawang ama mo "

" Thank's but no thank's, Tito. Oo mahirap lang si Hermione, pero mahal ko siya. Oo, sabihin na nating concern kayo sakin bilang pangalawa ko'ng ama. Tanggap na ho siya ng parents ko, sapat na dahilan na yun para ipaglaban ko siya. Magalit na ho kayo sa akin, Tito. Pero hindi ko hahayaang ganoon niyo nalang apakan ang pagkatao ni Hermione. Handa akong umalis rito, maprotektahan ko lang siya "

Padabog akong tumayo at umalis sa harap nila.

Tinungo ko ang silid kung nasaan si Hermione. Alam ko na doon siya pupunta, nang maratnan ko siya roon. Napansin ko na nag-aayos na ito ng mga gamit niya at isinilid ito sa loob ng bag.

Pinigilan ko siya at hinablot ang bag na may lamang gamit nito.

" Akin na yan, Luke "

Napahikbi ito. Pansin ko na namumugto na ang mga mata nito sa kaiiyak.

Hinawakan ko ang kamay niya at binitad siya papunta sa akin. I hugged her tight. Hinimas-himas ko ang likod niya.

" Tahan na, Love. Sorry sa mga sinabi ni Tito, huwag mo naman akong iwan "

Naramdaman ko ang paghagulhol ng husto ni Hermione, halos mabasa na ang damit ko sa dami ng naiyak niya.

Ilang sandali, tumahan na ito. Pinahiga ko siya sa kama niya, hanggang sa makatulog na ito sa mga bisig ko.

Nang mahimbing na itong nakatulog, lumabas na ako ng kwarto niya.

Pagkalabas ko, hindi ko aakalaing nasa labas rin pala ng kwarto ni Hermione si Shawn.

" Kamusta siya ? "

" She's fine now, tara sa baba "

Inaya ko siyang magkape sa baba.

Naaawa ako kay Hermione, pero may tiwala ako sa kakayahan niya. Alam ko na may maaabot siya, gusto ko na mapatunayan niya iyon kahit kay Tito David.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon