Shawn's POV
I stretched out a little, but I felt Hermione fall asleep on my chest. I glanced at her, remembering what happened last night.
Stupid ! Bakit ganoon mo nalang siya kung halikan, huh ?! At bakit hinahayaan naman niya na halikan ko siya ?
I moved slowly when the driver entered.
" Where are we na ba, Kuya Glen ? "
" Nasa maynila na po tayo, Sir. Gisingin niyo na po si Ma'am, aalis na po tayo "
Ayaw ko sana siyang gisingin subalit kailangan.
" Hermione, wake up "
Napaunat ito ng bahagya, saglit na nagkatitigan kaming dalawa. Ako na ang nag-iwas ng tingin, napalunok ako ng marahan. Umandar na nga yung Van papalabas ng barko.
Until we arrived at the factory were we delivered the stocks, Hermione and I still didn't move.
Pagkatapos maideliver ng Stocks, bumalik na kami ng probinsiya. Sumakay kami ng first trip ng barko, hanggang sa makauwi kami hindi parin kami nagkikibuan ni hermione
Kasi naman..nahihiya ako. I kissed her shamefully,, nangako pa naman ako sa Nanay niya na hindi ko siya sasaktan, pero yung halik kagabi..kahangalan yun. Hindi ko nirespeto ang pagkababae niya.
Pagkarating sa bahay nina Hermione, dumiretso ako ng kwarto. Hindi ko kayang humarap sa kanya, hindi ko kayang magpakita sa kanya. Nakakahiya !
Hanggang sa pinasok nalang ako ni Nanay sa loob ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon.
" Nay "
" Bakit hindi ka pa kumakain ? "
" Busog pa po..."
Humilab bigla ang tiyan ko, napangisi ako. Tumabi sa akin ang Nanay ni Hermione.
" Ano bang problema ? Nag-away ba kayo ni Hermione ? "
" Wala naman po, pagod lang po talaga kami sa trabaho "
" Ayaw ko man sabihin pero kailangan niyo iyang pag-usapang dalawa "
Napatango ako ng marahan.
" Opo, Nay. Sorry po "
" Kumain ka muna, ipinagluto ka ni Hermione ng adobong pusit. Paborito mo raw yun "
" Sige po, Nay. Lalabas ho ako mamaya "
" Magpapahinga na ako "
" Goodnight, Nay "
Nginitian niya ako. Napakabait talaga ng Nanay ni Hermione..sana ganyan si Mommy sa akin
Hermione's POV
Abala ako sa pagrereview ng stocks namin sa tubuhan, malaki pala ang kitaan sa tubuhan kaya pala gustong-gusto ni Ina magtrabaho dito dahil sa ganitong kalaking sweldo.
May office yung tubuhan kasi minsan doon namamalagi si Boss kapag wala siyang business trip.
Bumukas yung pinto at iniluwa roon si Shawn Napatayo ako.
" Sir, may kailangan ho ba kayo ? "
" Nothing. I just want to talk to you"
" Tungkol po saan sir shawn ?"
Umukopa ito ng mauupuan at naupo paharap sa table ko kung saan ako nagsusulat.
" i just want to say sorry about sa nangyari doon sa barko "
" Saan po dun, sir shawn? Yung pambubulyaw niyo ba sa akin ? Okay lang po, nasanay na ho ako "
" About the kiss. Alam ko na hindi ko dapat ginawa yun. I'm sorry "
" Wala lang po sa inyo yung..kiss ? "
" Ha ? "
" Ang..ibig ko po'ng sabihin. Huwag na po kayong mag-aalala hindi ko naman yun dinibdib tsaka okay lang po. Hindi niyo naman po kailangang magsorry, hindi naman din po ako galit, Sir shawn"
" I'll go ahead "
Paalis na sana ito nang pigilan ko siya.
" Sir shawn, sandali lang po "
" Bakit ? "
" Nakatanggap po kasi ako ng text galing sa Mommy niyo. Pinapauwi na niya ho kayo "
" Tayo. Ofcourse, kasama ka "
" Hindi na po ako sasama, Sir. Hindi na rin po ako babalik sa maynila "
Kumunot-noo ito.
" Bakit ? Akala ko ba hindi ka galit ? "
" Hindi naman talaga ako galit, Sir shawn. Naisip ko kasi na mas malaki ho ang kitaan dito, tsaka malapit lang din ako sa pamilya ko kaya hindi na po ako aalis. Hindi ko na iiwan si Ina "
" But.. "
" Sige po, makakaalis na ho kayo. Marami pa ho akong gagawin "
Hindi na ito kumibo. Umalis na nga ito sa harap ko.
Sana sa pag-uwi ko wala na siya. Kasi hindi ko na alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Isang lalaki lang naman ang nagugustuhan ko at si luke yun,pero nung nakasama ko ng matagal si Sir shawn. Nagbago ang pagtingin ko sa kanya, pati ang nararamdaman ko sa kanya. Wala rin naman sa kanya yung kissed eh, hindi yun mahalaga sa kanya. Isang hamak na Maid parin ang tingin niya sa akin at sa tingin ko hindi na ito mababago pa. Kapag siguro magkalayo na kami madali ko siyang makakalimutan.
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
